CHAPTER 6

2333 Words
Tahimik kaming nakarating sa bahay nila. Naunang bumaba si Manong para buksan sila ng pintuan pero mas nauna nang buksan ni Sir para makalabas sila kaya hindi na lang tumuloy si Manong. Bumaba ako at tumingin sa labas. Lumiwanag ang mga mata ko nang makita ang malaking bahay! Puno ng mga ilaw ang paligid. Isang mansyon kung saan nakatira ang prinsipe. Napangiti ako at nag lakad para sumunod sa kanila. Bakit nga ba ako andito, ano bang gagawin ko dito. Napangiti ako nang pati ako ay binati ng iilang kasambahay. Sa sobrang laki ng bahay hindi ko na makikita ang iba pang mga nakatira. Sa bahay, kahit nasa pintuan pa lang ako kitang kita ko na kung sinong mga nasa loob nito dahil maliit lamang ito. Kaunti lang din naman kami sa bahay, may dalawa akong kapatid at si Mama at Papa! Gustong-gusto ko talaga na magkaroon ng malaking bahay kahit hindi ganito kalaki. Gusto kong tatanda sila Mama at Papa na nasa komportableng bahay at wala na silang aalahin pang ibang mga bagay. "Feel at home, Yvonne huwag kang mahiya. Asher, puntahan mo muna ang Daddy mo at papuntahin mo dito." "Uhm.. ma'am bakit po ako nandito?" nahihiya kong tanong sa kanya. Napalingon naman si Asher sa akin at nag angat ng kilay bago umalis. 'Yung kilay niya talaga! Natawa si ma'am at hinaplos ang braso ko. "I invited you for dinner. May gusto akong ipapagawa sa'yo kung papayag ka pero kung hindi naman, hindi kita pinipilit." Kinagat ko ang aking labi habang nakikinig sa kanya. Ano ba itong ipapagawa niya at bakit parang mukhang nakakatakot. Magsasalita pa sana ako pero dumating na si Sir kasama si Mr. Gomez na nasa isang wheelchair. "Yvonne, mamaya na natin pag usapan 'yon." Nilingon ko sila na papalapit na sa amin. Matanda na si Mr. Gomez kumpara kay Ma'am. Siguro dahil nagkasakit siya? Si ma'am kasi parang nasa fourty pa samantalang si Mr. Gomez naman mukhang nasa sixty plus na. "Jaime!" nag lakad siya para lumapit sa asawa at hinalikan niya ito sa pisngi. Tumingin lang ang lalaki sa kanya at mukhang nahihirapan. Hindi ko alam na kahit ang yaman nila ay nagkakasakit pa. Ako kasi mas lumala pa 'yung sakit kapag walang pera para pumunta sa hospital. Pero sila kahit marami naman silang pera, mukhang hindi nila naagapan ang sakit nito. Sa bagay, baka karma na rin dahil masasama 'yung ugali nila. Mukhang mas malala pa yata 'yung tinatagong ugali ng tatay sa anak e. Kung ang anak magbabayad ng pera para lang hindi ma istorbo, itong tatay naman mukhang mag babayad para may ipapatay. Hoy, dios ko andami ko nang kasalan sa kanila. Wala pa naman silang ginawa sa akin pero sa tingin ko magsisimula na ito ngayon. May ipapagawa daw si Ma'am sa akin? Nakakatakot 'to 'no, mas nanganganib pa 'yung buhay ko dito! "What's with that face?" napakurap ako nang marinig ko si Sir na nagsalita. Hindi ko napansin na andito na pala siya harapan ko, ha. Natawa ako at tumingin sa kanya. Kunot ang noo niyang tiningnan ako. Huwag mo akong titingnan ng ganyan, ha. May kasalanan ka pa sa akin, pero sige na nga, kakalimutan ko na lang 'yon dahil nakatulong naman 'yung pera sa akin. "Ah! Wala po, Sir natutuwa lang po ako sa mga magulang niyo. May edad na po sila pero ang sweet pa din po nila sa isa't isa." Liningon niya naman ang mga magulang niya at binalik ulit sa akin na nakangisi na. "Yeah... They