Mabilis na dumating si Marga sa kanyang bahay.Sumama na rin sina Marisol at Andrew sa kanila.
Nagulat naman ang mga magulang ni Marga ng makita ang dating mga katiwala nito.
"Mom I'm sorry kung sila Manang at Manong ay kinuha ko."
"Anak masaya kami kung anong meron ka ngayon ang importante buhay ka!"
"Siya nga pala mom,dad si Dannus at Kasuko,silang mga taong tumulong sa akin noon at hanggang ngayon."
"Andrew si Dannus at Kasuko."Pakilala ni Marga sa dalawa.
"Hi! i heard a lot of things about you! By the way, let me introduce my self to you.Ako pala si Dannus ang lalaking magiging asawa niya."Nakangiting saad nito.
Napaawang naman ang labi ni Andrew at matalim naman na tiningnan ni Marga si Dannus."Pare nagbibiro lang ako.Let's go honey!"Saad ni Dannus habang hila-hila nito si Marga papunta ng kusina
"Dannus ano namang kalokohan 'to?"
"I just want to tease the bastard!"At malakas 'to tumawa.
"May tinatagong ka abnormalan ka din pala Dannus!"Inis na saad ni Marga.
"Kunti lang naman!"saad niya na medyo bulol ang pagkasabi ng binata.
Tahimik ang lahat habang kumakain.Hanggang sa in-umpisahan ni Dannus ang pagtatanong kay Andrew.
"Bro ngayon nakabalik na si Marga,ano ang plano mo sa pamilya mo?"Seryosong usisa nito kay Andrew.
"S-sa ngayon hindi ko pa alam.Gusto ko bumawi at mabuo na kami p-pero p-paano si Geneva."
"Ang duwag mo! tulad ng ginawa mo dati sa asawa mo.W-wala kang bayag...!"
"Dannus..Hayaan mo sila mag-usap ni Marga,"saway naman ni Kasuko sa binata.
"I'm sorry concern lang ako kay Izumi!"
"Thank you...Okay lang ako.Ang importante alam ko na ngayon na anak ko si Matthew.Kung pipiliin niya si Geneva,still it's fine."Saad nito habang sinusubuan ang anak.
"Beshy mauna na ako at may importante akong pupuntahan."saad ni Sol na nagmamadali.
"S-sol may nangyari ba?"
"I need to go.May impormasyon daw na nakuha ang mga tauhan ko tungkol sa negosyo ni Geneva.Kailangan ko i-confirmed 'to."
"I will go with you."
"Dito ka nalang dahil kailangan ka ng pamilya mo."
"Beshy i know,pero mas magiging masaya ako kung mahuhuli na si Geneva.At saka safe sila dito sa bahay ko."
"Sige na nga hindi na ako makikipagtalo sa'yo."
"Antayin mo ako dito magpapaalam lang ako sa kanila.Don't try to escape dahil susunod parin ako."Taas kilay nitong saad sa kaibigan.
Halos paliparin na ni Marisol ang sasakyan dahil sa sobrang bilis nito.Pagdating sa loob sa sinasabing factory ng asukal laking gulat nila bakit ang tahimik at wala man lang makitang trabahador sa loob.
"Sol,malakas ang kutob ko na isa 'tong patibong 'to."Nagtatakang saad ni Marga.
"Tama ka.Nakakapaghinala ang lugar na 'to pero ng tumawag ang tauhan ko ito ang lugar at dito siya mismo nakatayo."Saad ni Sol habang tinuturo ang lugar.
"So,'t means may ibang tao sa likod nito."
"Mauna akong lalabas dahil alam nila ako lang ang pupunta."
"Sige,mag-ingat ka.Alam ko magaling ka, kaya may tiwala sayo.."
Tumango si Sol at isinukbit ang dalawang baril sa tagiliran at dalawa din sa may binti.
"Kung sakali hindi ako makalabas agad alam mo na ang gagawin mo"
"Ako na ang bahala Sol."
Pagkaalis ni Marisol,agad din siya lumabas at umikot sa likod.Samantala si Sol dahan-dahan na pumasok sa loob.
"f**k i don't like this game!"Tinawagan niya agad ang mga tauhan ngunit iba ang sumagot.
"Hello Jason,nasaan kayo?"saad ni Sol sa tauhan.Isang malakas na halakhak naman ang sumagot mula sa kabilang linya.
"Ohhh,gusto din kitang maging boss dahil ang laking mong tanga.Sumugod ka pa tlga dito na nag-iisa?"Saad ng lalaking nakabonet.
"Boss sorry! nahuli nila kami habang nag-iimbestiga kami dito."Saad naman ng mga kasamahan ni Sol.
Hindi nagsalita si Sol bagkus kinausap niya lang 'to sa mata.
"Ilabas mo ang tapang mo! Talagang si boss Geneva ang kinalaban niyo.Hindi niyo s'ya kaya!"Pang-uuyam ng lalaki kay Sol.
Bigla naman sumulpot si Marga sa likuran ng armadong lalaki.
"Sino ang nagsabi sa'yo na nag-iisa siya?"Matalim na mga mata ni Marga ang sumalubong sa mga mata ng armadong lalaki.
Agad lumingon ang lalaking armado kay Maga."I-ikaw? paanong nabuhay ka? "kinakabahang tanong ng lalaki.Isa 'to sa kaibigan at kasabwat ni Geneva para makulong s'ya.
"Mr. Tan mukha yatang bumabasa na ang iyong salawal.May nasabi ba akong mali!"ngiting aso na saad ni Marga.
"Manahimik ka.Kahit bumalik kapa wala ka ng magagawa.At nasisiguro ko pati ang posisyon mo ay makukuha din ni Geneva."Nanginginig na sigaw ng lalaki
"Alam mo Mr. Tan simula ng mabuhay ako ulit,natanggap narin pati ang awa ko sa sarili."
"Please Marga..Isasauli ko lahat ng pera na binayad ni Geneva sa akin pati ang share ko sa kompanya ng Daddy mo ibabalik ko sa'yo."
Tumawa ng nakakaloko si Marga pagkatapos sumeryoso ang mukha nito."Hindi ako hayok sa pera.Ang gusto ko ay ubusin kayong lahat.Mga salot kayo!"
"Wala kaming ginagawa sa'yo.Hindi ka....."Hindi pa natapos ng lalaki ang sasabihin ng biglang tumilapon ang ulo nito sa sahig.Gumulong-gulong 'to hanggang sa kinatatayuan ni Marga.Dinampot niya 'to at binitbit palabas ang ulo ng lalaki.Natutula at napaawang naman ang labi ng mga kasamahan ni Marisol.
"Fuck...I can't believe this..Paano siya natuto ng ganito." Saad ni Marisol sa sarili.
"Ma'am positive po lahat ng kasamahan ni Mr. Tan patay na po at lahat sila ay pugot ang ulo."Saad naman ng tauhan ni Marisol.Inutusan ni Marisol ang mga tao upang hanapin ang ibang kasamahan ni Marga.
"Si Geneva nasaan? "
"Negative dark.Wala dito si Geneva,malamang pinain niya lang si Mr. Tan para mahuli ka."
"Sige...Ipunin niyo lahat ng mga katawan at dalhin ang mga sugatan sa hospital.Kailangan pa natin sila para sa kaso na 'to."
Habang naglalakad palabas si Marisol ng building,hindi mawala sa isip niya ang mukha ni Marga habang walang awa na pinugutan ng ulo si Mr. Tan.Hindi makikita sa mga mata ni Marga ang awa.Isang mabait na tao at ngayon isa na 'tong mabangis at nakakatakot na isang nilalang.
"M-marga ano ang gagawin mo diyan!"tanong ni Sol sa kaibigan.Isinabit niya kasi 'to sa taas ng building ang ulo ni Mr. Tan.At may nakasulat 'tong nakasabit.
"Huwag niyo ako gayahin isang akong mamatay tao at rapist!"saad sa nakasulat.
"Tama lang 'to sa kan'ya.Deserve niya ang ganitong kamatayan!"Mariin na saad ni Marga habang pinupunasan ang katanang gamit niya sa pagpatay sa lalaki.
Hanggang sa mga oras na nakikinig si Marisol sa mga sinasabi Marga,hindi parin masagi sa isip niya ang katotohanan na malayo na 'to sa dating kaibigan.
"Sol nakikinig ka ba?"
"S-sorry beshy,sobrang nagulat lang ako.Dati kasi takot na takot ka sa mga putukan.Kahit masugatan ka lang noon nahihimatay ka.Paano mo natanggal lahat ng takot mo sa sarili?"
"Minsan kahit gaano natin ka duwag,nagbabago tayo dahil sa mga masasakit na karanasan.Sa sobrang galit ko sa mga taong sumira ng buhay ko.Ang dahilan ng pagkawala ng anak ko.Nagising nalang akong isang araw na wala na akong mararamdaman kahit kunting awa sa tuwing pumapatay ako ng isang tao.Ayaw ko maging ganito beshy pero ang bagal ng sistema natin kaya sisingilin ko sila sa pamamagitan ng aking kamay."
"Pero kailangan mo parin harapin ang batas,kaibigan mo ako at alam mo iyan."
"Alam ko,susuko ako pagnahuli ko na si Geneva!"
"Salamat.Mauna kana sa sasakyan dahil darating na ang mga pulis."Saad ni Marisol na inaayos.
Agad naman isinuot ni Marga ang kanyang hoody at nauna sa kotse ni Marisol.Tanging mga kaibigan at malalapit lamang sa kan'ya ang nakakaalam tungkol sa kanyang katauhan.