Halos kutosan ni Anna ang sarili dahil sa kinalabasan ng pagyakap niya kay Yael. Sa kabila ng paghingi niya ng paumanhin ay may pagdududang tumingin si Abby sa kanilang dalawa ni Yael. Gusto niyang magpaliwanag dito subalit bigla itong tumalikod at halos patakbong lumayo. Labis tuloy siyang nag-alala kay Yael, baka awayin ito ni Abby o di naman kaya maging sanhi pa ng hindi nila pagkakaunawaan. Akmang susundan ni Yael ang kasintahan subalit pinigilan niya ito. “Ako na.”, saad niya kasabay ng paghawak sa kamay ni Yael. Kahit tumaas ang dalawang kilay nito ay wala naman siyang nakitang kahit na anong pagkainis sa mukha nito. “Ako ang may kasalanan kung bakit siya nagtampo kaya dapat lang na ako ang magsettle dito. Pasensiya ka na.”, wika niya dito. “Sigurado ka?”, paninigurado naman ni Y

