Hindi tumigil ang kabog ng puso ko habang nag lalakad. Bukod sa nangyari kanina na dahilan kung bakit ito nag simula ay kinakabahan din ako dahil hindi ko alam kung paano bumalik sa hotel. Walang direksyon na lakad at basta na lang ako nag lakad para makalayo sa kanya.
Nakakainis siya! Ibibigay ko lang 'yung first kiss ko sa magiging asawa ko—sa taong mamahalin ko! Bakit ba kasi lumingon pa siya sa akin, nag tama tuloy 'yung mga labi namin. At isa pa, sa anak pa talaga ng boss ko iyon napunta? Ayaw na ayaw pa naman ni ma'am na nilalandi 'yong anak niyang malandi din tapos nahalikan pa ako!
"Yvonne!" napalingon ako nang may taong tumawag sa pangalan ko, alam ko na kaagad na si Sir na 'yon.
Tumigil ako sa pag lalakad para hintayin siya. Hindi ko din naman alam kung paano makakauwi sa hotel at isa pa, baka mawala ako dito at 'di pa mahanap. Nakasimangot akong hinarap siya, hiningal-hingal pa siya dahil sa pag takbo! Deserve.
"I'm sorry hindi ko naman alam," nahihirapan niya pang sabi.
Hindi alam na alin? Alam ko namang aksidente iyon, oo nga walang may gusto na mangyari 'yon! Pero kasalanan niya pa rin, kung hindi siya usog nang usog hindi na sana nangyari 'yon!
"Ikaw kasi para kang bata! Kung tinanggap mo na lang sana 'yon hindi sana nangyari 'yon!"
Humawak siya sa kanyang dibdib, hinahabol pa rin niya ang kanyang hininga. "Nag-aaway ba tayo?" tanong niya.
Napakurap ako, anong nag-aaway ang sinasabi niya? "Hindi kita inaaway, sinasabihan lang kita, Khien! Pwede ba umuwi na lang tayo?"
Natawa naman siya at lumapit sa akin. "I'm really sorry, Yvonne. Kung... first kiss mo 'yon..."
"Tumigil ka na! Gusto ko nang mag pahinga, tara na!" sabi ko bago tinalikuran siya at mabilis na nag lakad.
"Where are you going?" natatawang sabi niya sa akin kaya napatigil ako. "Dito tayo," turo niya sa likuran niya kaya napatingin din ako doon. Ngumuso ako at nag lakad, hindi ko na siya nilingon pa lalo na't narinig ko siyang tumawa!
Akala niya nakakatuwa.
Nang makarating ako sa hotel ay kaagad akong humiga sa kama, hindi ko na din siya pinansin nang makarating kami dahil naiinis pa rin ako kapag nakikita ko siya dahil naaalala ko 'yong nangyari kanina!
Hindi man lang ako na informed na dito pa pala mawawala 'yung first kiss ko, ha.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Napapikit ako nang makita kong pulang pula pala ako! Napahawak ako sa aking dibdib, hindi man lang talaga sila tumigil na tumibok?! Teka, bakit ba ako kinakabahan e wala na naman ako sa tabi niya.
"Nakakainis ka, Sir!" tumili ako at sinisipa ang paa sa ere. Kasalanan niya talaga 'to eh! Ano na lang kayang mangyayari sa akin kapag nakita ni ma'am na aksidente kaming nagkahalikan!
Nag hilamos ako at nag suot ng komportableng damit. Siguro uuwi na lang talaga ako bukas? Kaya ko naman siguro umuwing mag-isa 'diba? Kakausapin ko na lang si Sir para makakauwi na ako bukas, bahala na siya kung maiiwan siya dito mag-isa!
Hindi ako napakali dahil pagkatapos kong mag bihis ay pa balik-balik na akong nag lalakad. Bakit ba ang gulo-gulo ng utak ko ngayon! Mabuti na lang at tumigil na ang malakas na t***k ng aking puso ngayon.
"Hala!" napalingon ako sa pintuan nang makarinig ako ng katok! Nag simula na namang bumilis ang t***k ng puso ko dahil doon.
Kinalma ko ang sarili bago ko binuksan ang pintuan. "Si—Khien," bungad ko sa kanya nang makita kong siya pala 'yung kumatok. Shempre sino pa ba ang pwedeng kumatok dito kundi siya lang naman!
Kakatapos lang niya mag shower dahil basa pa iyong buhok niya, amoy na amoy ko rin 'yung shampoo. Ang bango niya, ha!
"Are you busy?" sumilip pa siya sa loob para ma sigurado kung mayroon ba akong ginagawa. "Bumili ako ng pizza gusto mo?"
Bumaba ang tingin ko sa kamay niya, bumili nga siya—dito ba siya kakain, bakit niya naman 'yan dinala dito?
