CHAPTER 9

2276 Words
"Mornin'," gulat akong lumingon sa likod nang marinig ko ang baritonong boses na mula sa likod. Nakayuko na siya habang pinipigilan niya ang kanyang tawa nang makita niya ang aking reaksyon. Nag pi-print kasi ako ng mga pinagawa sa akin ni Ma'am kaninang umaga at hindi ko pa natapos kaya binalikan ko ngayon. Nasa hospital si Ma'am dahil may check up si Mr. Gomez kaya iniwan niya muna ako dito. "G-good morning?" hilaw akong ngumiti sa kanya. "Si Sir nanggugulat! Alas nuwebe pa lang oh!" sabi ko at tiningnan ang aking suot na relo. Umayos na siya ng tayo at inayos ang kanyang suot na necktie. "Busy ka ba?" hindi siya nakatingin sa akin dahil nag-aayos siya ng suot niya. "Hindi naman po, Sir!" maligaya kong sagot at kinuha ang mga bond paper. Nilingon niya ako, nagkasalubong ang mga kilay. "Po? Sir?" lito niyang tanong sa akin bago siya nag pakawala ng malalim na hininga. "Anyway... Forget about it. Did you pack your things already for tomorrow's trip?" Nalilito akong tumango sa kanya. Hindi ko alam kung paano ba dapat ako sumagot sa kanya—naiwan pa 'yung utak ko sa bahay e. "Ummm tapos na po, Sir? Sir Khien?" Hindi siya nag salita at tinitigan lamang ako. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. "We're good, Yvonne excuse me." sabi niya at tinalikuran ako. Naguguluhan akong pinagmasdan ang malapad niyang likod nang tumalikod siya, ngumuso ako at nag patuloy na lang sa aking ginagawa. Hinilot hilot ko ang paa ko nang maupo ako sa bench. May bench kasi dito sa likuran ng kompanya nila. Ang ganda din ng paligid ngayon hapon dahil may sunset. Napatingin ako nang mapansin kong may naupo sa tabi ko. "Ayos ka lang?" tanong niya. "Ah oo ayos lang naman," "Dong nga pala." nag lahad siya ng kamay sa akin at ngumiti. Nakikita ko siya minsan sa finance office at kapag pupunta din siya kay ma'am. Ngayon ko lang talaga siya naka-usap kahit nagkikita naman kami minsan. Sa sobrang dami kasi ng empleyado nila dito parang kaunti lang 'yung mga kilala ko dahil palagi akong kasama ni ma'am o kaya naman sa anak niya. "Yvonne," sabi ko at tinanggap iyong kamay niya. Sabay kaming napatingin dalawa nang may mabilis na sasakyan na dumaan sa harapan namin. Hanggang sa nawala ang sasakyan ay nakatingin lang ako sa dinaan niya. "Nagmamadali siguro si Sir. Uuwi ka na? Sabay na tayo," "Okay, isusuot ko lang 'yung sapatos ko." pinulot ko 'yung sapatos ko at mabilis na sinuot iyon at sumabay sa kaniya na lumabas pauwi. "Aalis ka na ba, Yvonne? Bakit mo nilabas ang mga gamit mo?" tumaas ang boses ni Aling Eva nang makita akong nilabas ang maliit kong maleta. Sobrang oa talaga ni Aling Eva 'no? Ang liit nga lang ng dala kong maleta e. "Si Aling Eva, hindi naman po! Isasama po kasi ako ng boss ko sa Singapore," Bahagya naman siyang tumango nang marinig niya ang sagot ko. Sabay kaming napatingin nang mag bukas ang pintuan ni Imogen at lumabas siya doon. "Hi! Good afternoon!" bati niya sa amin, ngumiti naman ako. "Good afternoon, Imo—Juls! Juls na lang para unique!" tumawa pa ako. "Aalis muna ako ha, ikaw na muna ang kumausap dito kay Aling Eva." bilin ko sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa dala kong maleta. "Aalis ka? Saan ka pupunta?" Natawa ako, grabe naman 'yung mga reaksyon nila akala mo naman hindi na ako babalik! "Hindi ano ka ba! Sa Singapore lang ako, isasama kasi ako ng boss ko alam mo na!" "Hay, nako Juliet kinakabahan nga ako nung nakita ko 'tong maleta niya, akala ko naman aalis na siya dito dahil nakakita na ng hapon!" pabirong sabi ni Aling Eva. "Hapon talaga, Aling Eva? Huwag po kayong mag-alala mag hahanap po ako sa Singapore ng lalaking sinasabi niyong prince charming ko!