love each other that's why, I guess?" Nagkibit balikat siya. "Sa bagay, kung ako din naman siguro kapag nag mahal ako kahit matanda na kami sweet pa din po siguro." Tumango siya bilang pag sang-ayon. Nag lakad si Ma'am habang tulak-tulak niya si Sir papunta sa amin. "Yvonne, asawa ko si Jaime. Jaime si Yvonne, hindi pa siya nakapag salita dahil nahihirapan siya. Jaime, you know what, I really, really like Yvonne as my secretary—parang siya lang 'yung naging secretary ko na magaan 'yung loob ko sa kanya. Sa dinami-dami kong tinanggal dahil sa mga inasta nila sa harap ni Asher—si Yvonne lang talaga ang iba sa kanilang lahat." "Nako, ma'am grabe naman po kayo. Ginagawa ko lang po ng maayos 'yung trabaho ko. At tsaka..." tumingin ako kay Sir. "...hindi naman po ako intresado kay Sir." "So, what if interested ka?" nag angat ng kilay si Sir. "Kakasabi ko lang nga na hindi ako intresado sa'yo." iritado kong sabi sa kanya. At binalik kay ma'am na nakangiti dahil parang mali 'yong naging sagot ko kay Sir. "Hindi naman po ako ganun, ma'am." umiling ako. "I know, Yvonne. So tara na para kumain at pag-usapan ang gusto kong ipapagawa sa'yo." Hindi na ako sumagot at sumunod na lamang sa kanila. Ang plastik talaga ng mga mayayaman! Hindi ko alam kung ilang mukha ang meron sila. Kaya siguro naging mabait 'to sa akin dahil may kailangan! Hmm, tingnan natin. Pinapakain ng isa sa mga kasambahay si Mr. Gomez. Pinagmasdan ko sila habang nilalagyan ng pagkain ang aking plato. Nasa harap ko si Sir Asher habang si Ma'am naman nasa dulo ng lamesa at nasa tabi naman ni Sir Asher si Mr. Gomez. "Enjoy the food, Yvonne huwag kang mahiya." Ngumiti ako sa kanya. "Thank you po." sabi ko at binalik ulit ang atensyon sa pagkain. "So, you're a fresh graduate bago ka na apply bilang secretary?" tanong ni Sir Asher sa akin. "Yes, Sir pero hindi po ito ang unang trabaho ko. Ako po ang nagpapaaral sa sarili ko, kahit anong trabaho po ang pinasok ko habang nag-aaral. Ayoko po kasing magka problema pa sila Mama at Papa sa akin lalo na at may mga kapatid pa ako." Proud kong sabi sa kanila. Napatango naman si Ma'am sa akin kaya ngumiti ako at nag patuloy. "Nagtatrabaho po ako sa umaga tapos pumapasok ako sa gabi. Kaya po nung natapos akong mag aral nag hanap kaagad ako ng trabaho at buti na lang may available po sa kompanya niyo! Mahirap po kasi mag hanap ng trabaho sa probinsya 'tsaka maliit lang po 'yung sahod doon." Seryoso akong tinitigan ni Sir Asher at pasulyap sulyap naman si Ma'am habang nag sasalita ako. "Kaya pala iba ka sa ibang sekretarya ko, Yvonne. Mahusay ka sa trabaho, kaya sana pumayag ka na hingin namin 'yung tulong mo sa amin. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, noong nakilala kita sobrang gaan talaga ng loob ko sa'yo." Sobra-sobra na siya sa papuri sa akin, ha, para lang mapapayag ako! Iba talaga ang utak ng mga mayayaman 'no. "Shempre po, Ma'am hindi ko po kayang tanggihan kayo." "It's good to hear that, Yvonne. Hindi lang din 'to para sa amin ngunit pati na rin sa kompanya. Don't worry babayaran ka namin ng maayos kapag nagawa mo ang trabaho." Hindi na napigilan ng puso ko ang pag kabog nito. Ano bang ipapagawa niya at bakit parang nakakatok. Kinuha ko ang juice para uminom dahil mukhang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. "Nako kahit hindi na po Ma'am, ayos na po ako sa akin ang sahod ko bilang sekretarya niyo po." Kapag madali lang ayos lang sa akin pero kapag sa tingin kong delikado—nako hindi ko talaga tatanggapin! Hahanap na lang ako ng ibang trabaho! Tiningnan ako ni ma'am at lumaki ang ngiti niya sa akin. "No, Yvonne bibigyan ka namin ng sahod. Bukod sa pagiging sekretarya mo ay tatanggap ka din ng pera sa paghahanap mo kay Imogen!" Imogen? Sino si Imogen at bakit ko siya kailangan hanapin? At paano ko naman siya hahanapin? Tiningnan ko ang mga mukha nila. Parang hindi naman nila 'to kamag-anak 'diba? Ang sabi sa akin si Sir Asher lang daw ang anak ni Ma'am at wala nang iba pa. Kaya imposible naman kung anak nila 'to 'diba. Baka may kasalanan 'to sa kanila o ano? "Imogen?" tanong ko at tiningnan si Sir Asher. Nag iwas siya sa akin ng tingin, mukhang iritado nang marinig ang pangalan. Hindi ako sigurado kung 'yun nga ba ang nakikita ko, o baka ayaw niya lang na marinig 'yung pangalan. Hindi niya 'to kapatid, baka girlfriend, o asawa. Uminom si Ma'am ng tubig at kinuha ang brown envelope na binigay na kanya ng isang kasambahay. Binuksan niya iyon at kuryuso naman akong nakatingin doon. "She's supposed to be Asher's fiancee, Imogen Ramos." Lumaki ang mata ko na tumingin kay Sir Asher. Supposed to be fiancee? So bakit hinahanap ngayon kung—oh, my god confirmed! Masama talaga ang ugali nitong lalaking 'to kaya tumakbo 'yung magiging fiancee! Nag iwas ako ng tingin nang masama niya akong tiningnan. Akala niya ata jinu-judge ko siya eh! "Ah, ganun po ba. Bakit ko po siya hahanapin, nawala po ba?" Malamang nawala kaya nga hahanapin mo 'diba? Inabot ko ang binigay niyang envelope sa akin at tiningnan ang laman nun. Name: Dana Imogen C. Ramos Age: 22 Height: 5'8 Grabe sobrang bongga naman ng paaralan nitong babaeng 'to. Isa sa mga sikat na paaralan siya nag aral. "She has been hiding for almost three months, Yvonne at hindi pa rin namin siya mahanap hanggang ngayon." Napatango ako at tiningnan ang isa pang page. "Bakit po siya nag tago," wala sa sarili na tanong ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang mukha ng babae. Parang pamilyar siya? Pero imposible naman kung siya 'yun e. Bakit ba kasi ang kapal ng make-up ng babaeng 'to! "Hindi siya pumayag para sa fixed marriage nung nakilala niya 'yung lalaki niya kaya lumayas siya. Look, Yvonne, alam ko 'yung iniisip mo pero hindi kami ganun. Hindi namin siya pinipilit na makasal kay Asher, it was planned already between our family and her family. Nag tago siya dahil may boyfriend siya na binibilog ang kanyang utak kaya gusto ng pamilya niya na mahanap kaagad siya. Pumayag na siya noon pa na mag pakasal para sa kompanya ngunit nag bago dahil nakilala niya ang kanyang boyfriend." Totoo kaya 'yung mga sinasabi niya? Pero bakit naman siya mag tatago kung pumayag na siya noon pa—at binibilog ang utak? Sino naman 'yung lalaking bumibilog sa utak ni Imogen! Alam kong common na sa mayayaman ang mga ganitong bagay—ang pagpapakasal pero sana naman hindi nila pinipilit 'yung tao kung ayaw niya. Malay mo, baka sobrang mahal ni Imogen 'yung lalaki at ganun din ang lalaki sa kanya, tapos kapag sa pamilya niya pinipilit siya na mag pakasal para lang sa kompanya? "Hindi po Ma'am. Naintindihan ko po kayo pero... wala na po bang ibang picture? Sobrang kapal po ng make-up niya dito—" "Hindi din kami makahanap ng barefaced photo niya dahil binura niya lahat ng kanyang pictures sa social media." sabi ni Sir Asher. "Hindi din siya mahilig mag punta sa gathering sa pamilya dahil palagi siyang nasa kwarto. Noong nag-aaral siya kaunti lang iyong kaibigan niya at kahit isa sa kanila hindi kami binigyan ng litrato." Wala ba talaga kahit isang picture lang nila? Impossible na 'yan, ha. Napatango ako at binaba 'yung envelope. "Titingnan ko po, ma'am 'yung magagawa ko pero hindi ko po maipapangako na mahahanap siya." Ano bang kurso ko, pulis? Hindi ko nga alam kung paano ko 'yan makikilala, e. Andami ko nang problema tapos dumagdag pa ito! "Oh, don't worry, Yvonne. Gusto lang talaga namin na marami ang gumagawa sa pag hahanap sa kanya. Kung pwede nga lang sana, e, lahat ng empleyado sa kompanya magpapatulong ako pero hindi ako sigurado kung sino bang mapagkatiwalaan ko." "Hindi po ako sure kung mahahanap ko talaga 'to, ma'am dahil kahit sa picture po hindi ko makilala 'yung totoong mukha niya," "Ayos lang, Yvonne. Baka kasi makikita mo siya sa daan kung saan ka man mag punta sabihin mo lang sa amin. So, tutulungan mo ba kami, Yvonne?" Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi naman ako ma pe-presure dahil hindi ko naman kailangan na hanapin talaga siya. Kumbaga kung makikita ko siya daan 'yun na—bahala sila basta hindi ako nanghinihingi ng pera para hindi ako ma pressure. "Opo, ma'am pero hindi po ako manghihingi ng pera, ayos na po sa akin ang makatulong sa inyo." "Then that's good to hear, Miss Torculas. Sana we also keep this confidential just like your name. Will you do that?" napalingon ako kay Sir Asher at dahan-dahan na tumango. "Yes, Sir." Deserve mo maiwan dahil masama talaga 'yung ugali mo. Ngayon alam ko na kung bakit ayaw niyang mag pakasal sa'yo e. Hindi niya talaga deserve 'tong lalaking 'to. Ito siguro 'yung pinag usapan nila kanina sa opisina ni Ma'am. Si Imogen pala 'yung hinahanap at kapag nahanap na mag papakasal sila para maupo siya sa gusto niyang posisyon? Pinipilit ba nilang mag pakasal para lang sa posisyon na gusto nila? Tiningnan ko ang babaeng nag sasampay. Nakasuot siya ng puting damit at itim na shorts, basang basa ang kanyang damit na halos makikita na ang kanyang kaluluwa! Bakit ba siya basang-basa. Hindi ba siya marunong mag laba? O baka nag half bath siya bago nag laba at 'di pa nag bihis. Napalingon siya sa akin nang mapansin niya ako at napangiti siya. "Good morning, Yvonne! Wala kang trabaho ngayon 'no kaya matagal kang gumising?" "Nahulaan mo." tumawa ako. "Day off ko ngayon e, ikaw may lakad ka ba ngayon?" Umiling siya at kinuha ang wala nang laman na palangana. "Wala din, dito lang ako medyo tirik ang araw eh." sagot niya. "Sa bagay. Gusto mo ba mag almusal?" Umiling siya nang makalapit na at naupo sa maliit na upuan habang inaayos ang kanyang buhok. "Tapos na ako kanila lang. May nag hatid sa akin ng pagkain, e. Sayang ubos na—ang tagal mo kasing gumising ayan tuloy inubos na ng ibang kapitbahay natin!" Napatawa ako sa sagot ni Juliet—Juliet nga ba? Habang tinitingnan ko ang pag-aayos niya ng buhok hindi ko talaga mapigilan na maalala ang mukha ng babae sa loob ng envelope na binigay sa akin ni Ma'am.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD