CHAPTER 3

2121 Words
"Yes, Ma natanggap na po ako!" masaya kong salubong kay Mama. Nang makarating ako sa bahay ay tinanong niya ako kung bakit ako bumalik. Ang sabi ko kasi sa kanya na babalik ako dito kapag natanggap ako sa trabaho para kunin 'yung mga gamit ko. "Nako, Anak may maganda ka nang trabaho!" niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. "Mag-iingat ka doon anak ha? Wala kami dun para sa'yo—basta tumawag ka lang kapag may kailangan ka sa amin," "Si Mama naman, shempre naman po tatawag ako palagi. At tsaka 'wag po kayong mag-alala dahil dadalaw po ako dito kapag walang trabaho." Sumulyap ako maliit naming bahay. Twenty one years din ako tumira dyan at hindi ko naisip na iiwanan ko muna ito ng matagal na taon. Kapag naka balik ako dito—malaki na 'yan pangako, dahil mag-iipon ako para sa bago naming bahay. "Good morning po, Kuya!" bati ko sa guard nang makarating ako sa kompanya ng mga Gomez. Grabe, sobrang laki talaga nitong building. Walang ganito sa probinsya namin e, dito lang. Naka bihis ako ng pang office, ito 'yung mga binili ko sa mga perang binigay sa akin—kahit papaano ay naka tulong din 'yon sa akin na maka survive ako buong linggo at sa mga susunod pa na araw. "Good morning po, Ma'am! Ang ganda niyo po ngayon," "Grabe ka naman, Kuya, ngayon lang po ba ako maganda? Araw-araw kaya akong maganda kayo naman!" biro ko sa kanya at tumawa ako. Napatingin ako sa bagong sapatos ko. Ilang taon na din akong walang bagong sapatos, 'yung huling bili ko ay noong 3rd year college pa ako—'di ko na din maalala kung 3rd year ba ako nun. Basta medyo matagal na talaga iyong luma kong sapatos. Medyo kinakabahan ako dahil unang beses ko ding ma meet 'yung boss ko—shempre may takot pa rin ako 'no! Matanda na kasi daw—'yun ang sabi-sabi at masama ang ugali! Bahala na basta may trabaho ako at maayos naman 'yung magiging sahod ko kaya keri lang! "15th floor ka! Kumatok ka muna bago pumasok, ha?" "Yes po, Ma'am! Thank you po!" Naglakad ako papunta sa elevator. Abot langit na 'yong kaba ko nang tumunog ito at hudyat na nasa tamang palapag na ako. Huminga ako ng malalim at lumabas para hanapin ang opisina ng magiging boss ko! "Kaya ko 'to." paalala ko sa aking sarili habang naka pikit. Tahimik 'yung buong hallway at mukhang walang ibang pumupunta dito kung walang kailangan. Siguro ako ang palaging pumupunta dito dahil dito nagtatrabaho ang boss ko. Dahan-dahan kong kinatok ang salamin na pintuan. Tahimik ang buong lugar at hindi ko alam kong maririnig niya ba ako. "Pasok ka!" sigaw ng babae, mukhang may edad na din dahil sa tono ng boses. Kaya siguro sinasabi nilang masama ang ugali nito dahil may edad na. Binuksan ko ang pintuan at sumilip. Ngumiti ako nang matanaw ko ang may edad na babaeng nakaupo sa isang swivel chair. "Good morning po!" bati ko at dahan-dahan na nag lakad palapit sa kanya. Umangat ang kilay niya at sinuri ako mula ulo hanggang paa. "Good morning? Ikaw ba si Yvonne?" Kilala niya na pala ako. Tumango ako at ngumiti nang maka lapit na ako sa harap ng lamesa niya. Tumayo siya at may kinuha sa lamesa, mga papel yata na ipapagawa sa akin? First day ko pa lang may trabaho na agad grabe! "Okay, since ikaw ang magiging bago kong sekretarya since nag resigned na ang dati kaya ikaw ang papalit. May boyfriend ka ba?" Lumaki ang mata ko sa tanong niya. Bakit naman kailangan niya pang itanong sa akin 'yan. "P-po? Nako wala po akong boyfriend, bawal po ba magka-boyfriend kapag nasa trabaho?" tanong ko sa kanya dahil hindi naman 'yon sinabi sa akin. Kumunot ang noo niya mukhang naiirita sa tanong ko. Mali! Mukhang mali yata na nag tanong pa ako. Itatanong ko na lang mamaya sa mga empleyado dito kung hindi pwede—wala din naman akong plano! "Ay nako pasensya na po! Ibig kong sabihin wala po akong boyfriend, Ma'am dahil hindi po ako intresado sa mga ganun. Wala pa po sa isip ko 'yon," Hilaw akong ngumiti sa kanya, nakakahiya naman 'yung mga sinasabi