Kimberly Point of view
~~~ F A S T F O R W A R D ~~~~
Natapos ang araw namin lalo na walang klase hanggang sa mag uwian kaya nagkanya, kanya na kaming uwi 'yung boys 'di nila nahatid may importante daw sa kanila kaya kami nalang girls nag sabay .
Tumambay muna kami sa mall total maaga pa naman kaya Tamang ikot lang minsan na lang kami mag bonding na 'di kasama ang boys kaya lulubusin na naming na kami munang girls .
" Awit na miss ko 'to, so saan Naman tayo? " Yssa.
" Sa Taas Tayo muna. " Abigail.
" Teka may pera ba kayo, nakakagutom? " Sheina.
" Lagi ka namang gutom gurl kaya 'di na kami magtataka hahaha!" biro ni Bliss.
" Cheeee! Gutom kaya ako. " reklamo niya.
"paano nung tanghali nag diet ka pa. " Sermon naman ni Yssa sa kaniya.
" May nalalaman kapang diet eh, panay lamon ka naman girl wala din 'yung diet mo. " Jera at nagtawanan naman sila sa pang-aasar sa isa.
Nakikinig lang ako Mamaya niyaan Mag-aaway na mga yan pag napikon ang isa . Iniwan ko sila total nauuna ako.
" Woi, teka lang kailangan mang iwan girl ?!" Sigaw nila.
" Andaldal niyo kasi! " inis kong sigaw din sa kanila.
" Yurn lang kaya mo kami iniwan? Ikaw ahhh tampororot ka talaga." Biro naman ni Jharlyn inirapan ko lang siya natawa naman sila.
At pumunta na nga kami sa Taas Kumanta kami Gastos ni Julia Siya ang mapera kaya treat niya lahat .
Natapos ang oras namin sa pag iikot 'di namin namalayan na Mag didilim na kaya naisipan na naming umuwi na baka hanapin na kami ng mga magulag namin magtaka pa ba't ginabi kami 'di pa naman ako nakapag paalam .
" So, pa'no bukas na lang ? Kita kits, salamat sa bonding ingat kayo pag uwi. " Paalam ko sa kanila andito na kasi ako sa tapat ng village namin naunang nakauwi sila Yssa kasi iba daanan namin pag pauwi na .
" Sige ingatsss. " Julia.
at nag beso beso kami nila Julia kaya nman sila Jharlyn at Jera naman nagsabay na magkakalapit lang kasi din sila ng bahay . si Abigail naman same kila Yssa sumabay na siya sa tatlo kanina.
Kaya naiwan na kong mag isa Pinapasok na din ako ni manong Guard baka mapagalitan na ko ni mama.
Hanggang sa Pumasok na din ako sa Gate namin na mismo .
pag pasOk ko sa Loob nagulat ako kasi si ate naka upo sa tapat ng pinto sabagay nakatapat 'yung upuan sa may pinto .
Tumingin siya sakin ng naka taas ang kilay napalunok pa ko bago magsalita .
" hihi sorry Nagabihan hmmm nag mall pa kasi kami ng mga kaibigan ko eh, " sabay tingin sa paa ko s**t ba't pa ko nahiya samantala dati wala kong pake pag nadidiliman ng uwi .
" Kahit kelan ka talaga Kim, kita mo naman na ayaw na ayaw ni mama na ginagabihan ka ng uwi ano dahilan mo ba 'yan para pagtakpan ang pagsasama niyo ng jowa mo ahhh, dinadamay mo pa mga kaibigan mo ah?! " Inis niya.
Napaangat naman ako ng tingin sa kanya at tinaasan din siya ng kilay na lalo niyang kinainisan tsk .
" Fyi porkit may jowa na ko 'di naman kami lagi nagsasama lalo na kung Sa labas, eh totoo naman ahh sila Julia mga kasama ko kahit itanong mo pa sa kanila na 'di ko kasama si Jiro lalo na may emergency sa knila .. " inis ko.
" 'wag mo kong sagut-sugutin ako pa din ate mo Kim! "
" Whatever! " at nilagpasan ko na lang siya walang k'wentang kausap.
" Kim, 'di pa tapos pag-uusap natin ano ba, bumalik ka dito!" sigaw nya
" Kausapin mo na lang sarili mo matutulog na ko! " balik sigaw ko sa kaniya.
"Walanghiyang batang 'to!" Rinig ko pang sigaw niya.
Pumasok na ko sa K'warto at nagbiHis ng pantulog.
At humiga na kakapagod ang araw na 'to pero masaya kasi kami ni Jiro na gagawin ko ang lahat para 'di s'ya landiin ni Alyssa napaka desperadang Alyssa assumera pa .
Grabe Pagkatapos niyang iwan si Jiro para lang sumama sa lalaki ta's babalik siya para maging sila ulit, porkit iniwan na siya nung lalaki niya ano 'yon laruan na p'wedeng Kunin pag gustong hiramin Kapal ..
Nakatingin lang ako sa kisame nag iisip sa mga pwedeng gawin kapag nilandi nya si Jirio ng 'di ko alam .
Diko napansin nakatulog na ko sa pag iisip ko.
nagising ako sa ingay sa baba medyo nakakatamad pa bumangon kaso nakakairita 'yung ingay ano bang meron? tumayo ako at naghilamos muna .
bumaba ako para tignan kong anong ingay meron sa baba kasi naman parang may nag aaway ang aga-aga gosh!
pagbaba ko nakita ko sila mama at ate nagsisigawan napakamot pa ko sa mga sigawan nila ano bang nangyayare.
"Ma! Ate! Ang aga-aga ang i-ingay niyong dalawa, nagsisigawan kayo diyan magkaharap lang naman kayo!" Pag sigaw ko ayaw pa nila manahimik.
" Isa ka pa. Manahimik ka diyan Kim, 'wag kang mangialam dito. Umakyat ka at mag ready para pumasok!" sigaw ni mama sakin nagtaka ako kasi si ate umiiyak ano bang nangyayare kasi?
" Ma, teka lang naman ano bang nangyayare? At bakit umiiyak si ate?!" taka kong tanong habang nakatingin kay ate.
" 'Yan ate mo 'wag mong gagayahin dahil nakita ko lang naman ang ate mo nakikipag halikan sa tapat pa ng bahay kagabi, nung wala kapa 'di nahiya sa tapat talaga kayo ng bahay ko, naglalandian ahh ta's? Ano 'tong nabalitaan ko nag check in pa kayo sa isang hotel ahh?! Gan'yan ka na ba talaga katherine Ann, ah tinuruan ba kita niyan ta's ibang lalaki 'yun kuntra 'yung kagabi? Paliwanangan mo nga ko iba-ibang lalaki ba kinakasama mo ah, Katherine Ann? Ganiyan ba kita pinalaki? Sagot!" Galit na si mama at mahahalatang nabakat ang ugat sa kaniyang mga braso para pigilan ang sarili na 'di saktan si ate.
at sobrang nagulat ako sa mga narinig ko at napatingin ako kay ate ng pagtataka so kailan pa 'to?
" So, 'yung kagabi sakin mo binuntung 'yung inis mo ganon ba? Dahil sa nalaman ni mama ah ate? Kaya pati ako dinadamay mo sa problema mo? " irita ko sa kaniya.
" Dahil totoo naman na anong oras ka na umuwi." Depensa niya pa.
"dahil nga kasama ko mga kaibigan ko ba't 'di mo 'yun maintindihan! " inis ko sa
"Dahil ang totoo 'yung jowa mo kasama mo kagabi 'wag mo nga ko baliktarin! " pagkainis sakin.
" 'Woa?! Wag mo ko gayahin sayo ate kahit balik baliktarin mo pa ko sila Julia lang kasama ko 'di tulad mo kahit kanino sumasama! " Balik kong sigaw sa kaniya na may galit ko.
" Anong sabi mo? Ayusin mo 'yang dila mo kung ayaw mo ako ang tutuwid diyan! " sigaw n'ya sakin inirapan ko lang siya.
" Katherine, ayusin mo din pinaggagawa mo kung ayaw mo ako mismo ang magtapon sa Lola mo" " biglang singit ni mama na halatang galit ito.
"What?! No way, ayaw ko mapunta kay lola mama!" Pagmamaktol nito na halatang 'di niya tanggap ang sinabi ni mama.
" So, ayusin mo 'yan kapag nalaman ko pang kani-kanino ka sumasama, ako na mismong magtatapon sayo sa lola mo. Naiintindihan mo ba ako Katherine?!" Duro n'ya kay ate at tinalikuran na n'ya kami.
Naiwan kami ni ate na masama ang tinginan tatalikuran ko na sana siya ng may sinabi pa sakin na 'di ko nagustuhan.
" 'wag mo ko subukan Kim, dahil wala ka naman alam kaya 'wag kang magmarunong, sa totoong nangyare dahil lang sa mga narinig mo kay mama. " pagbabanta nito sakin.
" Bakit apektado ka? Kasi totoo naman ah, kani-kanino sumasama dinaig mo ata mga p****k sa labas. " pang iinis ko na siyang ikinagalit.
" Bawiin mo 'yang sinabi mo Kim! " sigaw niya sakin.
"Pa'no kung ayaw ko? Ikaw nga pinagpipilitan mo sakin na si Jiro, kasama ko kagabi ba't ando'n ka ba ah? 'Wag mo nga ko itulad sayo dahil magka iba tayo ate!" sigaw ko sa kaniya.
" Kayong dalawa diyan 'di pa kayo titigil. Ikaw Kim, umakyat ka na anong oras na at ikaw 'wag kang lalabas. Your grounded no gadget, for one month. Kuha mo Katherine?" Sigaw ni mama galing sa kusina.
" Pero ma--" reklamo niya pa sana.
" Wala ng pero, pero grounded ka ano gusto mo gawin ko ng one year?!" inis ni mama kay ate.
" Fine! " dabog n'ya at nilagpasan kami pero bingga n'ya pa ko.
Bweset 'yon.
" Ouch tanga ka ba ate? Kasi sa sobrang tanga mo nagiging bobo ka na din! B'weset! " sigaw ko sa kaniya tinarayan niya lang ako.
umakyat na din ako haysssss badtrip naman .
------------
Nandito na ko sa room at walang gana makipag usap kahit kila Julia naiinis ako ..
" Wahhhhh my transfereee ngayon, sana classmate natin! " tili ni Klea.
" shockkkk ang gwapoo niya! " Princess.
" Kim, tulaley ka naman? " Abigail.
" Anyare sayo bigla teh? " pagtatanong din ni Jera.
" Ok ka lang ba?" Julia.
" Kim uwuuuu! " Jharlyn.
" Huh? May sinasabi ba kayo?" nagulat ako sa kanila nasa harapan ko kasi mga mukha nila.
Sa lalim ng iniisip ko ay 'di ko napansin ang paglapit nila.
Hindi ko lubos akalain na may gano'n ginagawa si ate.
Napataas ng kilay sila sa inaasta ko nagbuntong-hininga na lang ako.
" Sorry guys wala lang ako sa mood para makinig ngayon 'di maganda 'yung gising ko." seryusong sabi ko.
" Bakit na naman samantala kagabi ok kapa ah? " Jharlyn.
" Sa Mama mo ba kaya ka gan'yan nag away ba kayo?" Abigail.
" Hindi naman si mama kundi si ate, kasi nag away kami diko lang talaga inaasahan na may ganong ugali siya, haysss naguguluhan ako ba't nangyare kay ate 'yun sakit sa ulo. " inis ko habang inaalala ang naganap sa pagitan namin ni ate kanina.
" Kalma ok 'wag mo muna isipin kung anong gulo niyo, ng ate mo relax lang sasakit talaga ulo mo niyan. " Julia.
" Pa'no kapag pipikit ako naalala ko 'yung sagutan namin ni ate alam kong sobra 'yung sinabi ko kasi naman nakakainis din siya eh ay ewan grrrrr. Bigla ako na stress." Sabunot ko sa sarili ko kaya naman nataranta sila sa ginagawa ko.
" Luh, ano ba kalma ka nga ba't muna sinasaktan sarili mo. " Jera habang nainis sa ginawa ko.
" Diko na alam gagawin ko nakakainis siya alam niyo 'yun 'yung paliwanag ka ng paliwanag na kayo naman talaga kasama ko kagabi diba?! Iba talaga utak ni ate eh, kakaurat lang. " simula ko.
" Ohh, oo kami nga bakit naman? Anong issue 'yan ginagawan ka ng k'wento ng ate mo ganon?" Jharlyn.
" Kaya nga ehh, pinagpipilitan n'yang si Jiro, 'yung kasama ko kagabi. Diba? Nakakainis lang samantala nga siya mas malala pinaggagawa, sakin niya pa ipasa kalukuhan niya." Badtrippp pag naalala ko nangyare kanina.
" Huh? Eh, kahit naman ipacctv pa niya kami naman talaga kasama mo ano ba 'yang ate mo masyadong ano ah?! " Jera.
" So, anong ibig mong sabihin na mas malala siya? " Julia.
" Dahil nalaman ko kay mama kanina nung nag sasagutan sila Na kani-kanino sumasama sa mga lalaki tsk. So sakin niya pa pinasa 'yung gawain niya. Diba ang galing. " inis ko.
" Omo, seryoso si ate Kathy? " Takip bunganga pa si Julia.
" Oo. Kahit ako nagulat sa nalaman ko. "
" May tinatago din pala ate mo noh?" Abigail.
" Nako, 'wag na natin muna isipin lalo ako nababadtrip." awat ko na para 'di na humaba ang usapan ok na ung alam nila nararamdaman ko at may tiwala naman akong 'di nila ipagkakalat ang mga nalaman nila tungkol kay ate .
Kasi kahit madalas 'di kami ok ni ate ay mahal ko 'yon kahit demonyita.