Kimberly Point of view Halatang galit siya ngayon sa sino mang kasigawayan niya sa baba, kaya nagmadali ako para tignan sino ba kaaway ng kapatid ko at sa gantong oras pa nila napili magtalo . "Wala kang karapatan!" Malakas na sigaw ni ate sa kausap niya. Lumabas na ko sa k'warto upang makichismiss sa baba at nasa'n ba si mom para pagsabihan man lang niya ang panganay niya na mag tigil kakaputak ng gantong oras nakakabilahog eh. Baka magulat ako may nag reklamo na sa baranggay hall dahil sa kaingayan ng ate ko sa t'wing umaga dahil nasasanay na siya kapag umaga ay bunganga agad niya na napakatinis kung magsigaw kaya kahit tulog pa kaluluwa ko ay magigising ng dis oras ng dahil sa kaniya. "May karapatan ako! Sa ayaw at sa gusto mo Kath!' Guy. What the sino naman 'tong lalaki na 'to

