Alyssa Point of view
"Shut up Kim, ingay mo talaga impakta ka!" 'di na katatiis si Sanchi sa inis.
" Sanchi? What the hell? Anong pakulo 'to? Ano ba pakawalan niyo nga ko?!" Sigaw niya pa.
at pina upo nga siya sa upuan sa gitna mismo at tinalian sa likod 'yung kamay at paa ng 'di makawala saka binuksan ang ilaw.
inikot niya naman 'yung mga mata niya sa paligid naanimoy kinakabisado ang loob nito .
at saktong pag lingon kung asan ako na ka pwesto, nakita niya ko at nanlaki mga mata niya pa pero kinalma niya sarili niya.
nag lakad ako papalapit sa kaniya na may ngisi
sinamaan ako ng tingin palaban ka talaga bruha ka.
"Hi Kim, long time no see did you miss me?" panlalambing ko.
"Hi, mo mukha mo? Ano na naman ba pakana 'to ah? At idamay mo pa si Julia asan siya?! Kaya ilabas niyo siya! " galit na niya siya.
"Hahahha naniwala ka naman, na andito talaga kaibigan mo? " sabat naman ni Savannah.
" Itali mo kasi mga kaibigan mo para alam mo kung asan sila lagi, " sabi pa ni Roselyn.
" Ginagalit niyo ba ko? Talagang 'di kayo titigil huh?! " Sigaw niya sa dalawa.
" Masyado ka namang Highblood Kim? Kalma lang hahhaha!" Pang iiinis ni Savannah.
"Oh, kalma... baby kalma. Hahhaha!" Kanta bigla ni Savannah.
hinayaan ko muna silang tatlo, ako umupo muna sa table hanggang saan kaya ang kaya mo kung wala ka na magawa para makalaban tignan natin.
"Nako Savannah may dala ka ba diyan gamot? Pampaklma lang turukan na natin 'yan? " Roselyn at natawa 'yung mga tropa nila.
"Pakawalan niyoko dito! " sigaw niya ulit.
"Ayyy bawal ehhh? Hahhahahah!" Sanchi.
"Dito kana matutulog? Hahhaha! " Cristylyn.
"Dapat pala nagbaon ka ng unan at kumot dito ka mag oovernight Kim? " Danica.
"Ang saya no'n? Dibam Hahhahahah!" Savannah.
At nagtawanan nga silang lahat maliban kay Kim, na sobrang sama na ng mukha lalo siya pumapanget .
"Ok, girls tama muna 'yan baka umiyak na 'yan! " pagpigil ko sa kanila.
at bumaba sa lamesa para lumapit kay Kim, nagsigilid naman sila para bigyan ako ng daan.
" Pa'no ba 'yan walang magtatanngol sayo?" pang-iinis ko sa kaniya.
"Pakyu! Alyssa! " sigaw niya sakin at dinuraan ako.
nagulat ako sa ginawa niya kaya 'diko napigilan ang sarili kong.
*PAK*
*PAK*
Sampalin siya ng kabilaan.
Binigyan ko siya ng mag-asawang sampal.
You deserve it. Sa mga katulad mo dapat lang sampalin ng magising na akin lang si Kurt. 'Di sa isang tulad mo na mukhang basura.
"Ayaw ko sa lahat binabastos ako! Tulad ng pagdura sakin mismo sa maganda kung mukha?" duro ko sa kaniya at pinunasan ko ng tissue mukha ko.
" Wala kong pakealam! Pakawalan niyoko dito at ilabas niyo si Julia 'wag niyo siyang idamay! " Sigaw niya sakin.
" Bobo pala 'to ehhhh! Nakikita mo bang kasama namin 'yung Julia mo ahhh?! Diba wala? 'Wag kang tanga powta! " sigaw ko sa kaniya at Sinampal ulit.
*PAK*
Ng sobrang lakas para 'yan sa pag lalandi mo. Napaka ahas mo!
" Para sa'n ang pagsasampal mo?! Pag ako nakawala dito humanda ka sakin!" inis niyang sabi.
ngumisi lang ako sa sinabi niya.
akala mo papayag ulit ako na gawin mo 'yon.
