Tanging pagbuntong na lamang ang nagawa ni Ris dahil sa tingin nito wala ng pagkakataon na makawala siya sa kamay ni Ninong George. "May Pag-uutos po ba kayo?" Nakasimangot na tanong ni Ris at tumaas naman ang kilay ni Ninong George niya. "Alam mo ba na malas sa bahay kapag may nakasimangot. Kaya ayusin mo yang itsura mo." pag uutos pa ni Ninong George. "Ano po ba ang gusto niyo maging itsura ko?" Tanong pa ni Ris na may pagkainis pa. "Ngumiti ka at ayuko na nakikita na nakataas yang nguso mo." Pag uutos pa ni Ninong George at bahagyang ngumiti si Ris. "Anong klaseng ngiti yan? Ngiting aso? Ayusin mo ang ngiti mo kung ayaw mo kurutin kita sa singit mo" Pananakot pa ni Ninong George. "Anong gagawin ko? Eh, ganyan ako makangiti eh." Inis na sabi ni Ris at lumapit sa kanya si Ninong Geo

