Kimberly Point of view
KINABUKASAN
Friday, na panibagong araw. Panibagong pagsubok sa mga taong makakaharap ko at sana diko makita sila Savannah . Dahil gusto ko maging ok ang araw ko ngayon ng walang malas sa paligid ko.
Ayaw ko sana ng gulo para iwas sakitan pero kung ayaw niya magpigil bahala siya masaktan.
Nag ayos na ko at kinuha ang mga kailangan para sa pagpasok .
Naging mabilis ang pag Alis ko 'di na ko nagpaalam pa Alam na ni mama 'yon at sakto andito na ko sa loob ng school.
Diba ang bilis lang? Ang lapit lang kasi ng school ko at puwede mo lang lakaran iwan ko nga sa iba kailangan pa ng sumakay eh karamihan dito sa village namin mga schoolmates ko pero hindi ko mga ka close or wala na kong pakealam sa kanila.
Tamang lakad lang papuntang tambayan namin sa garden mismo.
Ako pa lang pala nauna dito kaya naghintay na lang ako sa mga kaibigan ko umupo ako sa tapat ng fountain at nagmunimuni ng kung ano-ano.
Ang sarap ng hangin napakalamig sa balat isama mo pa ang amoy ng sariwang mga bulaklak sa paligid lalo na bagong ano lang nila.
Ang ganda kasi may ibat-ibang kulay at klaseng bulaklak ang nandito kaya ang sarap tumambay talaga sa garden ang sarap kasi ng hangin.
Natikman mo ba?
Anong lasa ng hangin self?
Para ako tanga kinakausap ko na sarili ko.
-------
"Kim, aga mo naman ?!" Julia.
Nagulat ako ng bigla siya tumabi sa'kin andito na pala sila.
Ang lalim ng iniisip ko dahil lang sa garden na 'to. Kaya
Hindi ko namalayan na nakarating na pala sila.
"Ang tagal niyo naman? Nga pala sabi wala tayong klase. Kasi mag a-asikaso lang tayo at makapaghanda na, kaya tara do'n na tayo. " sabi ko at inayos na ang mga dala ko.
Lahat nag a-ayos na at mga classmates namin andiyan na kaya complete kami at andiyan na din si Savannah at sana 'wag siya gumawa ng 'di maganda .
Kahit man lang para sa booths namin saka na sila manggulo kapag nakapasa ako.
Pumunta na kami at sa tapat lang siya ng pag pasok ng school makikita agad lahat ng mga booths ta's ung contest sa court gaganapin may ticket na din kami, para sa monday kailangan daw kasi para katibayan na dito ka nag-aaral pwede din naman mga outsider para naman mag enjoy din ang ibang school na sumali sa activities namin sa campus na 'to .
Ang daming pakulo ng campus na 'to para lang ma achieved ang festival this years.
"Wow! Ang cute naman, tignan mo ung kila Yssa photo booth ang ganda ng gawa nila! " manghang sabi ni Jera.
Totoong maganda ang pagkakagawa ng booth nila masyadong nang-aakit.
"Halos lahat naman ma bu-busy sa mga booths kaya kailangan maganda pag kakaayos kaya tara na. " Abi
At nauna na sa booth namin.
Kaya sumunod na kami.
At medyo marami pang aayusin.
Sila Princess nag-aayos sa mga gamit para sa loob ng jail booth tulad ng sofa at meron din Kama kung aabutin ng hours pwede ka matulog .
Sila Savannah naman nag iinarte. Kahit kailan wala ka pakinabang puro arte at wala ka talaga matatapos sa ginagawa mo.
Puro utos lang ang mas lamang kaysa gawa sa sariling gawain.
"Duhh! Ayusin niyo Cristylyn ano ba?! Kailangan maganda ang booths natin 'di 'yung badoy aghhh! " Savannah at sinisigawan ang kaibigan niya.
"Henency ito paki lagay naman ayusin mo ah? Salamat." Klea.
"Janinay bili ka muna sa cafeteria ng mineral para sa'tin here! " Mary Ann sabay bigay ng pera at umalis si Janinay kasama ang dalawang boys .
" Ano tunganga na lang ba kayo diyan? Baka gusto niyo tumulong?! " pagtataray na sermon sa'min ni Abigail.
Napaka-strict talaga sa mga gantong bagay.
Ah oo nga pala andon na sila nag-aayuos ng mga decorations.
" Oo na! " Jera.
" Wahhh! Ayan na nga eh! " Jharlyn.
Haizzt itong dalawang 'to ang ingay pag sila magkasama din sa gruopo namin madalas sila pa ata ang may sariling mundo e.
" Ok." Bored kung sagot at lumapit na sa kanila.
At naging busy ang araw namin sa mga pag-aayos kasi andami talagang kaartehan kalokaa.
Kami ang pinagod ni press. Dahil kailangan talagang pulido ang pagkaka-ayos ng booth namin at matibay ang pinaka silda nito.
FAST FORWARD
" Ok. Lunch muna tayo classmates! " sigaw ni press. kaya ang lahat natuwa kasama na ko do'n ang init pa sapol na ung araw sa puwesto namin.
At gusto ko na uminom sa sobrang init jusko.
"Wahhh, salamat naman naisipan mo magpahinga press! " Cristylyn.
"Aghhh ang init ang lagkit ko na goshh !" Arte ni Savannah habang nag pupunas ng kaniyang pawis.
Ang arte naman nito.
" Tsk malamang sapol sa'tin 'yung araw!" Princess.
"Walang kumakausap sayo. So, you shut up, Princess. " taas kilay ni Savannah.
Kahit sino talaga ang tinatarayan nito.
" Kinakausap ko sarili ko!" kunwaring dahilan ni Princess gaga talaga.
Napairap na lang siya at umalis kasama mga kaibigan niya.
Kami naiwan naman at nagpahinga mo na.
" Tara Kain muna tayo nagwawala na din 'yung mga alaga ko." reklamo ni Jera.
Kaya tumayo na kami kasi lahat kami mga gutom,
Sakto namang nakasabay namin sila Yssa at Bliss na nagpupunas ng mga pawis.
Halatang naiinitan na din.
" s**t ang init! " Bliss sabay paypay gamit ang palad niya.
" Malamang tanghaling tapat! " Yssa.
" Yssa" Bliss! Taraa sabay na!" sigaw ni Jera kaya lumapit sila sa'min pagkakita.
" Kamustaaa naman? " Yssa.
" Itooo haggard !" Jharlyn.
"Ta's ang ingay pa nung bruhaa na si Savannah ang daming reklamo!" Jera na inis na inis na.
" Kalma sis, hahaha. " Julia.
" Chee, nakakaimberna naman kasi ang babaeng iyon!" Jera.
Habang naglalakad kami daldalan lang sila hinahayaan ko lang .
Ang daming tao,
Kaya wala kaming puwesto no choice sa garden na lang kami.
Kaya pumunta sa garden.
Pagdating nag puwestohan na sila 'di naman maiinit ang puwesto namin kasi may mga puno na nakaharang sa mga bench at may table din na gawa sa semento basta gano'n.
"Mabuti ditoo tahimik at mahangin. " Julia.
" Kaya nga maganda tumambay dito pag walang klase. " wika naman ni Bliss.
" Pingi ako niyan, Yssa. " Jera.
Sabay kuha ng ulam na adobo.
"Teka! Ako din noh! " Yssa at kumuha ng ulam niyang beef steak.
Ako kumakain lang ang ulam ko naman minudo at may sabaw din ng tinolang manok.
Tahimik kaming kumakain sa ngayon kasi mga nasasarapan eh haha .
"Woahh! busog!" Jera.
" Ingay mo! " Reklamo ni Bliss.
" Maya na tayo balik." Abigail.
Kaya ako pumunta sa puno at sumandal sarap sa pakiramdam ang hangin kasi at nakakaantokk pa.
" Hey, baka makatulog ka. Haha." Julia.
Napadilat naman akoo.
" Tskk 'di naman. " sabi ko.
Gusto ko lang mapahinga ang mata ko, at ma fresh ang utak ko ngayon...
" Excited ako sa monday!" Julia habang nagpipikit pikit pa nalalaman.
" Mga busy tayo, kaya walang exciting do'n sis. " sabi ko natawa ako kasi napasimangot siya.
Kasi totoo naman lahat kami magiging busy paano kami ma eexcite kung ang gagawin namin manghuli ng mga kulukoy na mga lumabag sa rules.
" Ehh, baka puwedeng 'di na lang tumulong sa paghuhuli kakainis hahabulin natin sila!" nakangusong sabi niya pa.
" Malamang kaya nga pulis tayo kapag may nakita tayong mga pasaway sila huhulihin agad natin." sabi ko iniisip ko pa lang napapagod na ko.
Paano kung matitigas ang mga ulo ng mga kulukoy jusko. Baka sumuko na ako agad.
" Pag wala kang nahuli good luck!" pananakot ko sa kaniya.
Hahahhahah mukha naman siyang natakot sa sinabi ko.
" 'Wag naman, alam kong babagsak ako huhu !" Julia.
Yes babagsak ka kapag wala kami nahuli kaya sana makipag cooperate sila.
" Hahaha ganon na nga, hahahahahha. " pang aasar ko pa.
"Cheee, taraa na ngaa balikk na tayo. Baka magwala si Savannah do'n. " pag-aya ni Julia.
Tumayo kami at binalikan sila Abigail.
" Tara na baka may magwala do'n na wala pa tayo." I said at nauna na ko sa kanila.
" Aytt, oo baka mag involve bigla iyon. Hahaha." Jera.
Rinig ko pang sabi niya mabagal lang naman ang paglalakad ko para sumabay sila sa'kin.
" Hahahah! Gaga, tara na nga!" Jharlyn.
Pagkalapit sa'kin ay saka na kami nag,
Sabay-sabay na kaming bumalik sa mga booths namin
At sila Yssa ayon tumulong na sila.
Pagpasok namin sa booth namin nagtatalak na nga si Savannah kasi ung iba 'di tumutulong dinaig niya pa ang press namin na ayon tahimik sa mga hawak niya.
Lakas ng loob manermon samantala ang president namin tahimik lang.
"Tawagin niyo mga boys! Ano ba! Dodoublihin pa nila yung luna natin! Gosh! Faster! Hoy, Josh tawagin mo na ang iba!" Pagsisigaw nito.
Jusko taga guba ba 'to? Kung makasigaw akala mo laking gubat.
"Napaka naman!" Bulong ni Jera.
" Manahimik ka diyan baka marinig ka, tara balik sa puwesto" sita ni Abigail.
Kaya bumalik kami sa mga puwesto namin ako medyo matatapos na magkulay sa jail na to letse ba't ako na assign sa pagpintura dapat mga boys nagawa dito eh. Ang hirap naman nito.