ko sa unang araw ng trabaho ko—baka ma tanggal kaagad ako hindi pa ako na simula. Tumayo siya mula sa pagkaupo at tiningnan ako sa mata. Pinag krus niya ang kanyang braso. "Kung ganun nag kaintindihan tayo. May anak akong lalaki kaya naniniguro lang ako dahil mahirap na baka..." nag angat siya ng kilay. "...Baka, alam mo na, lahat kasi ng naging sekretarya ko inaakit 'yung anak ko." Natawa ako at umiling. Hindi naman po 'yun ang pinunta ko dito. Gusto ko lang makahanap ng trabaho at wala akong planong magka boyfriend at sa tingin niya ba papatol ako sa anak niyang masama ang ugali gaya niya? Sigurado ako masama din ang ugali nun dahil masama ang ugali nitong Nanay niya! "Nako, Ma'am hindi naman po ako ganun. Gusto ko lang talaga ng trabaho at hindi po ako intresado na magkaroon ng boyfriend lalo na po sa anak niyo," idinaan ko 'yon sa tawa at tumango naman siya. "Mabuti! Kung ganun maaari ka nang mag simula. Ayoko sa mga palaging late, ayoko sa mga ma reklamo at lalong lalo na ayoko sa mga malalandi. Nagka intindihan ba tayo?" Wala naman ako doon sa sinabi niya kaya hindi ako guilty 'no! "Yes, Ma'am naintindihan ko po huwag po kayong mag aalala hindi po sasakit 'yung ulo niyo sa akin pangako 'yan," tinaas ko pa ang tatlong daliri ko. "Sige. Pwede ka nang mag simula. May pupuntahan tayo ngayong meeting at sasama ka sa akin, pero sa ngayon pumunta ka muna sa lamesa mo at mag ayos ng gamit para sa pag-alis." Tumango ako at nag paalam sa kanya. Lumabas ako at nag punta sa kabilang lamesa, tanaw ko lang mula sa salamin 'yung boss ko. Lumiwanag ang mga mata ko nang makita ko ang mga gamit sa lamesa. Kompleto na kompleto ito at mukhang bago pa! Kinuha ko ang ipad at sinubukan iyon, buti na lang at marunong akong gumamit nito. "Ingat po kayo, Ma'am!" kumaway ako sa kanya nang makapasok siya sa kanyang sasakyan. Gabi na nang nakabalik kami sa kompanya, mabuti na lang at malapit lang dito 'yung inupahan kong bahay kaya mabilis lang ako makarating. Hindi na siya sumagot at sinarado na ang bintana! Ang sama talaga ng ugali nitong mga mayayaman. Mabuti na lang at mataas 'yung pasensya ko kanya dahil matanda na siya! Bumuntong hininga ako nang mahubad ko ang aking sapatos. Unang araw ko sa trabaho at medyo hindi naman ako na hirapan. Basta susunod lang ako kay Mrs. Gomez ayos na 'yon hindi naman siya nagalit. Wala na siguro siyang asawa dahil siya na lang 'yung andito. Hindi ko din nakita 'yung anak niya na pumunta dito, siguro nag-aaral pa 'yun? "Gabi ka na ba umuwi, Yvonne? Hindi kita nakita na umuwi kagabi ha. Ayos ba ang trabaho mo—'yung boss mo okay ba?" Nag suot ako ng sapatos. Pangalawang araw ko na ngayon sa trabaho at gusto kong maaga akong andun sa opisina, dahil kahapon mas nauna pa si Mrs. Gomez sa akin nang dating ayaw niya pa naman sa mga late! "Ah, opo gabi na po ako nakauwi kagabi. 'Yung boss ko kasi may meeting tapos gabi na natapos kaya gabi na rin ako nakauwi. Matanda na 'yung boss ko medyo masama 'yung ugali pero keri naman po Aling Eva." "Kung ganun palagi ka nang gabi na uuwi? Nako delikado pa naman sa daan, Yvonne baka ano pang mangyari sa 'yo. Oo nga pala may bago akong tenant sa kabilang kwarto baka gusto mong makilala mabait naman iyon—kahapon lang siya dumating." Napalingon ako sa kabilang kwarto. Ano naman ngayon kung meron, hindi naman ako intresado sa kanya. Baka ma late pa ako kapag pinuntahan ko pa siya ma tanggal pa ako sa trabaho. "Ah! Mamaya na lang po pag uwi pupuntahan ko. Sige po Aling Eva una na po ako baka ma late pa ako e, hehe." Nagmamadali akong sumakay ng tricycle papunta sa kompanya ng mga Gomez. May thirty minutes pa ako para mag ayos bago dumating si Mrs. Gomez kaya aayusan ko muna 'yung mukha ko. May dalawa siyang meeting ngayon at may family dinner siya mamayang gabi, bukod doon ay wala na siyang naka pila na schedule kaya hindi ako mala-late nang uwi mamaya. Tumingin ako sa salamin matapos kong mag lagay ng lipstick. Inayos ko na din 'yung buhok ko na nagulo dahil sa lakas ng hangin habang naka sakay ako sa tricycle! Narinig ko ang pag bukas ng pintuan kaya tumayo ako. Tiningnan ko ang aking relo at nakita kong may twenty minutes pa bago ang datingan ni Ma'am. Maaga siya ngayon ah buti na lang at naunahan ko siya! Kumunot ang noo ko nang makitang hindi si Ma'am ang pumasok kundi... isang matangkad na lalaki! Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Nakasuot siya ng itim na coat at beige trouser at may dala siyang cellphone sa kanyang kaliwang kamay. Tumingin tingin lang siya sa paligid at nag lakad siya papunta sa lamesa ni Ma'am. Nagmamadali akong lumabas sa aking lamesa at pumunta sa pintuan para pumasok! Sino ba 'yang lalaking 'yan bakit andito? Imposible namang anak 'yan ni Ma'am e wala pa naman dito si Ma'am e! Lumaki ang mata ko nang maupo siya sa lamesa! Hindi ko masyadong kita ang kanyang mukha dahil nakayuko ito at may pinindot sa kanyang cellphone. Binuksan ko ang pintuan at nag angat siya ng tingin. Nag tama ang mga namin at nag angat siya ng kilay. Sigurado ako na anak ito ni Ma'am, may parte sa kanyang mukha na nakuha kay Ma'am at ang iba ay ewan ko na kanino. Siguro nga sa tatay niya—saan pa ba 'diba? Itsura pa lang siya alam mo nang masasama talaga ang ugali! Ang makapal niyang kilay ay nag kasalubong na ngayon, umangat ang ibabaw nang kanyang labi at tinitigan ako. Ito ba ang anak ni Ma'am? Medyo matanda lang siya sa akin ng ilan taon, baka mga dalawang taon o tatlo siguro. Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahan na pumasok sa loob. "Uhm... Hello po, Sir good morning! Ano pong ginagawa niyo dito?" Mukhang mali ang salitang nagamit ko. Baka murahin ako nito ng wala sa oras at palabasin—katapusan ko na talaga. Binaba niya ang tingin sa kanyang cellphone at tumayo. Inayos niya ang kanyang suot na coat at lumabas sa lamesa. "Who are you?" malamig niyang sabi, tinuro pa ako. Hilaw akong ngumiti sa kanya. "Sekretarya po ni Ma'am, may kailangan po ba kayo sa kanya, Sir?" Kumunot ang noo niya at nag iwas ng tingin. Nasa harapan na siya ng lamesa ngayon nakatayo at mukhang may iniisip. "Wala." sagot niya at hinarap ako, tinitigan. "Pwede mo ba akong ikuha ng kape?" "Sige po, Sir wait lang babalik ako. Black po ba Sir?" "Yes, please!" Nagmamadali kaagad akong lumabas at pumunta sa pantry. Nag timpla ako ng kape at nang natapos ay dinala ko kaagad sa kanya! "Ito na po, Sir. May kailangan pa po ba kayo? Hinihintay niyo po ba si Ma'am?" Kinuha niya ang kape na nilapag ko sa lamesa at ininom. Tumigil siya at tinatansya ang lasa ng kape. Hoy! 'Wag kang mag reklamo magaling ako mag timpla ng kape! Kahit hindi ako mahilig sa kape ay magaling akong mag timpla 'no. Binalik niya ang kape sa lamesa at tumingin sa akin. "Yes." sagot niya. Ah, akala ko magrereklamo siya sa kape! Hindi talaga siya magrereklamo dahil masarap 'yan, nagtatrabaho kaya ako sa coffee shop dati, duh! "Sige po, Sir sa labas na lang po ako. Kung may kailangan po kayo tawagin niyo lang ako. Dadating na din 'yun si Ma'am maya-maya." Ngumiti ako at tumalikod na sa kanya pero bago pa man ako makarating sa pintuan ay nag salita siya. "Anong pangalan mo?" tanong niya sa baritonong boses kaya napatigil talaga ako. Kinagat ko ang aking labi. Nako baka ma paalis ako dito kapag sinabi ko ang pangalan ko! Baka pag binigay ko sa kanya ang aking pangalan sasabihin ni Ma'am na malandi ako! "Uhm... confidential po, Sir." "What?" madiin niyang tanong. "Confidential po," sagot ko. "Pangalan mo confidential?" kunot noo niyang tanong sa akin. Tumango ako. "Yes, Sir, confidential po e." Pangalawang araw ko pa ngayon ayoko pang matanggal 'no! Bakit pa kasi siya nanghinihingi ng pangalan e confidential nga! Tumango-tango siya at umayos ng tayo. Nag paalam ako sa kanya na lalabas na ako at wala na din naman siyang sinabi kaya diretso akong lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD