Chapter 10

1128 Words
"M-marga..........."Umiiyak na sigaw ni Marisol.Puro Marga ang tanging bungad at sambit ni Marisol ng magising 'to. "Sol...Calm down,nanaginip kalang.I know miss mo na rin si Beshy Marga.P-pero pagpahingain na natin ang kan'yang kaluluwa."Saad ni Marites habang ang iba ay pinapakalma si Sol. "No,buhay pa s'ya.Kahit nanghihina na ako alam ko s'ya iyon.Kahit magbago pa s'ya ng anyo nakakasigurado ako si Marga ang nakita ng dalawang mata ko."Umiiyak na saad ni Marisol. "Alam ko umaasa pa kayong buhay pa si Marga,pero mali na umasa tayo na buhay pa siya.Wala pang patay na bumangon muli."Saad naman ni Mak. "I'm not crazy pero totoo talaga nakita ko."Pagmamatigas ni Marisol. "Yes,I saw it also.Almost wala na akong malay ng dumating siya. Kitang-kita sa mga mata niya ang galit ngunit naninimbamg parin sa kan'ya ang pagiging mabuting kaibigan."Sabat naman ni Condrad na nakasakay sa wheelchair at tulak-tulak ng kasamahan nito. Halos napahinto at nabigla sila sa narinig mula kay Condrad. "Kung totoong si Marga ang nakita niyo?Sino ang inilibing natin?"Sunod-sunod na tanong ni Marie. "Hindi kaya nakita n'ya na ang tunay niyang pamilya o kaya'y may nagligtas sa kan'ya mula sa aksidente" saad ni Marisol. Napaisip silang lahat sa possible na nangyari kay Marga.Ngayon narinig nila sa dalawa ang tungkol kay Marga.Nabuhayan sila ng loob na baka sakaling makasama nila 'to ulit. "Paglumabas na ako dito.Aasikasohin ko agad.Kung noon hindi kami nangi-alam sa bangkay ni Marga dahil iyon ang hiling nina Tito at Tita.Nirespito ko ang desisyon nila dahil alam ko nagdadalamhati sila.Noon paman alam n'yo na may agam-agam ako na hindi iyon bangkay ni Marga"mahabang lintaya ni Marisol.Nang makita ang mukha dati ni Marga,gusto ni Marisol na magkaroon siya ng sariling imbestigasyon pero hindi na pumayag ang mga magulang ni Marga.Ang dahilan nila naawa sila sa katawan ni Marga na pulit-ulit na hinihiwa. Habang nag-iisip sila ng hakbang na gagawin para buksan ulit ang kaso ni Marga.Napangiti naman si Marga sa mga narinig.Rinig na rinig niya ang bawat pinag-uusapan ng magkakaibigan. "Bestfriend ko nga kayo.I'm sorry kung natiis ko kayo ng ilang taon.Lilinisin ko lang ang pangalan ko at babalik na tayo sa dati."saad ni Marga habang pinapakinggan ang pinag-uusapan nila.Gumamit 'to ng screw mini lens spy camera.Inilagay n'ya 'to sa may higaan ni Marisol banda sa may paahan. Habang tulog silang lahat.Mabilis na pumasok si Marga sa loob ng silid ni Marisol ng hindi namamalayan ng dalawang pulis na nakabantay sa labas.Nag-anyong Nurse 'to kaya nakalusot s'ya. "Marga,it's already 2am in the morning,gising ka pa?"nagtatakang tanong ni Kasuko na kababa lang mula sa taas ng silid. "May pupuntahan ako.I need to know the truth,"mahinang saad ni Izumi habang nagtitipa ng laptop. "Gusto mo samahan kita?"seryosong saad ni Kasuko. "No,thank you "pagkatapos mag-usap nila ni Kasuko umalis na 'to.Nakabihis 'to ng itim na leather jacket at nakasumbrero ng itim.Nakasuot din 'to ng mask. Tahimik na nagmaneho si Izumi papunta ng bahay ng mga umampon sa kan'ya.Pagdating sa labas ng gate.Tahimik na ang buong kabahayan,maliban sa dating n'yang kwarto.Umiilaw 'to kaya napakonot ang kan'yang noo. Bago siya lumabas ng sasakyan sinugurado n'ya muna na hindi s'ya makilala.Umikot s'ya sa likod ng bahay.Dumaan s'ya sa dating dinadaanan n'ya sa tuwing tumatakas silang magbabarkada. Walang kahirap-hirap na tinalon niya ang pader.Pagtalon n'ya sa loob ng bahay tumahol ng malakas ang malaking aso.Sinipolan n'ya 'to at biglang tumahimik.Nagkukumahog 'to na lumabas sa kulungan ng makilala s'ya. Nang maramdaman na bumukas ang bintana ng silid n'ya agad s'ya nagtago.Sinilip