"Kumain na ako. Sa'yo na lang 'yan." sagot ko sa kanya.
"Pero gusto mo? Iiwan ko na lang 'to sa'yo, may isa pa naman ako doon para sa akin," aniya at inabot sa akin ang isang box ng pizza.
Bumili talaga siya ng isang box para sa akin? Napangiti naman ako at dahan-dahan na inabot 'yun.
"Goodnight. See you tomorrow," iyon ang huling sinabi niya bago ako iniwan doon.
Tiningnan ko ang isang box ng pizza na kama ko. Paano ko ba 'to mauubos, hindi naman siguro required na ubusin ko 'to lahat 'diba?
Actually may food na naman ako na in-order ko kanina bago ako nag-ayos. Sinabi ko lang sa kanya na kumain na ako dahil baka pumasok pa siya sa kwarto ko. Ugh... nakakainis! Bakit ko ba kasi iniisip na papasok siya dito sa kwarto ko!
Tinitigan ko ang box ng pizza, hindi ko alam kung kakainin ko ba ito o iiwan na lang sa gilid at bukas ko na lang bubuksan. Nakakahiya naman kay Sir Khien, ako dapat 'yung gumawa nito—ang mag hatid ng pagkain eh dahil ako naman 'yung sekretarya niya dito! Bumaliktad na tuloy dahil sa aksidenteng nangyari kanina...
"Morning," napakurap ako nang mapagtanto kong andito pala si Sir sa harapan ko! May kumatok kasi kanina kaya nagmamadali akong tumayo kahit hindi ko pa naman gusto na magising. Ang sarap kaya nag tulog ko kagabi 'no, nanaginip pa ako na nasa isang Isla daw ako kasama ang magiging asawa ko tapos gigisingin lang ako nitong lalaking 'to!
Kinusot ko ang aking mga mata at bahagyang ngumiti sa kaniya. "Good morning, Sir—este Khien pala!"
"Late ka nakatulog?" kumunot ang noo niya habang madiin na nakatingin sa mukha ko! "Or hindi ka natulog?"
"Ha-ha? Ang sarap nga ng tulog ko kagabi tapos sasabihin mong late ako natulog?" napahawak ako sa aking mukha.
Ngumiwi siya kasabay ang pag-iling. "Nevermind, let's eat breakfast together after you fix your messy hair." iyon ang huling sinabi niya at iniwan akong nakatulala doon.
Bago ako bumaba ay inayos ko muna iyong buhok kong sinasabi niyang magulo! Ano bang pakialam niya sa buhok ko kung magulo?
Naligo ako at nag ayos kaunti, baka kasi yayain niya akong lumabas dahil plano naman talaga namin na mamasyal ngayon. Pero dahil sa nangyari kahapon mukhang naiilang na din akong kausapin siya ngayon o kaya naman sumama sa kaniya.
Binuksan ko ang pintuan at sumilip, baka kasi nasa labas siya hinihintay ako—ano ba 'yan, Yvonne!
Sumimangot ako at bumalik na lang sa loob para maupo at hintayin siya. Mabuti nga lang at hindi nag tagal at dumating na siya. Kanina pa humihingi ng pagkain 'yung mga bulate sa tiyan ko—nako, Sir!
Buti na lang at hindi nag tagal ay kumatok din siya kaya naman nakakain na rin ako sa wakas!
"Thank you po, Sir, may kailangan pa po ba kayo dahil kung wala po babalik na po ako." sabi ko nang matapos kumain.
Ayoko kaya mag tagal sa iisang lugar na kasama siya 'no! Teka nga... bakit ba ako umiwas sa kanya—Hindi ka naman umiiwas Yvonne, may kailangan ka lang gawin sa itaas kaya...
Ano ba 'yan.
Nasisiraan na siguro ako ng bait dito eh.
Tumigil siya sa pag punas ng labi niya. Medyo kunot noo niya akong tinitigan at binaba ang tissue na hawak niya.
"May pupuntahan tayo," sagot niya at tumayo.
Okay po...Sir?
Kinuha ko lang 'yung bag ko sa itaas at dumeresto na kaagad kami sa pupuntahan daw namin. Saan kaya niya ako dadalhin nito. Hindi man lang ako masyadong naka ayos dahil sa mabilisan niyang plano.
"Wow..." bulong ko sa aking sarili nang makapasok kami sa loob ng Museom. Ang ganda naman dito. Napatingin ako kay Sir na busy sa pag kuha ng litrato sa paligid.
Napatingin ako sa malaking painting na naka lagay sa gitna. Hindi ko alam kung anong meaning nito pero maganda siya, ah. "Ang ganda ng pagkagawa," bulong ko sa aking sarili habang pinag masdan iyon kasama ang mga taong hindi ko kakilala.
"Yes, it's beautiful." napalingon ako sa taong nasa gilid ko na naka tingin sa akin. Tapos na ba siya sa ginagawa niya? Ano bang ginagawa namin dito, oo maganda siya. Pero kasi mas gusto ko na lang matulog kaysa kasama 'tong lalaking nasa gilid ko!
Napatingin ako sa hawak niyang camera. Mukhang maganda 'to kapag nagpa picture ako sa kanya dito. Papayag kaya siya na kunan ako?
"Tapos na po ba kayo, Sir? Ang ganda po ng camera niyo pwede bang kunan niyo ako dito?" tinuro ko ang malaking painting.
Namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin at bahagyang natawa sabay tingin sa tinuro kong painting.
"Sure." iyon lang ang sagot niya at sabay na tinapat sa akin ang camera. "1, 2, 3... Isa pa,"
Ilang click pa iyong nagawa niya kaya naman pinatigil ko na. May cellphone naman ako pero mas maganda 'yung quality camera ni Sir. Iyong camera ni Sir mukhang mamahalin—sigurado ako maganda ang kuha nun!
Hindi pa kami lumabas dahil dinala niya ako sa dulo ng museum at kumukuha pa siya doon ng mga litrato.
Parte ba 'to sa trabaho niya?
Bahala na nga siya.
"Yvonne." tawag niya nang makalabas kami.
Nauna akong nag lakad sa kanya kaya tumalikod ako para maharap siya. "Sir? May problema po ba?" tanong ko.
"Are you tired?" seryoso niyang tanong. "Pwede bang kumain muna tayo? I'm hungry,"
"Hindi naman po, Sir sanay naman po ako mag lakad—hindi naman malayo 'yung nilakad natin," tumawa ako.
"Okay. Let's go?" bahagyang tumaas ang kilay niya, nag hihintay ng sagot ko. Tumingin ako sa mata niyang natamaan ng araw, bakit parang nag iba 'yung itsura niya ngayon kompara kanina?
Parang...
"Look, ang ganda ng kulay 'no?" pag tanong niya sa akin. Unang beses kong maka punta sa ganitong lugar tapos 'yung anak ng boss ko pa 'yung kasama ko.
Water light show.
Iyon pala ang pangalan nun. First time kong maka punta sa water light show. Pagkatapos kasi naming kumain kanina ay sinama niya ako para bumili daw ng pasalubong sa Mommy niya. Tinanong niya pa ako kung anong gusto ko pero tumanggi ako dahil nakakahiya naman at tsaka ang mahal din ng mga 'yon baka hindi ko mabayaran. Nag tagal kami doon ng isang oras sa pag pili niya ng pasalubong sa Mommy niya ngunit hindi siya naka pili dahil baka hindi daw magustuhan ni ma'am kaya naman napunta kami dito ngayon.
"Aray!" napaatras ako nang may bumangga sa aking balikat. Sobrang dami ba naman kasing tao! Nagulat na lang ako nang hinawakan ni Sir ang kamay ko at dinala ako palabas sa maraming tao.
"Are you okay, Yvonne? What do you want? Babalik na ba tayo?"
Napatingin ako sa kamay niyang naka hawak sa palapulsuhan ko. Masama yata 'yung pakiramdam ko. Hindi naman ako nahihilo pero bakit may iba akong nararamdaman.
"Yvonne?"
Napaangat ako ng tingin nang tinawag niya ang pangalan ko. "Si-sir?" naguguluhan kong tanong.
Halos lumabas ang puso ko nang hinawakan niya ang aking pisngi gamit ang mainit niyang mga kamay. "You're thinking too much, Yvonne, ano ba 'yun? Are you okay?"
"Sir? Ha-ha? Ayos naman po ako Sir ano ba kayo. Medyo masama lang po 'yung pakiramdam ko pero ayos lang po ako sir," sabi ko at inalis ang kamay niya dahil hindi ako komportable.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa likuran niya. "Mom would probably get mad at me kapag nalaman niyang pinagod kita dito sa Singapore." sabi niya na hindi naka tingin sa akin.
"Po?" Bakit naman magagalit si ma'am? Sekretarya niya ako kaya dapat lang sumunod ako sa kanya kahit gaano pa kahirap 'yung trabaho na pinapagawa niya.
"Let go back to our hotel and rest." tumingin siya sa akin. "You sure you're okay?"
"Nako, Sir 'wag na po. Ayos lang naman po ako—sasamahan ko lang po kayo dito,"
"Sir again?" kunot noo niyang tanong.
"Khien pala,"
"Very good. Now, let's go back to our hotel and rest, 'kay?"
Tumango ako bilang sagot sa kanya bago ako sumunod para bumalik na sa hotel.
Bakit parang nag iba bigla ang paligid ko? Hindi ko talaga maintidihan kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin matanggal 'yung bilis ng tíbok ng dibdib ko kahit wala naman akong kinakatakutan.