"Ang galing mo mang-inis pero duwag ka naman kay Flame!" "May problema ba? Parang nagkaka-asaran kayo yata?" Takang tanong ni Flame. "Wala naman Flame. Tinatanong lang namin s'ya tungkol sa babaeng kasama niya last week, right Lady Butterfly?" saad ni Shanine kay Brianna sabay kindat. Nanlaki ang mata ni Susuki. Hinila niya ang dalawang kaibigan at pinalabas. "Bakit mo sila pinapalabas? Sagutin mo ang tanong nila? Sino ang kasama mong babae, Susuki?" Mariin na tanong niya sa asawa habang nakapamewang. "Flammy, costumer lang natin 'yon. Tinulungan ko lang siyang ayusin ang sasakyan niya!" Inis na inis na paliwanag ni Susuki sa asawa. "Buddy, costumer lang daw? Pero bakit ang sweet!" Napaatras si Shanine nang biglang tinutukan sila ng baril ni Susuki. "Lumayas na kayo dito. Panira