n'ya kung sino ang nasa bintana.Laking gulat n'ya nalang ng mamukhaan ang lalaking palinga-linga sa kinaroonan n'ya. "Fuck....Ano ang ginawa ng bastard na yan sa silid ko.Dito rin ba umuuwi si Geneva?"Bulong nito sa sarili.Gusto niya alamin ang buong katotohanan.Nagngingit siya sa galit sa tuwing maiisip na tinanggap nila ang babaing dahilan ng pagkawasak ng buhay niya.Ang babaing dahilan ng pagkamatay ng anak niya. Hindi n'ya lubos maisip kung paano natanggap ng mga itinuring niya na magulang si Geneva. Bago pa sumakit ang kan'yang ulo.Tumakbo na s'ya papunta ng kusina.Nasa kan'ya parin ang duplicate ng susi ng bahay.Dahan-dahan s'ya na umakyat sa taas.Nang nasa tapat na s'ya ng kwarto ng mga magulang.Pinihit n'ya ang pinto ngunit naka-lock na 'to. Hindi n'ya na binuksan ang silid.Agad siya pumasok sa guestroom.Binuksan niya ang biranda.Pagkatapos tumalon papunta sa biranda ng kan'yang silid. "Fuck..."Napamura si Izumi ng masagi ang paso ng rosas.Dadampotin n'ya na sana ng maramdaman na may papalapit na mga yabag.Agad siya sumandal sa pader upang magtago. Iniluwa ng pinto ang isang gwapong lalaki.Kahit taon na ang nagdaan sobrang gwapo parin 'to.Medyo ng matured lang ng kunti.Pero ang pangangatawan nito ay ganun parin ang hubog,matipuno at siksik.Dinampot nito ang paso at inayos ulit. "Daddy,ano po ang nangyari?"inosenteng tanong ng batang lalaki. "Baby nahulog ang paso,siguro dahil sa malakas na hangin kaya nahulog.Pumasok kana at matulog ulit, baka mahamogan ka pa dito."saad ni Andrew sa anak. "Daddy d'ba sabi mo kay Mommy Marga 'yan.Kaya tulungan na kita baka magalit si Mommy." "Baby,basta ang secret natin.Kahit kay Mommy Geneva huwag mo sasabihin."Mariin na saad ni Andrew sa bata. Tumango naman ang bata.At nag-promise pa 'to sa ama.Habang pinapakinggan ni Izumi ang pag-uusap ng dalawa.Bigla nawala sa isip niya ang pakay n'ya dating bahay.Napukaw ng atens'yon n'ya ang sinabi tungkol sa sekreto ng dalawa. Pagkaalis ng mag-ama,tsaka lang siya nakahinga ng maluwag.Umupo lang s'ya sa labas at inantay na makatulog ang dalawa. Nang masigurado na tulog na ang dalawa.Dahan-dahan siya na pumasok.Ganun pa din ang ayos.Maliban sa kabinet n'ya.Magkatabi ang damit nila ni Andrew at sa kabila naman ang sa anak nito.Nagulat din s'ya bakit may larawan silang tatlo na magkasama. Napahinto siya ng kunti ng gumalaw si Andrew.Tiningnan n'ya lahat ng papel na sa mesa.Isang financial statement ng kompanya ni Geneva at nalulugi na 'to. Naghahanap ng ito ng buyer.Napangiti naman s'ya sa nalaman.Pero laking gulat n'ya ng makita ang birth certificate ng bata. Dalawang birth certificate.Babasahin n'ya pa sana ng biglang may kumatok sa pinto. Knock..knock...knock..Katok mula sa labas ng pinto.Pagbukas nito nakita niya agad ang kanyang mga magulang na matagal niya gusto makita. "Andrew anak.Tumawag si Carlo sa akin.May nakapasok daw sa bahay at mukhang magnanakaw 'to.Nakita niya daw sa cctv."saad ng Ama niya. Agad pumunta sa monitor room si Andrew at nagcheck.Samantala si Izumi agad naman lumabas sa kwarto,dala-dala ang pantalon ni Andrew .Ginamit niya ang pantalon ni Andrew upang makatawid sa kabila. "Kuya pwedi ba i-zoom mo ang mukha n'ya."Paki-usap ni Andrew. "Dad isang babae.Pero ano naman ang nanakawin niya sa silid ko?"naguguluhang tanong ni Andrew. "Sir check this area.Tingnan mo ang biranda mo.Bitbit n'ya ang pantalon mo."saad ng lalaki. "Anak mahal ba ang pantalon mo? bakit sa dami ng gamit mo sa silid pantalon ang nagustuhan niya."Hindi makapaniwalang saad ng Ama nito. Pailing-iling si Andrew habang hinahawakan ang baba.Kahit s'ya hindi makapaniwala na pantalon n'ya ang kukunin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD