Po'v Ava
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil mag kikita kami ni Lance ngayon sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon.
Wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil sa ginawa kung pag mamakaawa hindi ko alam kung bakit niya gustong makipag kita ngayon pero may pumapasok na sa utak kong hinala kung bakit niya gustong makipagkita.
"Ano ready kana?"tanong ni Jake sa akin gusto ko sanang wag magpasama kahit kanino pero ayaw ko naman mag-alala sila kuya kung sakaling nalaman nila nakipagkita ako kay Lance.
Ayoko din naman makaabala kay Mike at kay kuya panigurado pag nalaman nilang makikipag-kita ako kay Lance hindi nila ako papayagang lumabas sa bahay.
Lalo na ayaw kong magpasama kila Gina malamang masasabunutan nila akong pareho ni Chen pag naman nila na nakipag-kita ako kay Lance. Ayoko din naman kay Zallyna kasi alam ko naman na isusumbong niya ako sa katangahan ko.
Nagpapasalamat na lang talaga ako kay Jake kasi sinamahan niya ako dito kahit na kahapon lang kami naging close.
"Hindi ko alam Jake"nakwento kona sa kanya kung bakit ako umiiyak sa jeep at sa likod ng ng building nila kahit na anong salita wala akong narinig mula sa kanya nanatili lang itong kalmado at nakikinig sa akin.
"Andito lang ako wag kang mag-alala" hinawakan niya ang kamay ko saka ngumiti sa akin nag-aalinlangan akong ngumiti pero nagawa ko pa ring ngumiti dahil nakakahawa yung ngiti niyang nakakatunaw sa iba.
Nagulat ako ng hawakan niya ang balikat ko at iniharap sa kanya.
"Andito lang ako" napakurap ako ng ilang beses dahil sa lapit ng mukha niya.
"A-ahh salamat Jake" binitawan na niya ako.
"Uupo ako malapit sa lamesa niyo incase na may mangyaring hindi inaasahan" tumango na lang ako.
"Ngumiti ka naman dyan, halatang tensyonado ka eh. Gusto ko din makita yung ngiti mo mas maganda ka pag nakangiti ka eh" natatawang sinapak ko ang balikat niya. Ayan na naman siya sa pag-utos na ngumiti ako kasi maganda daw ako.
"Binobola mona naman ako ah, sige ka mamaya mafall ako sayo"biro ko sa kanya.
"Sasaluhin naman kita"seryoso nitong sabi. Umiiling na lang akong naka tingin sa kanya. Iba rin ang topak ng isang to ah, in fairness kumabog ng konti yung puso ko sa sinabi niya.
Nauna akong pumasok sa coffee shop niligon ko ang buong paligid pero wala pa rin si Lance kaya naupo ako malapit sa counter.
Lumingon ako sa pwesto ni Jake nakatingin din ito sa akin. He mouth "you can do this"
I just smile at him, I don't know kung anong mararamdaman ko ngayon pero ang alam ko sobrang lakas ng t***k ng puso ko hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil mag kikita kami.
Ilang minuto pa akong naghintay ng dumating na siya.
"I'm sorry may biglaang meeting kami sa basketball kanina. Pinaghintay ba kita ng matagal?"
"Hindi naman"umiling pa ako
"Ahh mag oder na tay--. Meron kana pala"napansin nito ang isang americano na nakalapag sa lamesa ko.
"Ah oo um-order na ako sorry hindi na kita nahintay" ang totoo niyan gusto ko sanang hinatayin siya para sabay na kami mag order pero inutusan pala ni Jake na bigyan ako ng Americano kaya wala na din akong nagawa.
"Kamusta? Palagi muna lang akong iniiwasan pag nagkakasalubong tayo sa hallway"umpisa niya.
"Alam mo naman kung bat ako umiiwas"
"I'm sorry hindi ko naman ginusto na magustuhan ko si Angela basta one day nalaman ko na lang na siya na ang gusto ko" Parang tinusok ng ilang beses ang puso ko. Gusto ko siyang patigilin sa sinasabi niya dahil ang sakit pa rin sa akin. Paano niya nasasabi sa akin to?
"Wala naman akong magagawa kung yan talaga ang nararamdaman mo eh. Besides kahit ano namang pag-mamakaawa ko hindi kana babalik sa akin. Ang sakit lang kasi halos anim na taon na tayo, at mahal na mahal natin ang isa't is a pero nangyari to" I bit my lower lips when my eyes start to blurred.
"Ava look I don't really want this to happen pero mas ayaw ko na niloloko ka"
"Ayaw ko na niloloko ka, specially myself hindi ko kayang paniwalain yung sarili ko na mahal pa kita knowing that I'm attractive to someone else" That's hits me a lot. Hindi mo naman talaga matuturuan ang puso na magmahal eh, hindi ko naman siya masisisi kung may tumibok ng iba sa puso niya. Sobrang bigat sa dibdib pero kakayanin ko, god knows how much I love this man.
"Pero pwede ka namang mag kunware na mahal mo pa ako eh! Or tell me your situation para naman mas na liwanagan ka sa nararamdaman mo. We can do the things we're done nung masaya pa tayo" Alam kong nagmumukha na kong desperada dito pero kahit na ilang buwan na ang nakalipas hindi pa rin nawawala yung feelings ko sa kanya. Lalo na ngayon na nag-uusap kami. I want him to remember our happy memories that we shared for six years.
"No... ayokong mag mukhang desperada. Oo dipa ako nakakamove on pero kakayanin ko"Pero may bahagi parin sa isip ko na ayokong mag mukhang desperada kaya ko nasabi ang mga
"Ava that's why I want to talk to you, to make it clear na si Angela na talaga ang Mahal ko, I know na masakit to sayo pero mas ayokong masaktan ka dahil niloko kita...
please! Don't make it hard for me and for you. Pareho lang tayong nahihirapan sa sitwasyon na to. Sabihin muna lahat ng masasakit na salita na ang gago ko, nasinayang kita na napakatanga ko kasi pinagpaliy kita sa iba, o kahit ano pero Ava wala akong magagawa" Tuloy-tuloy ng umagos ang mga luha ko.
"Yeah ako lang naman tong umaasa na babalik pa tayo sa dati eh kasi diba nga six years din tayo. Pero kahit pala gaano katagal ang isang relasyon kung may magugustuhan ka talagang iba hindi din mag wo-work yung relasyon na yun" hinawakan niya ang kamay ko na nakalagay sa lamesa.
"I'm really sorry Ava" kita ko sa mga mata niya ang sincere. I just nod and make a smile na alam ko at alam niyang peke lang.
"I will be ok Lance, I think dito na tayo mag-tatapos I'm letting you free. Lance this is our offically break up... Bye" kinuha ko ang sling bag ko at aalis na sana ng tawagin niya ako. Tumingin ako sa kanya.
"Please wag mo na ulit sasaktan si Angela" hindi na ako tumungon sa sinabi niya at umalis na lang nakita ko pang tumayo si Jake bago ko siya malampasan.
"Lets go may pupuntahan tayo"he smile at me saka niya hinawakan ang kamay ko.
"Ok and I want to thank you kasi sinamahan mo ako"
"No it's ok pero pwede punasan mo muna yung sipon mo ang pangit mo na eh" agad ko namang kinuha ang panyo ko at pinunasan ko ang ilong ko.
"Sorry"nahihiya kong sabi napakurap ako ng punasan niya ang pisnge ko.
"Ang ayaw ko sa lahat yung umiiyak na babae" Iniwas ko ang mukha ko saka ko pinunasan ang mag kabila kong pisnge
"Sorr-" hindi kuna natapos ang sasabihin ko ng pigilan niya ako.
"Stop that 'sorry thing' wala kang ginawang masama ok"
"Nawala na tuloy yung magandang Ava na nakita ko kanina"para itong batang nagmamaktol sa nanay dahil nakasimangot ito.
"Ang cute mong tignan habang naka pout, pero pagkakamalan kang isip bata sa ginagawa mo" may maliit na ngiting sabi ko. Kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko.
"Pftt ikaw na nag sabi na cute ako ah, ok lang na pagkamalan akong isip bata basta cute ako sa paningin mo"kumindat pa siya sa akin. Umiiling na naglakad na lang ako papunta sa kotse niya.
Pinagbukasan niya ako ng pintuan ng kotse niya pagpasok ko pa lang agad kung naamoy ang familiar na amoy.
Inumpisahan na niyang buhayin ang makina. Tumingin ako sa bintana at hindi ko maiwasan na isipin yung nangyari kanina.