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay nag tawanan kaming tatlo. Naupo si Imogen sa mono block at sinuklay ang mahaba niyang buhok. Na paalam na din si Aling Eva dahil may tumawag sa kanyang babae kaya kaming dalawa na lang 'yung naiwan. "May meeting ba si Tita?" kuryuso niyang tanong sa akin. "Ah, nako hindi! Si Sir Khien 'yung may meeting. Si Ma'am sana 'yun e kaso busy daw siya kaya si Khien na lang tapos ako naman 'yung pina sama." paliwanag ko kanya at napatango naman siya. "Ah... Ilang araw kayong andun? Kayong dalawa lang ba ni Asher?" "Isang linggo daw e... Sinabi kasi ni ma'am sa akin na dapat daw tatlong araw lang si Sir na andun pero gusto daw ni Sir na isang linggo kaya pumayag na lang daw siya. Teka, may alam ka ba sa nangyari kay Sir noong mga nakaraang buwan?" Kuryuso kong tanong sa kanya nang maalala ang sinabi ni Mrs. Gomez na andami daw na nangyari bago ako dumating. Nalilito naman na umiling si Imogen at mukhang nag-iisip. Wala din yata siyang alam e. "Hindi ko alam... pero... Baka 'yung na hospital si Tito?" "Ah sige na huwag mo nang isipin 'yon. Aalis na ako, ha baka mapagalitan pa ako ni Sir at maiwan pa kami ng eroplano." Natawa naman siya at tumango. "Ingat, Yvonne tumawag ka sa akin kapag may problema o kailangan mo ng kausap." "O, sige. Ingat ka din dito, ha? Si Aling Eva baka sobra nang bored dahil wala ako dito tuwing gabi ika na ang bahala." sagot ko bago hinila ang maletang dala ko. Nakarating ako sa Airport alas tres ng hapon. Five fourty five pa naman 'yung flights namin pero ayoko naman na ma late at baka iwanan ako ng eroplano. Ito 'yung unang beses ko na sumakay ng eroplano, first time ko din gagamitin 'yung passport ko na nakuha ko pa nung isang taon. Ilang minuto pa lang akong nakarating ay napansin ko na kaagad ang pag tunog nang aking cellphone. Alam kong si Sir na 'yon kaya kaagad kong sinagot! "Hello, Sir?" bungad ko. "Yvonne, where are you?" pagod niyang sabi. "Ah, nasa labas po ng airport hinintay kayo? Masyado akong maaga kaya hinintay kita dito sa labas." Tumahimik ang kabilang linya bago iyon namatay. Napakunot ang noo ko na tiningnan iyon at paulit-ulit na tiningnan kung tatawag ba ulit siya. "Hala!" napa sigaw ako at muntik ko nang mabitawan ang aking cellphone nang may taong humila sa aking maleta. Tiningnan ko siya, ngumisi siya at hinila ang maletang dala ko papasok at hindi man lang ako kinausap! Nakasimangot akong tumakbo papunta sa kanya. "Akin na 'yan, Sir! Nakakahiya na—" napatigil ako nang huminto siya sa kanyang pag lalakad at liningon ako. Muntik na nga akong mabangga sa kanya, hindi man lang nag-iingat! "Ako na, Yvonne." madiin niyang pagkasabi. Sinubukan kong bawiin ang maleta pero inilayo niya iyon sa akin. "Ako na Sir kaya ko nama—" "I said, ako