Matinding galit na ang nararamdaman ni Ris para sa kanyang Ninong George dahil ramdam nito ang pagpapahirap sa kanya. "Ilan beses mo pa ba pagbabalakan wakasan ang buhay ko?" Seryosong tanong ni Ninong George. "Ano? Pero hindi ko po pinagbabalakan wakasan ang buhay niyo. Kasalanan niyo din naman yun. Kaya nagagawa ko ang mga bagay na yun" Paninisi pa ni Ris at napakahawak naman sa kanyang batok si Ninong George. "Hay... talagang sinisi mo pa talaga ako. Sumasakit tuloy ang batok ko sayo" Saad ni Ninong George at nakaramdam ng pag-alala si Ris. "May masakit po sa inyo? Tatawagin ko po ang Doctor niyo. " Pagmamadali pa ng dalaga. "H'wag na! pakainin mo na lang ako. Kanina pa ako nagugutom" Hinaing pa ni Ninong George. "Ano po ba ang gusto niyong kainin? Ibibili ko na lang po kayo diyan

