“Excuse me, sir, pwede na po ba akong mauna sa aking kwarto?”, mahinang paalam niya kay Adrean pagkatapos nilang makakain. Nagkukuwentuhan pa ang magpipinsan, and since wala naman siyang participation sa mga ito ay minabuti na niyang magpaalam sa kanyang amo. “Are you okay?”, turan ni Adrean na sumadaling pinasadahan ng tingin ang kanyang mukha dahil sa biglaan niyang pamamaalam dito. “Yes, sir, sa kuwarto lang ako. Tatawagan ko lang ang mga kapatid ko.”, mabilis niyang pahayag habang pinasiglaang mukha at boses. „Okay, but we're having a small party after this—just a light drinking session and sharing stories. You're welcome to come if you'd like.”, pahayag ng kanyang amo at nagpasalamat siya dito. “Thank you, sir. Tignan ko po kung makaattend po ako, hindi rin po kasi ako umiinom.

