KRINGG ....
Bell po 'yan.
Napatayo na kami kaso bell na.
"Tara sabay-sabay na tayo. Mag ka room lang naman tayo ehh. " sabi ko.
"Sige. " Yssa ang ganda niya ngumiti.
At sabay na kami naglalakad papuntang room.
Masayang naglakakad kami at tamang asaran nangunguna na diyan si Jera ang lakas ng tawa niya kaya napagkakamalan siyang baliw.
"Hahaha! Sabi pa nga niya igho-ghost din kita!" Malakas na tawa ni Jera.
Ano ba pinag-uusapan nila at ganiyan ang tawa ni Jera?
Parang nabubuang na naman sino ang igho-ghost niya?
Bakit 'di ko alam 'yon?
"Nako. Wala ka sa'kin block agad kita pag ginghost mo ako. Hahahaha! Masalupit 'yon!" Malakas ding tawa ni Bliss habang sinasabi niya 'yon.
Ok. Sila na nagkakaintindihang dalawa mukhang magkakasundo pa ata sila sa mga kalukuhan nila.
Halos mag ka vibes ang dalawa pag dating sa kalukohan.
Maingay ft. Kalog.
"Hahahaha!" tawanan nilang dalawa, nakikinig lang ako sa usapang sa mga ka chat kuno nila na sinseen or naghost.
"Sabay na lang tayo sa recess kita kitss guys! " paalam ko sa kanila kumaway lang sila at pumasok na sa room.
Kaya pumasok na kami at umupo na saktong dumating si Ma'am Ashy.
Nag discuss lang about Greek mythology. At pinasa sa'min din ang quiz namin kahapon pagtingin ko sa papel 25 lng ako. 5 mistake wahhh sayang!
"Wahh! Tae 20 lang ako!" reklamo ni Jera.
" 25 ako! "si Abi sabay pa kita sa quiz niya pinakita ko akin.
"Same, kami ni Julia 30!" sabi ni Jharly at ngiting-ngiti ang bruha.
Hanep. Na ka perfect pa sila.
Sana all matalino eh no.
"Ang daya niyo 'di kayo nag pa kopya sa'min eh." si Jera habang nakanguso.
Natawa na lang kami sakaniya.
"Review-review din kasi pag may time 'di 'yong pang go-ghost lang ang alam Jera Haha!" asar ni Julia.
"Manahimik kayo. Baka marinig kayo ni Ma'am Ashy." Saway ni Abigail.
Kaya nakinig kami kay Ma'am nagkuwe-kuwento lang naman about sa Greek mythology Pero isip ko lumulutang na kung saan .
[ FAST FORWARDD ]
Dumaaan na ilang subject at ok naman ang lahat walang quiz kaya ang saya sa pakiramdam nagsulat lang kami.
[KRINGGGGGG!!!!!!]
Yes! Tapos na nakakapagod na magsulat.
"Ok class dismiss see you tomorrow have a good day!" Sabi ni Ma'am bago lumabas.
AT nagsigawan mga classmates namin kasi recess na nga isaaa na din si Jera tuwang-tuwa na akala mo nababaliw na.
Nanlalaki naman agad mga itsura namin, nabaliw kasi si Jera nagkekembot ang laswa tignan.
"Ano ba, ano ba Jera tumigil ka nga maawa ka sa nakakakita teh?! " reklamo ni Julia.
"Ang laswa Jera para kang nakalaya lang sa mental gano'n itsura mo!" pang aasar ni Jharlyn.
"Grabe naman kayo, nagdidiwang lang naman ako kasi nakakapagod mag sulat simula kanina. " simangot ni Jera.
"Puwede man pero... 'wag gano'n ok? Ang panget mo tignan, HAHAHAHAHHAHAHAHHA! " malakas na tawa ni Abigail.
Kaya nagtawanan na lang kami habang palabas na
Sakto din kakalabas din nila Yssa at Bliss sa room nila.
At sabay na nga kaming naglakad papuntang cafeteria.
pagkapasok ang daming tao kaya naghanap kami ng mauupuan at sakto ando'n sa may kalagitnaan na pitong upuan kaya pagkalapit sabay upo na.
Sila Julia at Abigail naman ang pumila sa counter kaya kaming Lima naiwan.
At mag intay sa kanila.
-------------------
JERA P.O.V
Wisii I'm Jera Reigo, so ayurn ngaa mga ate!
Kasama ko sila Kim at bagong mga kaibigan at ka sundo Ko pa si Bliss magkatabi kami ni Bliss sa ngayon.
" Talaga?! Sino ulit name sa f*******:? Dali! Hehe! " kilig ko sa sinasabi ni Bliss na meron daw siyang ka chat na sobrang mabait at maaalalahanin kuno.
"Oo si Clark hehehe. " si Bliss.
"Ano pinag-uusapan niyo? At nagbubulungan kayong dalawa diyan?! " biglang sabat sa'min ni Kim.
Napatingin kami sa kaniya at nag peace sign .
Dumating ang food sarap kaya kumain na kami.
Kunting kuwentohan lang naganap sa'min at wala namang nanggulo sa'min kaya tahimik naman lalo na si Kim.
At maganda 'yon para sa aming lahat.
JERA POV END
[ KIMBERLY P.O V ]
Sa wakas, at sabado na wahh! Ang bilis ng araw paulit-ulit lang ganap pasok sa school, uwi sa bahay matulog at kumain.
Buti ngayon walang pasok at makakapaghinga man lang utak ko . Tumayo ako sa hinihigaan ko para maligo mo na .
Dahil ramdam ko na ang init sa katawan ko at lagkit kaya kailangan ko na mo na maligo.
[ FAST FORWARD ]
Freshhhh...
Ok. Ano kaya puwede kong gawin?
Nag-isip mo na ko ng puwede ko mapaglibangan ngayon araw na 'di ako mabagot.
Aha!
Biglang parang may isang bulb sa utak ko na nakapag-isip din at magiginga masaya ito.
Mamasyal sa mall with my best friend!
Diba ang galing ko? Haha, idadamay ko na sila sa pag lalakwatsya ko.
kinuha ko ang cellphone ko at tumawag muna kay Julia.
[Kringggg.....]
(Hey napatawag ka?) Sa kabikang linya.
"Arat mall tayo! " masayang sabi ko.
(Sure, sige mag re-ready lang ako kita na kang tayo sa jollibe sa unahan. )
"Sige, ingat ako na ta-tawag sa mga baliw. " sabi ko at pinatay ko na.
Hanap ng number ni Jeraa. Ayon nakita ko din.
(Hello? Kim?! ) sa kabilang linyaa na may pagtatakang tanong ang bilisss naman sumagot haha.
"Yes, hello ako nga. Mall tayo kita-kita sa jollibe sa may unahan sabi ni Juls." ako habang naka-upo.
(Geh, sakto kasama ko 'yung dalawa haha, bumisita eh bored daw. Sige wetsung ka na lang namin bye!) sabay out ang gaga, wow! 'Di pa ko pinasalita nito.
'Di din siya bastos eh, noh?
Hanap sa number ni Yssa buti nahingi ko kahapon bago mag uwiann.
Nag ri-ringg lang napaka busy naman nito.
Makalipas ng dalawa minuto ang tagal niyang sumagot kalokaaa!
Na haggard naman ata ako sa kaniya.
(Hello, who's this?) sa kabilang linya ang ingay naman sa kanilaa may naririnig akong may sumisigaw ta's sa tv nag mo-movie marathon ata sila.
"Hi, its me Kim. Are you busy Yssa?" Pagtatanong ko, baka kasi busy eh kakahiya naman kung yayain ko pa siya.
(Ay, shala, hehe ikaw pala 'yan. Actually wala nabobored nga kami ni Bliss ehh, andito siya sa'min nag over night. ) paliwanag niya nice at 'di nako tatawag sa kaniya at magkasama naman na sila.
"Ok. Great. Arat mall tayo ando'n na sila Julia. So... kita kits, sa jollibee sa may unahan mismo." Pagpaliwanag ko.
("Ok, ok see you! Hoy Bliss patayin mo na yan! Mall daw tayo dali." "Sino kasama?" "Sila Kim. Dali na maghihintay 'yon." "Omg! Sige, sige!") Sabay patay ng phone do'n ata napansin na Diko pa napapatay ang tawag Hahaha.
Grabe, ang sakit sa tainga sigaw ni Bliss magkatulad nga sila ni Jera.
Kaya ako bumaba na ka ready na ko talaga hehe, saktong walang tao sa baba siguro nagrocery si mama at si ate baka nasa school nila.
Nag kotse ako wahhh! Namisss ko 'tong gamitin.
I miss you my pinkishh hehe...
Kulay pink kasi kotse ko at design niya may halong anime hehe .
Sumakay na ko at nag drive na papuntang mall mga 20 or 30 minutes lang ang byahe kaya ok lang.