Po'v Ava
"Ano yun nak ha?" Napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si mama sa kung saan.
"Ma naman! Papatayin niyo ba ako sa gulat!" singhal ko sa kanya pero bumungisngis lang ito at sinundot ang tagiliran ko.
"Ma!" suway ko sa kanya "ano po ba yung sinasabi ni na 'ano yun' eh diko nga alam explain mo nga ma para maintindihan ko" nakabusangot kong sabi.
Ano bang nangyayari sa nanay ko? Nababaliw na at a kagaya ni kuya.
Magsasalita pa sana si mama na may bumatok sa akin. Ano ba yan! Trip ba nila ako ngayon?
"Arayy kuyaa ano bang problema mo?" Naiinis kong tanong sa kanya. Yung totoo anong nangyayari dito? Bat sila nag kakaganito nasapian ba sila grr.
"Lalabas sana ako kanina para itapon yung basura pero nakita ko kayo ni Mike anak narinig ko lang naman yung sinabi niya" ngiting-ngiti pa ang nanay ko habang sinasabi yun, para din itong kinikilig na teenager.
"Ma wala lang yun saka alam niyo naman na kaibigan ko lang si Mike" paliwanag ko sa kanila. Ito na naman binibigyan na naman nila ng malisya yun. Bakit ba kasi ganon yung sinabi ni Mike?!
"Pero walang kaibigan ang nagseselos. Bakit nga ba siya nag selos ha?"sabat naman ni Kuya Dave.
"Grrr wag niyo nga akong guluhin ma, kuya kasi kahit ako naguguluhan. At hindi ko alam bakit siya nag selos ok... Ma naman ehh!!" hinila ako ni mama paupo sa sofa namin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Anak ayoko na ulit makita kang lugmok, Si Mike alam kong mabuti siyang tao. Kung sakaling ligawan ka man niya boto kami sa kanya"pinisil pa nito ang mga kamay ko.
"Tama si mama Ava alam namin na hindi ka niya pababayaan. Matagal na din naman kayong magkaibigan kaya alam ko mahuhulog din loob mo sa kanya"ginulo pa nito ang buhok ko kaya tinignan ko siya ng masama. Halatang boto talaga sila kay Mike. Pero kaibigan lang turing ko sa kanya! Simula ng mga bata kami kaibigan lang at alam ko sa sarili ko na hanggang doon na lang.
"Oh anong nangyayari dito?" Tanong ni papa na kadadating lang galing trabaho. Panigurado boto din to kaya Mike, paano ba naman nagkakasundo sila sa mga kalokohan kagaya ni kuya na walang alam kundi ang asarin ako.
"Itong anak mo hon nagugustuhan ata ni Mike"ngiting balita ni mama. Napasimangot ako, iba talaga ang pamilya ko hayss. Mga chismosa at chimoso ako na lang ata ang matino dito eh.
"Ma! wala pa ngang sinasabi yung tao eh saka malay niyo selos lang talaga yun. Wag niyo masyadong I-big deal mamaya kayo pa masaktan" naiiling kong sabi.
Ayoko din naman naumasa sila sa conclusion lang nila. Mamaya masaktan pa mga ego ng mga to eh. Ang tataas pa naman ng pride ng mga to akala mo teenager na nagkaroon ng love quarrel.
"Gusto ka man o hindi nak andoon pa rin yun pag-aalala niya sayo kagaya ng pag-aalala namin. Eh aba! Nagselos naman pala yung tao eh...edi may gusto yun sayo. Kung sakaling gusto ka niya at nagtanong siya dito kung pwede kang ligawan buo ang supporta ko sa kanya" umoo na lang ako sa mga sinasabi nila kasi baka hindi pa matapos ang usapan na ito. Mas lalo lang tatangal pag-umangal ako sa mga gusto nila hays.
Pag katapos naming mag-usap well sila lang naman ang nag usap dahil oo na lang ako ng oo, nag hapunan na kami habang nag kukwentuhan. Feeling ko bumalik na ako sa dating ako pero hindi na yung mahinang Ava. Bumalik ako sa dati ng malakas at matapang at alam kong kahit na anong pagsubok ang mangyari sa akin ngayon kakayanin ko.
Masaya na ulit ako kung anong meron ako ngayon. Sa ngayon kontento ako na andito ang pamilya at kaibigan ko na laging andyan para sa akin.
Sa araw-araw na ginawa ng diyos mas pinapatatag niya pa ako. Kaya laking papasalamat ko dahil namulat ako sa takot sa diyos at pagmamahal sa kanya.
"Sa kwarto na po ako"paalam ko sa kanila matapos kumain.
"Sige anak matulog ka na ng maaga kung wala ka naman gagawin"
"Opo ma, goodnight po"pagpanhik ko sa kwarto ko agad akong humiga ng padapa at dahil na rin siguro sa pagod nakatulog ako agad.
Nagising ako dahil sa lakas ng katok mula sa pintuan ng kwarto ko.
