Jiro Point of view
"Nga pala Jiro 'di na natin nakikita si Roselyn ah, s'an na kaya ang mga 'yon?!" Pagtataka naman ni Raven.
Pansin ko din 'yon one month na 'di ko sila nakikita at saan nga kaya sila napadpad at sobra tahimik ng groupo nila pero kapag sobrang tahimik ay may mali. Nakakabahala dahil nga tahimik sila.
" Miss mo ba?" Asar naman ni Rome sa kaniya.
" Hind.i Bakit sa kaniya pa e linta 'yun haha !" sagot naman ni Raven.
Mabuti na 'yung wala s'ya laging nagdidikit sakin daig pa ang linta nakakainis.
Ba't 'di na lang niya landiin 'yung may gusto sa kaniya ng hindi ako ang penepeste lagi kapag nakikita ko siya nasisira ang araw ko.
Mga ilang oras pa kami nagtambay .
At pumasok na din sakto ay dumating ang adviser namin.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
RECESSS....
Nag bell na kaya lumabas na kami baka ando'n na sila Kim, ang boring ng klase kaya minsan ay wala ako sa mood para makinig saga discussion ng adviser namin.
Madalas na kaming magakakasama at masaya ako at naging malapit ako sa kanila lalo na kay Kim.
Pagdating namin sa cafeteria ay nag ingayan na ang mga students dahil nakita na naman nila kami at lagi nila isinisigaw ang pangalan namin. Mabuti 'di sila napapaos kakatili nila diyan sakit pa sa tainga.
" Wahhhhh Mariefe ayarnnn na silaaaa ang gu-guwapo! "
" Omg! Ocfe wahhh! Sana akin ka na lang Kurt !"
Hindi 'yan maari dahil 'di kita type sa iba ka na lang na mas deserve.
" Shock. Lalo ata silang guma-guwapo?! "
Lagi naman kaming guwapo at wala ng iba do'n.
At kung ano-ano pang narrinig namin mula sa kanila 'di na lang namin ito pinansin dahil nagugutom na kami.
Nagtuloy-tuloy lang kami para makapunta na kung asan sila Kim, naka table at paaglapit sa kanila tumabi na kami.
Si Kim busy sa kinakain niya.
" Mustaaa naman? " pagtatanong agad ni Sheina sa'min.
" Ok lang. Kayo ba ?" Rome.
" Ok, din kahapon nasa park lang kami. " Blliss.
" Ahhh na busy kasi kami kaya 'di na kasama sa inyo." Sambit naman ni Brix tumango ang iba.
" May next time pa naman. " Sheina.
" Yeah. " Rome.
Nag uusap sila pero 'yung iba tahimik tulad ng katabi ko walang kibo basta pagkain ay nakakalimutan niya may mga kasama pa siya.
"Tahimik mo naman ?" Tanong ko kay Kim medyo nagulat pa siya sakin. Masyadong seryoso naman 'to at 'di ako napansin.
" Huh? Haha sorry nasasarapan kasi sa pasta kanina pa kayo?" Seryusong sabi niya pa sa'kin halata nga sa kaniya na nasasarapan siya sa pastang kinakain niya kasi 'di talaga niya kami napansin na dumating kami.
Grabe, 'di talaga kami nun napansin?
" Ah yahh hehe. " ako at napakamot na lang ng batok.
" Jharlyn may something ba sa inyo ?" Biglang tanong naman ni Bliss kay Jharlyn na halatang nagulat ito.
Napatingin ang lahat except kay Kim na busy talaga kumain.
" Saan?" Maang-maangan pa n'yang sagot sa kaibigan niyang maingay.
" You and Rome of course?! " arteng sabi pa ni Sheina tinataasan pa ng kilay.
Di naman makasagot si Jharlyn at tumingin kay Kim, si Kim naman. Nagulat ako kasi nakatingin na siya kay Jharlyn.
At tumango s'ya nagbuntong-hininga naman si Jharlyn na para bang kinakabahan ng todo dahil sa sasabihin niya bago tumingin kay Rome na makangiti na.
So anong bang meron sa dalawang 'to?
Hindi ko alam kung ako lang ba nakakapansin sa dalawa or pati sila.
Ako na kaibigan ni Rome walang idea sa sinasabi nila.
Si Rome naman nakangiti at nagulat kami sa paghawak Niya bigla ng kamay ni Jharlyn sa ibabaw ng lamesaa at talagang namula si Jharlyn, sa ginawa ni Rome sa paghawak sa kamay niya na siyang ikinabigla namin lahat except kay Kim na poker face lang.
Sila Jharlyn and Rome na kinikilig pareho at namumula ang mga pisngi
Kami na parang tanga dahil feel ko lalabas na ang mga mata namin sa laki.
Samantala si Kim na parang wala lang ma 'di maintindohan ang reaction.
" Omo?!" biglang tili ngunit may pagkagulat naman nila Sheina at Bliss.
" Wahh" Sabi na ehhhh. " sigaw pa ni Sheina habang nakatakip ang bibig.
" Listen guys im telling you about me and Jharlyn, yes I admit that I've been dating her for over a month I don't know what to say but, i hope you don't get angry because we didn't say it right away first. I just liked Jharlyn for the first time. " mahabang sabi ni Rome na proud pa sa kaniyang pag amin.
Kami na 'di makapaniwala dahil sa inamin nga ni Rome about sa kanila masyado kaming nagulat sa oras na 'to at 'di ako makapaniwala na nanliligaw na siya sa kaibigan ni Kim na 'di man lang namin ito napansin.
Ayaw ma process sa utak ata namin ang sinabi niya kasi hanggang ngayon loading.
LOADING....
LOADING...
And hanggang sa naintindihan na ng lahat except kay Kim na poker face talaga hanggang ngayon nakakapagtaka. May alam na ata 'to at ganiyan lang reaction niya.
" Ikaw na magaling mag english! Pero, wait Omg! Congrats!" Sheina na na 'di na mapakali sa kina-uupuan nito sa sobrang kilig.
" Omy!! Omy!! god! Seriously Jharlyn? Omy! " Julia at nanlalaki na ang mata na ayaw pa maniwala. Habang pinapaypay ang kaniyang sarili na animo'y mahihimatay sa nalaman niya sa kanibigan nito.
" Shock ka sis andayaa mo, ba't 'di nagsasabi sakinnn/sa'min huh?! " kunwareng iyak pa ni Jera at hinampas sa balikat.
Ouch... hilig talaga nila manghampas kaya ayaw ko tumabi sa mga ganiyan tao lalo na kung kinikilig eh.
" Sinabi na nga eh. "natatawa sabi ni Jharlyn sa kaniya.
" Wahhhh sana all." Pag tili pa ni Jera.
"'Wag kang mag alala im here. " kindat naman ni Raven sa kaniya at namula siya bumabanat na naman ang ugok.
" Cheee !" kilig pang arte niya.
" Grabe ang galing niyo magtago ahh? ‘Di namin 'yun nahalata." Pag tatampo naman ni Abigail sa kaibigan niya natawa na lang si Jharlyn.
"Syempre secret kasii. Pag naging tayo isesekret din ba natin?!" biglang banat naman ni Brix tinaasan lang siya ng kilay.
" Sapak?" sabi pa ni Abigail sa kaniya at naakto na mananapak ito.
Mukhang natakot naman ang ugok.
" Amazona ka pala?!" 'Di makapaniwalang sabi ni Brix.
" Dati pa 'wag ka ng magtaka." Pag mamaldita ni Abigail.
" Tama na 'yan, baka kayo na ang next magka developan eh." asar pa ni Sheina sa kanila kaya napataas na naman ang kilay ni Abi.
"So Jharlyn kailan mo sasagutin ang fafa Rome? ayieeee. " Yssa at hinihintay ang sagot.
Namula naman s'ya sa sinabi ni Yssa.
"Secret." Sagot niya at uminom ng kiwi juice natuyuan na ata ng laway haha.
" Nako, dre binataa ka na. Congrats." Lander at sabay tapik sa balikat ni Rome.
" Woahhh celebration na baa to? Congrats." Pagbati din ni Brix at tinapik rin ang kaniyang balikat.
" Congrats. " sabay sabi ng mga babae.
" Tae 'di pa naman kami, dadating din tayo diyan. " wika pa ni Jharlyn.
"Sus baka bukas kayo na." Biro naman ni Sheina.
" Kaya nga nag a-advance lang kami. " pag sang-ayon naman ni Bliss.
"Sunod?! Wahhhh kasal na 'yan!" At biglang tili ni Jera at kinikilig na.
"H-hoy anong k-kasal sinasabi mo? " utal pang sabi ni Jharlyn.
"Hahahahahha ayieeee nauutal." asar pa ni Bliss sa kaniya at namula naman siya.
"Siraulo. Tama na 'yan, mag ti-time na bilisan niyo na. " biglang sabat ni Kim sa kanila.
" 'Yann ingay mo kasi." sisi pa ni Bliss kay Sheina.
" Ako lang ba? Sapakin kita. " pagbabanta naman Ni Sheina..
Hay nako sakit nila sa ulo lagi ba silang ganiyan?
" Baka magrambulan na kayo diyan girls, haha." awat naman ni Brix sa dalawa kaya nanahimik naman sila agad.
"Ok ka lang ba talaga?" tanong ko pa kay Kim masyado kasing tahimik pinapanuod niya mga kaibigan niya.
Napalingon naman siya sa gawi ko .
" Oo naman. " sagot nito.
" Sabay tayo uwi sunduin kita ok lang ba?" tanong ko la tinignan niya naman ako sa mata na may pagtataka.
" Ah sige." sagot niya at saka siya ngumiti napangiti ako sa pag sang ayon niya sa alok ko.
" Sige text kita after classes. " wika ko pa.
"Geh."
" Hoy, ano ibinubulong-bulong niyo diyan huh?! Ayieeee may tinatago din ang dalawa 'to." biglang singit ni Sheina na napansin na nagbubulungan kami.
" Wala!" sabay pa kaming sabi, nagtinginan pa kami at sabay natawa.
" Omg diyan nagsisismula 'yan." Sheina at nabuang na naman sa kilig.
Tinignan naman siya ni Kim ng masama para manahimik.
" Ok hindi na mag iingay hehe. " aniya niya pa at bumalik sa kinakain.
At kumain na nga kaming lahat.
Pagkatapos ng pag kuw-kwentuhan at asaran nila nag si hiwalayan na kami mag kaiba ang building namin sa year nila dahil second year pa lang ang mga 'ito .
Pagdating sa room nag si upo na kami at lagi kami magkakatabi sa upuan dahil ang mga ugok kapag may activities ay lagi sila sa'kin na ngungupya. Diba ang galing?
Dumating na din ang guro namin kaya 'di na namin naka-usap pa si Rome sa nangyari kanina sa cafeteria.