Chapter 5

1310 Words
Halos limang buwan na ang nakalipas.At Nahatulan ng guilty si Marga dahil sa malakas ang ebidensiya laban sa kan'ya.Hindi na tinanggap ng korte ang pangalawang statement ni Andrew upang bawiin ang naunang n'yang salaysay laban sa asawa.Samantala hindi na kinontra ni Marga ang hatol sa kan'ya dahil buo na ang plano niya,manalo o matalo sasama siya sa nagpakilalang tyahin niya na si Kasuko. Nahimatay naman ang kan'yang Ina sa loob ng korte ng basahin ang hatol sa kan'ya.Ang kaibigan niya naman ay halos magwala,lalo na si Marisol at Marites,samantala parang baliwala lang kay Marga ang hatol sa kan'ya.Hindi 'to umi-imik at tahimik lang sa isang sulok. "M-marga, I'm sorry.Hindi ko sinasadya,sana mapatawad mo ako."lumuhod si Andrew sa harapan ni Marga upang humingi ng tawad. "Walang hiya ka ang lakas ng loob mo lumapit sa kaibigan namin.Samantala ikaw lahat ang dahilan kung bakit siya nakulong."Galit na galit na saad Marisol.Hindi pa 'to nakuntito at siniko pa 'to sa tagiliran. "Enough.Huwag niyong sayangin ang inyong mga luha.I'm fine. Everything will be fine.Ang gusto ko lang ay alagaan niyo si Mommy at Daddy,'yan lang ang hiling ko sa 'nyo."Seryosong saad ni Marga sa mga kaibigan. Nagyakapan ang magkaibigan at nagpaalam si Marga ng maayos sa mga magulang n'ya.Abala sila sa pag-uusap ng lumapit si Geneva. "Hey, Marga! Hindi mo ba ako babatiin for winning this case.I told you hindi ka mananalo sa akin. Kahit sino pang poncho pilato ang iharap mo sa akin upang ipagtanggol ka."nakangising saad ni Geneva. Aakmang lalapit si Marites at Marisol kay Geneva ngunit hinarang 'to ni Marga. "Ibigay niyo na 'to sa akin.Yeah, maybe this time panalo ka! pero huwag magsaya ng mabuti dahil sisiguradohin ko, ako mismo ang maghahatid sa'yo sa inferno kung saan ka nababagay.Hindi ba't 'to ang gusto para makuha ang asawa ko."May kinuha 'to sa bulsa niya na isang papel at ibinigay kay Geneva. "Ano to?"inosenteng tanong ni Geneva. "Marunong kanaman siguro magbasa o baka gusto mo basahin ko pa sa'yo."Ngunit hindi pa naumpisahan basahin ni Geneva ang papel ng inagaw ni Andrew. Nang mabasa ni Andrew ang nakasulat nanlaki ang mata niya.Isa 'tong divorce paper."No,hindi ako papayag.Gagawa ako ng paraan na ilabas kita dito.Please Marga give me a chance na patunayan sa'yo.Pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko."Niyakap nito ng mahigpit si Marga. "It's too late Andrew,dinurog mo ng husto ang pagkatao ko.Malaya ka na."Kumalas 'to sa pagkayakap mula kay Andrew at tinawag na ang pulis. "Ibalik niyo na ako sa Kulungan."Tumalikod si Marga at hindi na lumingon hanggang sa tuluyan na siyang nakapasok sa patrol car. Habang nasa byahe pabalik ng kulungan si Marga,tahimik lang 'tong nakatanaw sa labas ng pinto.Nagulat nalang silang lahat ng may bumangga sa kanilang unahan. "Ano 'yan"tanong ng isang Pulis na nakabantay kay Marga. "Hindi ko rin alam."Agad kinuha ng mga pulis ang kanilang mga baril pero bago paman sila bumaba may sampong katao ang lumapit at bumukas ng pinto.Mga naka bonet 'to at may hawak na mga katana. "S-sino kayo?"Tanong ng isang pulis. "Ibigay niyo samin ang babaing iyan kung ayaw niyo pati pamilya niyo ay madamay."Saad ng babaing matangkad. "Kasu..."hindi na nakapagsalita si Marga dahil itinulak siya ng pulis palabas.Ngunit ang isa sa mga pulis ay naglakas loob 'tong magpaputok ngunit nabigo 'to dahil bago niya naiputok na putulan na siya ng ulo ng babaing kaharap niya. "Kasuko ikaw ba 'yan?"seryosong tanong ni Marga. "Yes,ako to.Hindi ba marunong ka mag-drive?"Tanong ni Kasuko kay Marga. "Oo"maiksing sagot ni Marga. "Kung ganun ikaw na mag-drive sa malaking truck."Mariin na sagot ni Kasuko.At ibinigay nito ang susi ng 10 wheeler truck. "Ano ang gagawin ko?"inosenteng tanong ni Marga. "Simple lang.Banggain mo ang patrol car para magmukhang aksidente ang pagtakas mo."saad ni Kasuko kay Marga. "B-bakit ako.Hindi ko kayang pumatay ng inosente."Pagtatanggi ni Marga sa utos ni Kasuko sa kan'ya. "They are not innocent.Kasabwat sila ni Geneva.Kaya kung ako sa'yo tanggalin mo ang awa sa puso mo lalo nasa mga taong salot sa bayan."seryosong saad ni Kasuko. "Pero ano ang ginagawa ng babae na iyan diyan."Turo nito sa babaing