Kimberly Point of view
Ang lamig kaya kasi gabi na.
Kahit talaga utak ni Rome puro kalukuhan.
" hayssss Fine! " sabay tayo ni Yssa at pumuntang dagat.
"kerry mo ba girl? " tanong ni Sheina.
Alam ko nag aalala 'yan sa kaibigan niya. Pero no choice sila.
" baka lamigin ka?" Julia.
" yup kaya ko naman its ok sige punta na ko. Para matapos na 'tong kabaliwang dare niya. "
at pumunta na nga siya sa dagat para magbabad .
pina ikot na ni Rome yung bottle at dahan-dahan naman itong huminto kay Julia at kay Lander.
" Truth or dare Juls? " Lander.
"truth, " matapang na sagot.
" Kelan mo ko ipapakilala sa pamilya mo? " seryusong sabi ni Lander.
Kahit sila na 'di pa ni Juls pinakilala si Lander sa pamilya n'ya natatakot siyang sa anong p'wdeng sabihin ng papa niya kaya kami kami muna nakaka alam about sa relationn nila ..
" Sa Birthday ko promise ko 'yan. " ngiti ni Juls at ngumiti naman si Lander.
hanggang sa natapos 'yung oras ni Yssa at kami na lang natira natapos na sila Jera puro dare nga lang kaya puro kami tawa sa mga pinaggagawa nila ... baliw din kasi kasama na ko sa nag utos haha .
tumapat sakin 'yung ulo ng bote at si Jiro sa dulo. bigla akong kinabahan lalo na ngumisi siya sakin may kalukuhan 'to gagawin .
"kinakabahan na ba Kim? hahha! " asar ni Bliss.
" dugdug hahahah! " Sheina.
" Inhale exhale muna Kim, baka atakihin ka na sa kaba? Haha sharrr!" biro pa ni Jera.
basta silang tatlo magkakampi sa pang aasar sakin eh kaya sarap ipagbuhulin ng mga 'to ..
sinamaan ko lang sila ng tingin nawata sila Julia at ung boys .
" ok, truth or dare?" pagsisimula ni Jiro.
" Truth. " lakas loob ko kahit napilitan dito kung dare mas malala to panigurado ayaw ko naman matulad sa mga 'toh na may sumayaw ng sexy sa harapan namin .
" wowwwww ayannn bet ko ang truth ni Kim! haha!" Yssa.
"wahhhh baka ito na ung oras? Hahahaha." Jharlyn.
" magdasal kana pre, haaha." Brix.
"nakooo, ayan na pre push muna 'yung tanong," Rome.
"ilahat muna ang tanong, para alam mo haha." Lander.
diko alam sino titinggan ko sa mga sinasabi nila ehhhh napapataas kilay na lang ako, si Jiro naman seryoso na napalunok na ko dito diko alam ano na nasa isip niya ehh. Nakakatense yung mga sinasabi ng mga kasama namin.
" Manahimik muna kaya kayo, pinapangunahan niyo si Jiro. " saway ni Abigail sa kanila.
" ok, kj ka para nakaka excite haha." Sheina kaso nanahimik siyang samaan ng tingin ni Abigail.
tumingin ako kay Jiro wahhhh lentek na tinginnn matutunaw ako .
" May pag-asa ba talaga ako sayo ? " seryosong sabi ni Jiro ito na nga ba ehhh.
"Omo, omo wahhh! " tili Julia.
" Say yes na wahhh!" tili naman nila Sheina at Bliss.
" Yes, May pag asa ka naman sakin kaya 'wag kang mag alala. " pigil ang kilig ko taeee.
" wahhhhh! Kiro is real na nga!" sila.
anong Kiro ??? Nagtaka kami ni Jiro sa Kiro na sinabi nila sino 'yonn ?
" sinong Kiro ?" taka ko.
" Kayo Kim, plus Jiro equal Kiro bet. Hahaha! Love it." Sheina.
" Ayt! Truee girl bet ko ang Kiro. Hahaha!" Bliss at sumang Ayon na ang iba ..
" So may pag-asa ako sayo Kim?" Jiro pag uulit niya pa.
" Pre, unli ka na? hahahah! " biro ni Rome sa kaniya natawa ung iba.
"Nabingi ata. Haha!" Lander.
" Oo nga kaya 'wag kang mag sawang maghintay malapit na hihi." ngiti ko sa totoo lang balak ko na siyang sagutin ngayon gabi.
ayaw ko naman na dito sa larong 'to ko siyang sagutin baka isipin laro lang ang relation namin kaya mas maganda 'yung tapos na ang larong 'to.
ngumiti siya sakin at natapos na nga ang laro kaya ang iba naman nag kanya-kanya niya sila Sheina total sila ang mga walang partner andun sila sa tabing dagat sa kabila.
kami ni Jiro naglatag lang kami ng malong medyo malayo sa dagat ng 'di kami mabasa .
magkatabi kaming nakaupo habang si Jiro naka akbay sakin.
"''di ko alam kung anong meron ka na wala sa iba." pag uumpisa ni Jiro napatingin ako sa sinabi niya.
" siguro sa walang iba na 'yan 'yung pagiging matapang ko noh? Kaya ka nahulog. haha! " biro ko pa.
" ganon na nga, unang kita ko nun nag aaway kayo ni Roselyn sobrang nakakatakot ka tignan dinaig mo pa 'yung mga boxingero eh hahaha! Biro lang. Pero kakaiba 'yung dating mo akala ko mahinhin ka, kaso may tapang ka pala sa loob ng katawan mo 'di alam ng karamihan kaya siguro do'n ako nahulog sayo ." mahabang kwento ni Jiro.
" kung dimo ko nakita baka 'di mo ko nakikilala siguro. Kung 'di ako binangga nila Roselyn siguro 'di ka mahuhulog, pero ok na 'yung nahulog ka kasi kahit ako iniisip ko, ano bang meron ka? Dahil alam kong sikat ka sa campus natin ang lakas ng dating mo diko din alam na magkakagusto din ako sa isang katulad mo na dati lang nayayabangan ako sa inyo, kasi naman masyado kayong sikat dinaig niyo pa 'yung artista noh? Pero nakakatuwa naging magkaibigan tayong lahat sa daming pinag daanan natin nalagpasan naman natin agad, kahit andiyan na 'yung ex mo 'di ka nang iwan. " mahabng paliwanag ko .
" kahit andiyan na si Alyssa ikaw na 'yung mahal ko 'wag kang mag selos kahit makita mo nagkakusap kami dahil ikaw lang ang nasa pusot isip ko wala ng iba, Kimberly kaya ayaw ko mawala ka." seryoso sabi niya pa napangiti ako sa kaniya.
" Papatunayan ko na totoo ako sayo, gagawin ko ang lahat para ipagtanggol ka lang sa mga katulad nila. Dahil important ka sa'kin na ayaw ko masaktan." Dagdag pa nito.
Napangiti pa ako sa huli niyang binigkas kahit alam niyang kaya ko ipaglaban ang sarili ko sa mga taong mga baliw sa paligid namin.
" hindi naman ako selosa 'wag niya lang ipakita ang pagiging malandi niya sayo, dahil akin ka na, tandaan mo 'yan akin ka na simula ngayong gabi. Kaya subukan niyang mag landi sayo kung ayaw niya makita ang totoong impyerno." tinitigan ko sya sa mata ng seryuso diko alam kung matatawa ako sa itsura niya nung sinabi kong akin na siya .
" Anong ibig mong sabihin? " naguguluhan na sabi nito.
" ibig kong sabihin simulang ngayong gabi, ay akin kana. Tayo na, sinasagot na kita kaya 'wag niyaa lang subukan na lumapit pa sayo dahil makikita niya ang tunay na tigre. Iba ako magalit lalo na kung minamahal ko na ang inaagaw niya diba? Kaya h'wag niya na lang subukan." sabi ko na may ngiti at nagulat ako sa biglang yakap niya sakin at mas ikinagulat ko ng bigla hinalikan ang noo ko lang naman .
" Yes! Girlfriend ko na si Kimberly Nicole Cardenas. Woahhh! " biglang sigaw niya at nagtatalon sa tuwa napangiti ako 'yung mga kaibigan namin at lumapit sa p'westo namin at may tuwa sa nalaman nilang kami na talaga nayakapan pa kami ng mga girls .
"congrats! "boys.
"Omg! Congrats best, im happy for you ayieee." Julia
" congrats sa inyo! " Sila Abigail.
at natapos ang gabing 'to na masaya dahil official na kami ni Jiro Kurt Buenavesta .
Natapos ang isang araw namin sa panay beach na sobrang saya at napaka memorable sa amin isama muna 'yung pagiging official naming dalawa ni Jiro, hanggang sa maka uwi kami 'di kami tinigilan ng mga kaibigan namin sa panunukso at 'di nawala ang mga ngiti namin .
back to normal na naman bukas kasi may pasok na ulit kami kaya paghahandaan ko na ang araw na 'yun lalo na na post ni Jiro na in relation na s'ya sa'kin, at panigurado na ko do'n maraming magwawala.
baka pag pasok bigla akong atakihin ng mga Lion ni Jiro at Kainin pa Ko ng buhay at 'di ako takot sa kanila.
Diko din alam simula makilala ko si Jiro 'di na ko masyadong maldita p'wera na lang kung nasobrahan na 'yung inis ko .
lalo na kung andiyan 'yung mga alagad ng bruha kahit 'di naman sila ginagalaw kusa silang sumusulpot na parang kabute .
KINABUKASAN
maaga ako nagising para mag asikaso agad natapos naman ako kaya 'di na ko nag tagal sa bahay total maaga akong kumain 'diko alam ba't ang aga ko kumilos samantala noon tamad na tamad ako epekto ba 'to ng isang inlove .
SCHOOL ~~~~
"Omy god, so true talagang sila wahhhhh! "
"infairnesss bagay sila!"
"support tayo sa loveteam nila!"
nagtuloy-tuloy lang akong naglakad papuntang garden
nakakailang ang mga tingin nila sakin parang 'di na ko sanay sa mga gantong eksena haysss ..
at minamalas ka nga naman walang iba kundi
si Alyssa kasama sila Roselyn ,Savannah 'yung trio magkasama na naman. Alam ko na ang mga pakay nito.
ano na naman ba balak ng mga 'to? 'Di ba p'wedeng mamaya na lang kasi ang aga-aga ehhhh, lalo na ang ganda-ganda ng gising ko ta's sisirain lang nila .