na." sagot niya at tinalikuran ulit ako. "Bakit ba ang kulit mo ngayon?" Ako pa talaga 'yung makulit, ha. Gusto yata niyang mag away kami dito e. Sige na nga, hindi naman makapal 'yung mukha ko para mag hamon ng away dito sa maraming tao. Sobrang laki ng mga hakbang niya dahil mahaba 'yung mga binti niya kaya nahihirapan akong humabol, kaya naman tumakbo ako para habulin siya. "Sir, bigay niyo na po sa akin 'yan." dalawang maleta 'yung dala niya kasama ang sa akin. Medyo malaki 'yung sa kanya, marami siguro siyang damit na dala. "Ako na po diyan tutal sa akin naman 'yan, Sir—" "How many times do I have to tell you na ako na?" iritado ang mukha niya na nilingon ako. Ayaw ba talaga niyang mag patalo? Siya 'yung amo ko dito oh... tapos siya pa 'yung mag dadala ng gamit ko! Gusto ko siyang irapan dahil ang kulit niya masyado. Kaya ko namang dalhin 'yan 'no? Baka akala niya yata hindi ko kayang mag buhat ng mabibigat na bagay? Mas kaya ko pa yata mag buhat kaysa sa kanya! Hindi na lang ako lalaban at baka pabalikin niya pa ako. "Sige po, Sir kayo na. Kayo na nga sabi ko," naiilang kong sabi sa kanya. Ang iritado niyang mukha ay napalitan ng nakangiti niyang mukha. Bakit parang masaya pa siya ngayon ha? Ngumiti siya pagkatapos ay ngumuso bago ako tinalikuran. Gwapo siya dun, ha. Hindi ako nag salita habang nag hihintay kami sa flight. Baka mag away pa nga kami kapag mag sasalita ako dahil pakiramdam ko lahat ng sasabihin ko ayaw niya. "Sa gilid ka na," sabi niya nang makapasok na kami sa eroplano. Gusto niyang sa gilid ako kung saan makikita ang view. Hindi na lang ako sumagot at naupo na lang baka humaba pa naman 'yung usapan namin. Nilagay niya ang mga maleta namin sa itaas bago siya naupo sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon nang maupo siya, kinakabahan kasi ako. Kinakabahan ako kasi first time ko na sumakay ng eroplano at baka atakihin pa ako ng asthma. Kinuyom ko ang aking kamao at pumikit nang tumakbo na ang eroplano para lumipad. Agad akong napalingon sa kanya nang inabot niya ang aking kamay. "Are you okay?" malamig niyang tanong at hinigpitan ang kapit sa aking kamay. "First time?" dagdag niya. "Ah, oo kinakabahan kasi ako." sagot ko sa kanya. Lumaki ang mga mata ko nang pinagsikop niya ang aming mga kamay. Lito ko siyang tiningnan at mas sa oras na iyon ay mas lalo pang kumabog ang aking puso. "Don't be nervous andito naman ako. Tingnan mo nasa ulap na tayo," bahagya siyang natawa bago binitawan ang kamay ko. Napalingon ako sa labas. At tama nga siya, nasa ulap na kami lumilipad. Namangha akong tiningnan ang labas, medyo nakakalula pero sobrang ganda. Napangiti ako. Nasa taas na ako! Sobrang taas ko ngayon oh! Abot ko na 'yung ulap! Hindi naman ako takot sa heights pero nakakalula kapag tumingin ako sa baba. Medyo gumagaan na 'yung pakiramdam ko ngayon pero ramdam na ramdam ko pa rin 'yung lamig ng kamay ni Sir sa kamay ko. Nakakahiya nga dahil hinawakan niya 'yung basa kong kamay, buti na lang at mabilis niya naman binitawan kaagad. "You want to sleep?" liningon niya ako nang mapansin na humikab ako. "Hindi na, Sir." nakangiti kong sagot sa kanya. Tumango naman siya at pinagkrus ang kanyang mga braso bago pumikit. Siya yata 'tong gustong matulog eh! Kinain ko na lang 'yung chips para malibang ako habang tumingin sa labas. Siguro sobrang saya ng kapatid ko kapag naka sakay sila ng eroplano? "Thank you!" nakangiti kong sabi sa Flight Attendant nang palabas na kami. Ang ganda nila, ang ganda din ng mga damit nila bagay na bagay sa mukha nila. Binati nila si Sir pero nilagpasan lang sila, actually lahat naman binati nila nang palabas na kami—normal lang naman siguro 'yon pero gusto ko din mag thank you 'no! Ang babait din nila kanina habang nag s-serve ng mga pagkain. "Wow, ang ganda naman dito!" napaawang ang labi ko nang makarating kami sa airport. Bakit ganito dito ka ganda? Para akong nasa isang gubat na may falls pa, grabe! Nakasunod lang ako kay Sir na may dalang dalawang maleta. Kinukunan ko din ng mga litrato 'yung falls para ipakita kay Mama—sigurado ako matutuwa 'yon. Napatigil ako nang napatigil siya sa paglalakad. Nilingon niya ako at nilibot ang kanyang paningin sa paligid. "Are you hungry?" tanong niya at mabilis naman akong umiling. Kumain ako kanina ng malaking burger sa eroplano kaya hanggang ngayon busog pa ako. "Do you want me to take you a picture? Gusto mo ba?" nagaalanganin niyang tanong sa akin. Hindi naman siguro siya magagalit kapag inutusan ko siya na kumuha ng litrato sa akin kahit isang minuto lang 'diba? "What do you think? Hindi ka nagsasalita kanina pa, Yvonne may... problema ba?" "Ha? Nagsasalita naman ako hindi mo lang narinig. Sige na nga kunan mo na lang ako, mabilis lang ah?" sabi ko at inabot sa kanya ang cellphone ko. Bahagya siyang napangiti at inabot ang cellphone. Inayos ko ang aking buhok at ngumiti, nasa likod ko ang malakas na buhos ng tubig kaya naman todo ngiti ako. "One, two, three!" Naka dalawang pose lang ako dahil nahihiya ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang cellphone. "Thank you, Sir!" Ngumuso na naman siya kaya yumuko ako at tiningnan ang mga kuha niya. In fairness maganda 'yung mga kuha niya ha! Mabuti na lang at maganda na 'yung camera ko dahil bumili ako ng bagong cellphone. Nag angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti. "Ikaw gusto mo? Gusto mong kunan kita ng pictures?" tanong ko matapos kong tingnan ang mga litratong kuha niya. "Sure." mabilis niyang sagot at pumunta sa gitna. "Umm... 'yung cellphone niyo na lang po 'yung gagamitin, Sir." sabi ko. Baka kasi hindi niya gusto 'yung camera ko kaya sa kanya na lang. Nag tagal ang titig niya sa akin, tila ba may malalim na iniisip. Bumuntong hininga pa siya bago kinuha ang cellphone at binigay sa akin. Naka on na ang camera nang inabot niya sa akin iyon kaya deritso ko na lang tinapat sa kanya. "Ayos na po Sir tingnan niyo." sabi ko nang matapos. Wala man lang ka reaksyon-reaksyon 'yung mukha niya habang kinukunan ko. Para lang siyang robot na nakatayo sa gilid at nakatingin sa camera. "We're done, let's go?" tanong niya sa akin matapos niyang ibalik sa bulsa iyong cellphone. Tumango naman ako at sumunod sa kanya na nag lakad. "Dito ka sa tabi ko," tawag niya sa akin nang mapansin akong nasa likuran niya. Sinunod ko naman 'yung sinabi niya at tumabi sa kanya, humina na rin 'yung lakad niya kaya naka sabay na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD