KIM P.O.V
Makalipas ng isang oras na pagtatambay tumayo na kami para pumasok na sa room.
Nag bell na din kasi, pero warning pa lang kung baga .
Sa paglalakad namin masasalubong ko pa ang malas.
Ayaw ko sila pansinin baka dumagdag lang sa pagkakabadtrip ko pagmumukha nila.
Mag tu-tuloy na sana ako eh, kaso ang mga epal mga naman hinarang niya bigla ang katawan niya sa dadanan namin.
Talaga nga naman oh, oh.
Bakit dumagdag ka pa?
Ano ba na naman 'yan, ano kailangan ng mga 'to? Akala ko matatahimik na araw ko kasi 'di ko siya nakita simula no'ng huling sagutan namin dalawa.
Akala ko pa nga din hanggang do'n lang ang sagupaan namin magkamali lang pala ako at may paghihiganti pa ata ang mga 'to?
"Oh! Look? Talagang pinagtatagpo talaga tayo para magtuos, right? " pag aarteng saad niya.
Ano pa nga ba? Minamalas ata ako ngayong araw na 'to dahil sa mga 'to.
"Nako, Kim 'wag mo na patulan." bulong ni Julia.
Kung kaya ko mag timpi.
Pero pag 'di good luck sa kanila.
"Hey! Puwede? Kung bubulong ka, pakilakasan ahh?! " Sita ni Roselyn kay Julia. Habang taas kilay pa niyang sabi dito.
Tinaasan din siya ng kilay sabi niya sabi 'wag ko daw patulan? Bakit siya pa ang napatol. Baliww talaga
'To?
"'Wag kang mag alala 'di naman ikaw ang topic, tsk. " inis ni Julia.
Halata nga Juls. Sa inaakto mo pa lang.
"Oh, talaga ba?! " singit nung katabi niya 'yung may hairband.
Mga immature talaga.
Hindi talaga nawawala ang mga immature na tao.
Lalapit at laalapit talaga ang mga gantong tao sa'yo.
"You! Shut up! " Sigaw na sabi ni Jera sa babae.
Sila na ata nag-aaway e? At hindi na kami ni Roselyn.
Diko alam ba't sila nasali tinarayan lang siya
pero lumaki agad ang gulo, na 'di dapat kasali ay sumasali sa gulo, mga bida-bida.
" Let's go girls, 'wag sayangin ang oras para sa mga 'yan!" Ma awtirodad kong sabi, at aalis na sana ko, kaso hinawakan nung dalawang kasama niya ang braso ko ay pota.
Napapikit ako sa inis dahil sa pinapakita nila ngayon, nabubuhay ang inis ko at umaabot na hanggang ulo.
Naman sabi ko ayaw ko ng sayangin ang oras namin para sa kanila pero sa inaakto nila talagang nakaka buweset.
Napatingin pa ko sa mga kamay nila at tumingin kila Abigail.
Alam kong nag-aabang sila sa gagawin sa'kin.
Napansin ko ang mga student na nakaagaw ng attention namin mga chismosa tsk..
Binalik ko ang tingin ko sa mga humawak sa'kin.
At inis akong nagsalita.
"Ano ba? Bitiwan niyo nga ako! " Ma awtiridad kong sabi.
At nagpupumiglas sa mga peste na 'to.
Kuhang, kuha na nila ang inis ko ngayon.
"At babt namin gagawin ang gusto mo? " pagtatatray niyang tanong ng may hawak sa'kin.
Malamang alang mang si Julia may hawak sa'kin.
"Sanchi, 'wag mo 'yan bitawan! Kundi ikaw ang malalagot sa'kin. " pagbabanta pa ni Roselyn.
"Sabing bitawan niyo ako, ano ba? Diba kayo makaintindi ng Tagalog? Gusto niyo ipa-english ko pa sa inyo gano'n?! Let me go! F*cking sh*t!" Iniss kong sigaw sa kanila ang kaso lumapit lang si Roselyn sa harapan ko na nakangiting aso peste 'di na ako natutuwa .
Nag iinit na ang ulo ko sa mga pinaggagawa nila ngayon.
Sinasabi ko sa inyo may kalalagyan kayo? 'Wag niyo na palalaain pa ang init ng ulo ko.
"Haha, bakit are you scared Kim?! " pang-aasar pa ni Roselyn sa'kin.
Sarap niyang sampalin promise. Kahit tatlong beses lang sapat na sa'kin 'yon.
Masampal ko lang talaga siya.
"Iress, Sanchi, higpitan niyo lang ang pagkahawak!" utos niya sa mga nakawak sa'kin powta ang sakit na ng braso ko at nangangalay na din ako sa position ko.
"Ano ba?! Tigilan niyo nga si Kim. Sanchi, Iress!" sigaw ni Bliss sa dalawa.
Please 'wag na kayo makisali.
Ayaw ko sa lahat nadadamay mga kaibigan ko.
"'Wag kang makealam dito Bliss, baka gusto niyo madamay?" sabi naman ni Danica sa kanila.
"'Diko alam ba't ang tapang mo Kim? Ano bang kinakain mo at palaban ka? " Ngising asong tanong niya pa sakin akala ko naman sasagutin ko asa ka.
Ano bang pakealam niya pati pagiging palaban ko inaalam niya?
"Bakit ko sasabihin? Ano ba! Pakawalan niyo nga ako. Isa? Sinasabi ko sa inyong dalawa, hahagis kayo!" Pagbabanta ko habang nagpupumiglas medyo natakot naman sila sa sinabi ko.
Mga takot pala 'tong mga inutusan ni Roselyn.
"Takot naman sila sayo Kim? Hahahahha!" pang-aasar ni Julia.
Rinig kong sigaw ni Julia sa likoran ko.
"Sino ka para takutin ang mga kaibigan ko?!" Taas-kilay niyang sambit sakin.
At bigla akong sinampal.
Again 3 times na 'to powta! Ang sakit ah?!—
"Kim!" Sabay nilang sigaw nila Abigail.
Napatabingi talaga mukha ko, sa lakas ng impact ng pagkakasampal sa'kin.
At sino siya para sampalin ako ng walang dahilan ang kapal ng mukha nitong Roselyn na 'to?!
Napatingin ako kila Abigail.
Naiintindihan niya paki-usap ko, kaya lumapit na sila Julia at Abigail at hinila ang mga buhok nila Sanchi at Iress na nakahawak sakin kanina at ngayon nakawala na nga ako dahil sa tulong nila.
Thank you sa inyo.
At tinignan ko ang reaction ni Roselyn pagkagulat at inis na,
'di niya lubos inaakala na makakawala ako sa mga tuta niya.
Now its my turn b*tch.
"Hala! Omg, omg war na naman 'to mariefe?!"
"Nako, umalis na tayo at baka madamay pa tayo dito Ocfe."
"Go, go Roselyn!" Sigawan pa ng mga nasa paligid namin.
Ay pota! Ano may sine lang?
Talaga naman nag e-enjoy sa live show mga 'to?!
"Kim, Kim! Waohhh!" Mga deputang chismosa.
Buweset 'di 'to isang sabong ng manok kung mag pustahan kayo.
Mga b'wes*t
"Ahhh! Let go off me b*tch! " pag tili bigla ni Sanchi tumingin ako at nagsasabunutan na pala.
"Aray! Buhok ko?! Impakta ka Julia bitawan mo ko! " si Iress kasi nakapatong si Julia kay Iress si Jera naman at Jharlyn at sila Yssa umaawat .
Masyado na tuloy magulo.
"Paano ba 'yan Lyn nakawala ako?! " Pang-iinis na sabi ko at lumapit agad ako sa kaniya at sinampal siya ng kabilaan para dama niya ang pagkabagsik ng isang Kimberly Nicole Cardenas.
Lintek lang walang ganti. Alam mo ba 'yon?
Iba ata 'tong nakaharap mo? Kung inaakala mo na 'di kita papatulan in your dreams. Lumaki ako na kaya ko ang makipag sabayan sa rambulan.
"Ouchh! " mangiyak- ngiyak agad niya.
T*ng*na ayan pa lang nagagawa ko ngumagawa na agad. Paano pa kaya kung higit na diyan?
"Akala ko ba matapang ka ah? Kung iiyak ka din pala diyan wala din pala silbi ang pagiging demonyo mo!? Powta ang sakit ng sampal mo at 'yan ganti ko sayo impakta ka alam mo ba 'yon huh?! " Sigaw ko na may pag kakagigil ko.
Lalapit na sana siya sakin para gumanti kaso.
May humawak sa kamay niya, kaya nagulat siya at ako tumingin ako saglit sa likod ko buti naawat na din pero sino ang mga 'to?
Parehas may nakahawak sa mga kasama ko at kasama ni Roselyn.
Bumalik ako sa harapn ko.
Na may pagtataka sa mga nakahawak sa kanila.
What's going on?
Tekaa parang nakikilala ko 'to ah saan ko nga siya ulit nakita?
Ayaw ko isipin sasakit lang ulo ko.
Wala akong pakealam sa kanila. Alam kong mga feeling lang 'to.
"Ano sa tingin niyo at talagang dito pa sa daanan mismo kayo nag rarambulan? At ikaw Roselyn Gracia, tama ba? Kailan ka titigil sa mga inaapi mo sa campus na 'to?" Galit na sermon nung lalaki.
Sino ba 'to?
Napa-irap na lang si Roselyn at hinila ang kamay niyang nakahawak dito sa lalaki.
Umawat lang pala para makadaan sila?
Seriously?
Hanep ng mga kumag na 'to.
Kahit ako naiinis masyadong mahangin na akala mo kaniya ang daanan.
At maya-maya nakarinig ako ng sunod-sunod na ingay.
" Omg! Si Jiro umawat na!"
Oh ano naman kung umawat pakealam niyo?
Jiro? Ahh itong sa harapan ko. Ang panget.
"Wahh! Si Rome ko!"
"Ahh! Si Raven my loves ko! Best love!"
"Huhu, si Lander ko Chelciee sana mapansin ako"
Huh? Ano daw?
Ano 'to pinag-aagawan ba nila ang mga kumag na nandito.
Nasisiraan na ata sila ng bait.
Wake up girls 'di kayo niyan mga type.
Ano ba 'yan biglang nagsisigaw 'to dahil sa mga lalaking nakiki-awat lang naman.
Hanep mga sikat pa ata mga 'to?
Kanina nagpupustahan kayo dahil sa gulo namin ta's ngayon nagkakagulo kayo dahil naman sa kasikatan nila? Seryoso kayo girls?
"Ah, eh, hi. Jiro sorry kung nakaharang kami sa dadaanan mo, dont worry Jiro 'di na mauulit. " Malanding biglang sabi niya pa .
Bumait bigla ang demonyo. Epekto sa kaniya wow!
Nasusuka ako sa mga nakikita ko ngayon.
"Tsk, mabuti at nagkakaintindihan tayo. " Seryoso sabi ni Jiro daw .
Masunurin ka pala Roselyn? Bago ba 'yan?
Kakatawa naman mukha nito, mukhang iwan.
Tumingin naman siya sa'kin at nagulat ako ngumisi siya sakin napataas kilay ko.
Anong eksena 'yon?
Ang panget niya ngumisi. Nakakakilabot.
At tumalikod na sa'min ano trip ng isang 'yon?
Napatingin pa ko sa kanila ng naglakad na siya sumunod na ang iba sa kaniya.
Sila Julia naman 'di maintindihan ang mga mukha 'wag nilang sabihin type nila ang mga 'yon?
"Let's go mga bro malalate na tayo!" Sabi bigla ni Jiro at sumunod na nga sila at nahuli ng gilid ng Mata ko 'yung ngiti nung Rome kay Jharlyn at 'di napansin 'yon ni Jharlyn. Ang ngting 'yun Hindi mapagkakatiwalaan.
Lumapit na ko sa mga kaibigan ko at hinayaan ko na ang impakta.
"Ayos lang ba kayo? Tara na baka ma late na tayo nito." Pag-alala ko bago ko na sila yayain umalis.
Pasalamat ka, may dumating sayang din sana ang isa pang malutong na sampal na ibibigay ko sayo kung nagkataon na wala sila.
Kaya tumayo na agad sila.
"Salamat at natapos din natakot ako do'n," biglang wika ni Bliss na nag-alala sa'min.
Halata nga, at alam kong 'di niyo pa ako lubos na kilala kung ano ugali ko kapag galit.
"Ok lang ako. " I said.
"Salamat ok na ko kuntra kanina sakit ng kuko ni Sanchi peste! " pag kaka-inis ni Julia.
"Tsk ung Iress nga sakit sa tainga makatili ampota!" Inis naman ni Abigail.
Natawa na lang kami at 'di na namin pinag-usapan pa muli dahil nakarating na din kami sa room nauna sila Yssa pumasok .
Pumasok na din kami nagsilapitan ang mga classmates namin maraming katanungan.
Kalat agad, ang bilis ng mga bubuyog.
"Anong ang nangyari? " tanong ni Henecy Ann pagkakatanda ko.
"Ba't ka sinampal ulit nung Roselyn na 'yun grabe?! " Mary Andry.
"Mabuti dumating sila Jiro wahh! Kinikilig atho! " biglang tili naman ni Janinay.
"Wahhhhh, oo nga ta's si Rome wahhhh! Omo! " tili din Klea.
Hayssss diko sila pinapansin at sila Jera na lang nag kuwento medyo kaibigan na namin sila pero 'di ung lagi.
Nakakasama lang namin sila kapag ganto. At ang lagi din namin taga report kung may assignment ba ngayon or wala minsan kasi 'di ako nakikinig kaya lutang din ako.
Pagdating ng assignment lagi naman gano'n,
Maingay nga lang sila magkakaibigan din sila.
At fan ng mga sinasabi nilang groupo nung Jiro.
Nakuwento din nila, talagang sikat ang groupo na 'yon.
Kaya kahit papano nakilala namin sila na sikat .
Pero wala akong pakealam sa groupo nila.
Napapaisip ako kung ba't gano'n sa'kin si Roselyn Garcia.
Ang init ng dugo lagi sa'kin, 'wag siyang mag-alala gano'n din ako sa kaniya.
Ano ba talaga problemang ng babaeng 'yon at galit na galit pag dating sa'kin wala naman ako ginawang Mali. Lakas ng trip.
Baka naman naapakan ko pagkakamaldita no'n kaya gano'n na lang kung maiinis sakin kapag nagkikita kami.
Baka nga?! Mali din siya ng kinalaban no, ako pa ba?
Grabe sakit ng pisngi ko sa pagsampal sakin kanina.
Umiinit talaga ulo ko sa babaeng 'yon kakainis.
Naging ok naman na ang buong classes namin.
Natapos ang discuss ng walang kahirap-hirap kasi walang quiz.
At laking tuwa naming lahat 'yon.