After ng ingkwentro nila ni Ezekiel sa upisina nito ay bumalik sa pagiging seryoso at non-chalant ang binata. Yung tipong tahimik at saka lamang kikibo kapag may iniuutos. At kung dumadating naman ay parang wala itong nakikita kahit binabati niya ito ng good morning. Pero okey lang naman para sa kanya, mabuti nayun para matigil na ang kahibangan niya sa binata. Hindi sila magkauri ni Ezekiel at baka mas marami pang panghahamak ang kanyang matanggap kung hahayaan niya ang sariling mafall ng tuluyan dito. Magtiis na lang muna siya, siguro kapag grumaduate na si Lance pwede na siyang umalis sa pagiging secretary nito at mag-abroad na lamang. Marami kasi ang mga kailangan ng mga kapatid ngayon kaya hindi siya basta basta umayaw na lamang sa kanyang trabaho. Hindi niya kikitain sa iba ang sweld