kumuha ng mga damit niya at wedding ring. "Isa siyang bayaran.Willing mamatay para sa pera.Binayaran na ng ama mo ang pamilya niya kapalit ng buhay niya.Siya ang magsisilbing kapalit mo.Planado na ang lahat kaya huwag ka na mag-alala diyan dahil makakaalis tayo dito ng walang problema. "Bilisan niyo dahil ang pamilya at kaibigan ni Marga ay papunta na dito."sabadlt ng kasamahan nila. Nanginginig man si Marga.Ginawa niya parin ang pinapagawa sa kan'ya. "Maawa kayo sa amin.Aamin na namin sa buong bayan na binayaran kami ni Geneva para i-diin ka sa kaso." Nang marinig ni Marga ang sinabi ng pulis.Nang-init ang buong katawan niya sa galit. "Nararapat lang kayo mamatay.Ang mga tulad niyo ay hindi na pinaparami...Aaaaahhhhhhhh.Lahat kayo pagbabayarin ko.Babalikan ko kayo at sisingilin isa-isa sa pagkamatay ng anak ko."Sigaw ni Marga habang binabangga ang Patrol car.Nakasuot 'to ng gloves at nakaitim lahat. Nang mahulog sa bangin ang patrol car.Ilang segundo lang ay sumabog na 'to.Agad bumaba si Marga at lumipat sa silver Van. "You're okay?Handa kana ba harapin ang totoong buhay mo?"Nakangising tanong ni Kasuko habang nagpupunas ng katana niya na may dugo. "Handa na ako."Pagkatapos ng usapan nila isinandal niya ang kan'yang ulo sa upuan at ipinikit ang kan'yang mga mata "Go sleep Izumi.Alam ko naninibago ka sa pagbabago ng iyong buhay.Masasanay ka din.Papatay tayo ng mga taong mapang-abuso sa kapangyarihan at sa mga taong salot sa lipunan. Pagkatapos ng mahabang byahe.Nakarating na sila sa isang liblib na lugar ng palawan,kung saan nag-aantay na ang kanilang private chopper papunta ng Japan. "Marga wake up.Hurry up,kailangan natin makaalis bago magdilim.Alam ko nagkakagulo na ngayon sila dahil sa nangyari sa'yo." Napasinghap si Marga.Poot at galit ang nararamdaman niya para kay Andrew.Mag-iisang buwan pala siya noon sa kulungan ng masangkot sila sa gulo ni Kasuko habang nagdadamo sa labas.Wala siyang idea na nagbunga ang pwersahan na pagtalik nila ni Andrew.Sobrang inasam niya na magkaroon sila ng anak.Kaya ng makunan siya mas lalong umigting ang galit na nararamdaman niya para kay Andrew at Geneva. "3rd Person" "Andrew tumayo ka diyan.Panoorin mo ang balita.Bilis nasa Tv si Marga."Natatarantang tawag ni Mara kay Andrew. "Si Marga?"nang marinig ang pangalan ng asawa agad 'to tumayo at binuksan ang malaking TV sa sala nito.Pagkabukas nito ng television at bumungad ang balita ang tungkol sa asawa at pagsabog. "Magandang araw po.Kasalukuyan nasa rescue operation ang mga pulis ngayon.Kompirmado na ang sakay ng patrol car ay si Marga Fox at anim na kasama nitong pulis.Ayon kay Chief officer Malinta.Matapos ng huling hiring kanina,nahatulan ng guilty si Miss Marga Fox sa salang Murder.Pabalik na sana 'to ng may bumangga na 10 wheeler truck kaya nahulog 'to sa bangin.Pagkatapos 'to magpagulong-gulong,sumabog 'to.Pero sa kasamaan palad nakatakas ang driver ng truck.Sa ngayon patuloy nila inaalam ang buong pangyayari.Abangan mamaya ang aming update tungkol dito....."Pagkatapos marinig ang balita agad 'to tumakbo at sumakay sa kotse. Samantala si Geneva mukhang baliw 'to sa kakatawa dahil sa narinig na balita. "Mara, I'm so happy.Salamat sa bumangga dahil tinulungan niya akong tapusin ang babae na 'yon.Hindi n'ya na ako pinahirapan pa.I'm so blessed.Dalawang taong gusto kung mawala sa mundo,namatay ng walang kahirap-hirap.Now that she's gone.Akin na ulit si Andrew.Hindi mo ba ako babatiin my dear friend."saad ni Geneva kay Mara habang tumutungga ng Alak. "Mag hunos dili ka Geneva dahil naniniwala ako sa karma."Irap ni Mara sa kan'ya. "Kasama kana doon.Alalahanin mo,nagsinungaling ka din."natatawang saad ni Geneva. "At pinagsisihan ko iyon.Ibalik mo ang kapatid ko sa akin.Niliko mo ako,ang sabi mo ipapagamot mo siya pero ginawa mo siyang alipin."naiiyak na saad ni Mara. "Huwag ka umiyak diyan.Naririndi ako.Tama lang sa kan'ya iyon.Ang laki ng binayad ko para ipagamot at ibalik ang dating mukha ng kapatid mo." Umalis na masama ang loob ni Mara.Walang humpay naman ang halakhak ni Geneva dahil sa nangyari kay Marga.Pinatawag pa nito ang mga kaibigan niya at nag-celebrate sila sa inaakalang tagumpay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD