SPG Lumipas ang isang araw na pananatili ko sa boarding house ni ante. Binalak ko na umuwe muna sa bahay upang maglinis habang inaantay si Jeho sa pagdating. Pero sa pagpasok ko sa loob ay nadatnan kong narito na pala si Jeho na nagluluto sa may kusina. Hindi ako makapaniwalang nandito na siya agad ni wala nga akong natanggap na mensahe mula sa kan'ya na darating siya. Dahan dahan ang paglapit ko at huminto sa may tapat ng pintuan habang tanaw ko ang malapad na likod ni Jeho. Napangiti ako ng husto dahil natutuwa ang puso ko nandito na ulit siya kahit isang araw lang itong nawala. "I know na nariyan ka sweetheart," sabi nito na mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib na para akong aatakihin sa puso anumang oras. Hindi ako makapagsalita dahil balak ko pa naman siyang sorpresahin sana p

