“Hello, Ms. Anna Marie Lacuesta?”, mula sa kabilang linya ng sagutin ni Anna ang kanyang cellphone. Katatapos lamang ng meeting ni Ezekiel sa labas at ngayon ay pabalik na sila sa upisina. “Yes ma’am, what can I do for you?”, magalang at hindi kalakasang turan niya. “Sa guidance office po ito ng St. Jude School pwede po ba kayong pumunta ngayon dito?”, “Bakit po? May problema po ba?”, may pag-aalalang turan niya. Nasa iisang school ang dalawa niyang kapatid at ngayon lamang siya makatanggap ng tawag mula sa guidance office. “Yes Ms., tungkol ito sa nagawa ng iyong kapatid na si Carl. Pumunta na lamang kayo ngayon para sa buong detalye.”, saad ng nasa kabilang linya at walang pag-aalinlangang tumango siya dito. ‘Sige ma’am, papunta na po ako ngayon. Maraming salamat po.”, wika niya ba

