Elysha Nagbanlaw lang ako pagkatapos kong maligo sa pool. Hindi na rin ako lumabas ng kwarto pagkatapos nun. Nanonood lang ako ng movie sa laptop ko para libangin ang sarili ko. Kanina pa kasi ako nagugutom at hindi pa ako nakakapag-lunch at nagdadalawang isip rin ako na humarap kay Kayden. Nakarinig ako ng katok sa kwarto ko kaya automatic kong na pause ang pinapanood ko. Hindi ako sumagot dahil alam kong si Kayden yon at nahihiya pa akong humarap sa kaniya! Sana isipin niyang natutulog ako. "Ely I brought some food iiwan ko sa labas ng pinto mo." Pinakiramdaman ko lang siya at rinig ko na ang foot steps niya papalayo. Mabuti naman at may pagkain! Hindi na ako mag iinarte noh dahil kanina pa ako gutom. Naghintay muna ako ng sampung minuto bago ko dahan dahang binuksan ang pin

