"Pinsan ko 'yan. Ang galing mo insan," sigaw ni Cody habang tinataas ang kamay ni Nene. "Aba, siyempre nasa lahi natin ang matalino. Ano ang masasabi mo Milay?" Nakangising saad ni Nene. Isang malakas at nanggigil na sampal ang pinakawalan ni Milay ngunit hindi ito dumapo sa pisngi ni Nene. Sinalag ito ni Brianna at hinawakan siya ng mahigpit. "Sa dami ng lugar at mga taong kakalabanin talagang kami ang pinili mo?" Magkabilaang sampal ang ibinigay ni Brianna kay Milay. Galit na galit na tiningnan ni Milay si Nene ngunit naka-ngisi lang ito. Hindi na nakatiis si Marisol at sina Marga at Oscar, nilapitan nila si Milay at ang ibang tauhan nito. Marahas na isinikay ni Marga si Milay. Wala silang ibang inaalaa dahil halos ng bisita nila ay kamag-anak at mga kaibigan nila kaya walang magrer