"Ava anak malalate kana sa pag-pasok. Andito din si Mike sinusundo ka sabay na daw kayong pumasok" napabalikwas ako sa kinahihigaan ko saka tumingin sa alarm clock ko past 6 na pala ng umaga.
"Opo ma, mag-aayos lang po ako!" nagmamadali akong naligo at nag-ayos sa sarili nakakahiya naman kung paghintayin ko ng matagal si Mike.
Nang matapos akong mag suklay at maglagay ng pabango bumaba na ako. Naabutan ko si Mike na nag kakape habang kausap ni Papa.
"Goodmorning Pa"lumapit ako Kay papa at hinalikan siya sa pisnge bumaling naman ako kay Mike at nginitian siya.
"Goodmorning Mike pinag hintay ba kita ng matagal?"
Ngumiti ito sa akin "Nope it's ok, besides I enjoy talking to Tito Peter"
"That's good... Ma, Pa una na kami ah" baling ko kaya mama at papa.
"Teka dina ba kayo mag aalmusa?"tanong ni Mama.
"Hindi na po ma sa cafeteria na lang po kami kakain sakto may dapat pa pala akong gawin eh"alibi ko sa kanila. Alam ko kasi mga galawan nila panigurado magtatanong sila ng kung ano ano. I just hope na walang sinabi kanina si papa habang wala ako.
"Oh sige mag iingat kayong dalawa ah. Mike ingatan mo ang prinsesa natin ah" bilin ni papa. Wtf?! Prinsesa natin? Srsly may pinag-usapan ba sila?
"Sure tito don't worry I'll take care of her" nag ngitian lang sila ng makahulugan saka kami nag paalam ng tuluyan. Nang makasakay kami sa kotse niya agad ko siyang tinanong.
"What was that?" tanong ko sa kanya.
"Which one?" Ani nito. Halatang painosente pa ito sa tono ng pananalita niya.
"That word 'prinsesa natin' tell me anong pinag-usapan niyo ni papa kanina habang wala ako" he chuckles.
"Sorry but I can tell you, I promise to your father that I'm not going to tell you what we've talk earlier" mga lalaki nga naman basta usapang boys bawal malaman ng mga babae.
"So naglilihim kana sa akin ngayon. Akala ko ba walang lihiman"
"Unlike you Ava maganda yung intensyon ko na ilihim sayo but you--"hindi na neto natuloy ang sasabihin, malamang narealize niya yung sinabi niya.
"Ava I don't mean anything I just want to keep it a secret. Ayokong mawala tiwala ng papa mo sa akin"
"It's ok na iintindihan ko naman saka totoo naman yung sasabihin mo eh na mali yung ginawa kong pag sekreto, alam ko ayun yung gusto mong sabihin" tumingin ako sa bintana at sumandal sa kotse.
"Gisingin mona lang ako pag nasa University na tayo"sabi ko at ipinikit ang mga mata ko. Bigla akong nawalan ng gana na kausapin si Mike. Feeling ko lagi na lang mabri-bring up yung nagawa kong kasalanan.
Ayoko na munang makipag usap kay Mike dahil baka humantong pa sa pag-aaway. I get his point naman kahit na masakit yung dapat sasabihin niya alam ko naman na nag-alala lang siya sa akin. And I don't blame him for feeling that I betray him for hiding what I have done last month. Still I know na kapakanan ko lang ang iniisip niya. Yeah Ava just understand Mike besides he didn't mean anything.
Nang makarating kami sa University nag paalam ako agad kay Mike hindi na din naman niya ako pinigilan ng sabihin kong may dapat akong gawin. Which is true naman yung plano namin nakakain sana sa cafeteria dina namin ginawa dahil sa nangyar kanina.
Naglakad ako papunta sa library ko madami pa namang oras bago ang klase ko kaya maghahanap muna ako ng libro para sa research ko. Next week na din naman ang deadline kaya kailangan kona din gawin talaga.
At dahil maaga pa lang ako pa lang ata ang nandito maliban kaya Mrs. Martinez na librarian dito. Pumunta na ako sa mga bookshelf at hinanap ang librong kailangan ko.
"Asaan naba yun" bulong ko sa sarili ko ng isang minuto na akong naghahanap sa librong kailangan ko pero wala pa rin.
Pumunta ako sa pinakadulo ng mga bookshelf at doon nag hanap pero wala parin aalis na sana ako ng may maaninag akong nakaupo sa gilid ng bookshelf.
Dahan dahan akong lumapit doon mukhang natutulog kung sino man tong lalaki na to. Yumuko ako para abutin siya at tapikin.
"Ahh Mr. kung sino ka man bawal matulog dito library to" tinapik ko ang balikat niya hanggang sa mag angat na ito ng ulo habang kinukusot ang kaliwang maya niya.
"Anong oras n-" natigilan ito ng makita ako.
Napakurap ako dahil halos isang buwan ko din siyang hindi nakita. Ngumiti ako sa kanya.
"Kamusta na Jake?"