At dahil nakatingin sina Brent at Ezekiel sa direksiyon niya ay hindi na siya pwedeng magback-out na kagaya ng iniisip niya kanina. Parang gusto na lamang kasi niyang bumalik sa taas kaninang makita niyang nag-uusapang dalawa. Hanggat maaari sana ay ayaw niyang makaharap at makasama si Ezekiel. Hanggang ngayon ay nanggigigil pa rin siya sa lalaki. Saan naman kaya nito nakuha ang notion na sinundan niya ito sa Singapore? Ni wala nga siyang kaalam alam kung saan lupalop ng lupa ito napadpad matapos nitong hindi magparamdam. Kung noon ay namimiss niya ng sobra ang lalaki, ngayon naman ay tila ayaw niyang makita kahit anino nito. Pinagsisihan niyang iniiyakan niya ito gabi-gabi at sa tuwing naaalala niya ito. Gosh! Wala na talagang natitirang matinong lalaki. Bago lumapit sa dalawa ay kinompo