Napaghandaan ko 'to Kim, kaya maghanda ka sa mga mamgyayari pa sayo.
"Pa'no ka makakawala? Hahahahah! Nakatali ka 'wag kang tanga." Savannah.
sinamaan lang siya ng tingin ni Kim.
Mabuti ang mga tingin na 'yan ay 'di nakakamatay.
" Ano ba kailangan niyo, para gawin sakin 'to 'di na 'to makatarungan?!" sigaw niya pa.
" Kailangan ko lang naman, na bawiin ang dapat akin? Kuha mo? Kung hindi pasensyahan tayo damay na dapat madamay. " seryoso kong sabi sa kaniya.
"What do you mean? " taka niya.
"Simple Kim, stay away from him kapalit ng katahimikan niyong lahat. " seryoso ko pang sabi sa kaniya at tinitigan ko siya sa mata para alam niya nagsasabi ako ng totoo.
" For what? 'Di na nga kayo diba? B'at habol ka ng habol sa kaniya? 'Wag kang tanga Allyssa, mrami pang iba diyan 'di lang siya. " sabi niya pa sakin.
"'Wag mo ko utusan, para maghanap ng iba kung siya naman ang mahal ko bobo. Bakit 'di din naman kayo? Kaya may pakealam pa ko para sa kaniya at akin lang siya. Tandaan mo 'yan Kim akin lang si Jiro! " sigaw ko sa kaniya.
"Di ka na niya mahal 'wag mong sayangin ang buhay mo sa taong 'di ka na mahal. Allyssa sana magising ka?! " sigaw niya din.
" Kahit anong gawin mo 'di ka na mamahalin pa ni Jiro, dahil tinapos na niya ang tungkol sa inyo. Kaya magising ka at move on Ally! Wala ka ng babalikan pa kasi wala ng kayo!" Dagdag niya pa.
lalo ako nainis sa mga sinasabi niya sakin ngayon at nakakarindi na siya.
"Manahimik ka! 'Di mo alam pinagdaanan ko ng wala siya sa tabi ko. Kaya 'wag ka maraming salita p'wede? Nakakarindi ka!" sigaw ko.
" At h'wag mo ko uutusan sa gusto mo. Para ano? Para mapasayo si Kurt huh?! Ang kapal mo para pagsabihan ako pero ikaw sana naisip mo din 'yan dahil 'di ikaw ako para pagsalitaan ako ng magising ako or what, dahil until now siya pa din ang mahal ko. Siya pa din tandaan mo 'yan. Kaya kung ako sayo Kim, lubayan mo ang dapat ay akin!" Dagdag ko dahil masyado siyang pakealamera.
Wala siyang alam sa pinagdanaan ko bago ko iwan si Kurt. Kahit sobrang sakit ginawa ko 'yon dahil may dahilan ako kung bakit?
" Wala kong pakealam sa pinagdaanan mo. Choice mo 'yon kaya ka nagdudusa kaya 'wag mo ko idamay sa kalukuhan mo. Pakawalan mo ko dito Allyssa Nicole! " sigaw niya at nagpupumiglas siya
" 'Wag kang magsalita ng 'di mo alam ang lahat. Kaya kung ako sayo lumayo ka kay Jiro, para ako naman mapansin niya 'di 'yung puro ikaw! " inis ko sa kaniya.
"Oh, wala na ko do'n? Kung 'di ka na niya pinapansin. Malamang ex ka na niya 'di ba? Talaga 'di ka na Papansinin no'n baliw! Sa'n ka nakakita ng ex-girlfriend naglalandian pa huh? Utak mo malala na." pang iinis pa sakin.
"Girlfriend niya pa din ako. Tandaan mo 'yan. Kaya p'wede manahimik ka na lang? Tapos." Sigaw ko sa kaniya at hinila ko buhok niya.
"Aray! Bitawan mo buhok ko? Ano ba?! Kahit kailan nakakaawa ka! Pinagsissiksikan mo pa din sarili mo sa kaniya. Ex ka na lang!