Pinikit ko ang mga mata ko
Deserve ko bang masaktan ng ganito? Kasi sa pag kakaalam ko wala naman akong ginawang masama pero bat ko to nararanasan? Nag mahal lang naman ako.
Kung pwede lang utusan yung katawan ko kung ano ang dapat kung maramdaman ginawa kona. Yung bang malungkot ka tas uutusan mo lang sarili mong maging masaya yun na agad mararamdaman mo.
Hays kabaliwan na tong iniisip ko.
"Matulog ka muna gigisingin na lang kita pag-andoon na tayo"
"Wag mo akong dadalhin kung saan ah, mamaya nagising na lang ako nasa isang kwarto na ako"biro ko sa kanya.
"Pwede din naman, pero diko yun gagawin sayo. Kaya wag kang mag-alala hindi naman ako r****t eh hahahaha"
"Makakatikim ka sa akin ng flying kick kapag hindi maganda ang pinuntahan natin"
"Magugustuhan mo doon kaya matulog kana" sumandal ako sa upuan at pinikit ko ang mga mata ko. Mas ok na to kasi hindi ko maiisip yung nangyari kanina.
"Ava gumising kana andito na tayo"nagising ako sa mahinang pagtapik sa pisnge ko pag mulat ko ng mata una kung nakita ang mukha ni Jake na nakangiti.
"Ah asaan na tayo?" Inalalayan niya akong lumabas sa kotse niya at tumambad sa akin ang mga bundok nasa isang bundok din kami at lamig.
"Teka asaan tayo?"
"Nasa tagaytay tayo"nanlalaki ang mga mata ko.
"Ha! nag drive ka mula manila hanggang Tagaytay ganon na ba ako katagal na nakatulog at hindi kuna napansin na naka 3 hours tayo sa byahe!"gulat kong sabi.
"Ayaw na kitang gising dahil sa nangyari kanina eh ang sarap na din ng tulog mo. Halika dito umupo ka" sabi niya sa akin at umupo ito sa unahan ng kotse niya, umupo naman ako sa tabi niya at tumingin sa paligi. Never pa ako nakapunta sa tagaytay kaya sobrang nagandahan ako sa nakikita kong view. Tahimik lang kami hanggang sa bigla siyang nag salita na ikinagulat ko.
"Alam mo ikaw lang ang unang babaeng nakilala ko na sobrang iyakin pero ang ganda pa rin" parang kanina lang sinabihan niya ako ng pangit ah, mokong din tong ehh.
"Pftt kung pinapagaan mo yung loob ko dahil dyan sa sinasabi mo gumagana siya"nakangiti kong sabi.
"Ava can I asked you something?"
"Yeah sure, what is it?"
"Can you love someone again? No, is their a change that you can fall inlove again"pinag-isipan ko ng mabuti yung tanong niya.
"Yes, sa tingin ko oo pero when that someone came I want him to be honest with me. Gusto kong walang sekreto kung may magustuhan man siyang iba gusto ko malaman ko. Natatakot na akong magmahal ulit Jake, sobrang sira na ng puso ko Jake and I don't know kung anong dapat kung gawin dito. Pero alam ko sa sarili ko na magmamahal ulit ako. Yes... Ayoko na ulit masaktan ng ganito pero it doesn't mean na hindi na ulit ako magmamahal ng iba"hinawakan nito ang kamay ko.
"Halata ngang nahihirapan ka tignan mo nga yang mukha mo ang pangit na sa kakaiyak" pinalo ko siya sa balikat.
"Akala ko ba maganda ako kahit na umiiyak?!"
"Pinapagaan ko nga kang loob mo diba. Pangit talaga ng mukha mo pag umiiyak. Kaya kong ako sayo wag ka ng umiyak nakakainis na ah napaka-iyakin mo tapos sa iisang tao kapa umiiyak"
"Mahal ko eh"
"Hindi porque mahal mo iiyakan mo na ng iiyakan, kasi kong ako ayokong laging umiiyak yung taong mahal ko" Napatitig ako sa kanya habang naka tingin ito sa malayo.
"Ang swerte ng mamahalin mo"nakangiti kong sabi sa kanya.
Makahulugan itong tumingin sa akin "maswerte nga sana pero iba naman mahal niya"