Nang maibigay na ni Ris ang mga nakuha n'yang litrato nila Ninong George at Ms Claudia tila nakaramdam ito ng konsensya dahil maayos naman ang huling pakikitungo sa kanya ni Ninong George bago ito magtungo sa Hong Kong. Nagtungo na muna si Ris sa kanyang work station at doon s'ya nag isip kung tama nga ba ang ginawa nito. Habang nag iisip siya tumunog ang phone niya at nakita niya ang isang mensahe na mula kay Ninong George niya. Pinapasabi nito na uuwi agad ito at gusto ni Ninong George na magkita silang dalawa. "Ris, totoo ba ang tungkol sa promotion mo" Tanong naman ng katrabaho ni Ris. "Huh? Ummm.... Wala pa naman kasiguradohan iyon. "Ang galing mo talaga mag trabaho" "Hindi naman" Nakangiting sabi ni Ris at nakaramdam siya ng saya dahil napupuri na rin s'ya ng mga katrabaho niy