Ex, ex na itinapon na at never na dadamputin pa!" Sigaw pa nito.
"Shut up! 'wag mo kong gagalitin Kim? Dahil 'di mo pa ko kilala kung paano magalit ang isang tulad kong queen!"
Galaiti ko.
"Argh! Bitawan mo buhok ko. Nasasaktan ako peste ka!"
"Masakit ba? Gusto mo ganto para masarap?" Pang-aasar ko at lalo ko diniinan ang paghila sa buhok para masaktan lalo, ang anit niya sborang nangigil na ko.
"Ouch! Argh! Makawala lang talaga ako! Alyssa, makikita mo tunay na ako"
"Talaga ba? Matatakot na ba ko niyan?"
"Pakyouuuu!"
"Hahahha! Ulol!" at saka binitawan ko buhok niya ng palibag at t'yaka ko naman siya sinampal.
Pak*
Sobrang lakas ng pagsampal ko kaya naman na pa yuko siya sa ginawa ko habang hawak ang pisngi kung sa'n ko siya nasampal.
"Ouch sarap niyan Kim? Hahahahha!" Savannah.
" Malutong mamen. Hahahaha!" Roselyn.
" Hahhahahah 'yan ang queen." Sanchi.
"Queen lang malakas! " Crisytlyn.
"Panalo na ang queen namin. " Iress.
"Sinasabi ko sayo 'wag mo ko susubukan Kim, e pa'no ba 'yan napuno na ko eh? "
" 'dimo ko kilala. Baka ikaw pagsisihan mo nasampal mo ko ng ilang beses? "Sabi niya pa habang ang sama ng tingin sakin ngumisi lang ako sa kaniya, para lalo siya mainis.
"Kilala na kita, ikaw si Kimberly Nicole Cardenas, pero ang cheap 'di ba? Masyadong gaya-gaya ka sa second name ehh, walang originality ka noh? Pati sa second name ko magkapareha pa. " pagtataray ko.
" Di ko na 'yon problema kung pati second name natin magkapareha, pero sa ugali? Tsk mas angat ako sayo tandaan mo 'yan Alyssa Nicole, 'di ka naman totoong maldita? Yeah, maldita ka nga sa itsura mo pero sa'ting dalawa ako pa din ang panalo, may mga galamay ka lang kaya may lakas ka swerte ka. Samantala ako nakatali. Ang lakas ng loob mo kasi may mga galamay ka Hindi ka patas. Makawala lang ako dito maghanda ka Allyssa! "
Gigil nitong Sabi.
"Bakit? matatakot na ba ko sayo? Kung mas palaban ka? Ano pakealam ko? At oo sa'ting dalawa ako ang maldita makuha kapa lang sa tingin matakot ka na sakin, kasi gugulo ang buhay mo isasama na natin mga kaibigan mo, diba?
Ang saya no'n Kim right?" pang iinis ko.
"Don't you dare? Dahil ako makakalaban mo pag may idamay ka kahit isa sa mga kaibigan ko? " Galit nito.
" Ohh... nakaka touch naman right? Roselyn and Savannah?"
"Trueeee answeet..." Savannah
"Sana all nablang Kim. " Roselyn.
Na kunwari naiiyak pa sila sa sinabi nga ni Kimberly.
"Paano ba 'yan ikaw nahuli namin, ehh dapat nga si Julia kaso ikaw dumating. Hahahahahha answerte naman ni Julia nohhhh? Sayang lang kasi ikaw nadakip namin. " pang iinis ko.
"Napaka walang hiya mo talaga! Impakta ka! Dapat lang sayo 'wag kang balikan na ni Jiro, dahil sa panget mong ugali!" sigaw niya sakin.
" Anong sinabi mo? Paki ulit ?" at lumapit ako sa mukha niya pero gusto ko na s'yang sampalin ulit.
"Ang sabi ko, dapat ka lang na 'di na balikan ni Jiro, kuha mo na?!" Pang uulit niya pa, tibay talaga.
nakaka gigil ehhhh...