Eirah's Point of View
"I told you too, hindi mo ‘ko pag-aari o nino man!" I said, annoyed. Nilagpasan ko na siya, hindi ko na siya nilingon. Ano ba talagang problema niya at kine-claim niya ako na sa kaniya na?
Naiinis ako sa kaniya.
Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Sana sa ibang market na lang pala ako pumunta. Buwis*t. Hindi ko gusto iyong pag-utos niya sa akin ng mga bagay sa akin.
Gusto ko malaya lang ako sa kung ano man ang gusto ko kaya naiinis talaga ako sa sinabi niya sa akin.
Hindi ko na talaga siya nilingon. Patuloy lang ako sa pagtulak ng shopping cart. Naiinis talaga ako sa kaniya. Kung dapat na mawala ang koneksyon namin, okay lang sa akin kasi ayaw ko naman sa tao na dinidiktahan ako.
Pero ang pogi no'ng salesman kanina, ha. Puwede iyon maging model.
Nanigas na lamang ang aking likod nang bigla kong maramdaman na may umakbay sa akin. Natigil na rin ako sa paglalakad at nag-angat ng tingin upang makita ko kung sino ba ang um-akbay sa akin pero may ideya ako.
Si Nikolai Serratore. "Bitaw," inis na sabi ko sa kaniya. "Hindi porke't guwapo ka rin, eh, nang-a-akbay ka na." Sinubukan ko na alisin ang braso niya sa akin pero napangiwi lang ako dahil hindi ko naman nagawa.
"No."
"Alisin mo kamay mo, nanggigil ako sa iyo, Nikolai. Ayaw ko sa lahat ay 'yong dinidiktahan ako kaya ayaw ko na rin sa iyo," sabi ko sa kaniya.
"Fine, I am..." — he paused and sighed. "...sorry."
I was shocked when he said that. Nag-sorry ba siya sa akin?
"'Yoko nga, makakakain ko ba 'yang sorry mo?" tanong ko sa kaniya at saka umirap. Naka-akbay pa rin siya sa akin.
"What do you want to eat?" tanong niya sa akin.
"Huwag mo muna akong tanungin niyan, Nikolai, alisin mo muna sa utak mo na hindi mo 'ko pagmamay-ari. Ayaw ko nang tinatalian ako, gusto ko lang maging malaya sa lahat."
Tumingin lang siya sa akin ng diretso. Napabuntong hininga siya habang nakatitig sa akin. "Fine, you aren't mine," parang labag pa sa loob na sabi niya sa akin.
Parang napipilitan lang...
Wala sa sariling napangiti ako. Humawak pa ako sa may waistline niya. "Tulungan mo 'ko ng mga kulang ko pang supplies, Nikolai baby," sabi ko sa kaniya. Napailing-iling naman siya habang nakatingin ng diretso sa akin.
Nginisihan ko siya. "Wala kang ibang ngingisihan ng ganiyan, ako lang, okay?"
Na-freeze ang mga ngiti ko. Lumayo ako sa kaniya at pinaghahampas ko siya sa kaniyang braso. "Sabi ko! Ayaw ko nang dinidiktahan ako! Sige! Hindi mo na ulit makakain ang pekpek k —"
Tinakpan niya ang aking bibig para hindi ko matuloy ang kung ano man ang sasabihin ko. "D*mn, b*tch, nasa public tayo!" inis na sabi niya sa akin. May inis na rin sa kaniyang mukha.
Nanlalaki ang mga mata ko habang sinasabi ko 'yon sa kaniya. Hindi naman siguro niya mapapansin ang panlalaki ng aking mga mata dahil nakasuot pa rin ako ng shades. Tinanggal ko ang kaniyang palad sa aking bibig.
"Wala akong paki!" singhal ko sa kaniya. "Hmp!" Tinalikuran ko na siya. I started to push the shopping cart. Nakasunod lang din siya sa akin.
"Eirah, wait. Ano pa ba ang bibilhin mo?" tanong niya sa akin.
"Bakit ka ba nandito?" tanong ko sa kaniya. Naramdaman ko naman ang kaniyang bisig sa aking beywang.
Lihim akong napangiti. May kiliti kasi, eh. Parang gusto ko na lang magtatalon sa tuwa. Mabagal lang ang aming paglalakad, inilapit niya pa ang kaniyang bibig sa may tenga ko...
Naramdaman ko ang hininga niya roon, kakaibang kiliti ulit ang aking naramdaman.
"Did I tell you that you," bulong niya sa akin. His voice was being seductive. Parang gusto na lang malaglag ng panty ko ngayon ng kusa.
"T-That, w-what?" pabulong ko rin na tanong. Naging magalaw ang palad niya sa waistline ko. I bit my lower lip.
"Did I tell you that you're..." pabitin na naman niyang sabi. Lalo lang naging mapang-akit ang kaniyang mga boses. Na-excite naman tuloy ako. Parang maganda ang susunod na lalabas sa kaniyang bibig. "You're really stubborn!" sabi niya't nanghatak pa nga ng buhok!
Disappointed tuloy ako. Akala ko pa naman maganda ang sasabihin niya. Nakaka-frustrate.
"Aba't, g*go ka rin, eh, 'no? Hindi mo na talaga makikita o mahahawakan man lang ang —"
"Again, we're in public!"
"Wala nga akong paki!" sabi ko na naman. Tinapik-tapik ko na ang kaniyang kamay na nasa beywang ko.
Pero nabigo na naman ako dahil mas lalo lang siyang kumapit. I gritted my teeth. "I'm telling you, Mr. Serratore, get your hands off me..." matigas na sabi ko sa kaniya.
"I will not, you're still mine," sabi niya.
Sabi nang hindi niya ako pagmamay-ari! Akala ko ba naintindihan niya na 'yon?
Bakit sinasabi niya na naman na sa kaniya ako? Naiinis na naman ako sa kaniya. Ang hirap niyang kausap!
"Sabing hindi ako saiyo!"
Hinampas ko siya sa braso niya nang malakas. Sa sobrang lakas ay nalaglag ang suot kong shades. Agad ko naman iyong pinulot. Natahimik siya, tinitigan niya ako ng mabuti.
"Bakit namumula't namamaga ang mga mata mo?" tanong niya sa akin. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya.
"It's none of your business," mahinang sabi ko. Kinabig niya naman ako papalapit sa kaniya. Tiningnan niyang mabuti ang mga mata ko na inch na lang ang layo sa mukha niya.
"What happened?" may pag-aalala ba sa boses niya o ako lang 'to? Kunot na kunot ang kaniyang noo. Salubong na salubong na naman ang kaniyang kilay.
"Wala ka rin pakialam," sabi ko at sinuot kong muli ang shades.
"Tell me..."
"Naiyak ako sa sarap," pagsisinungaling ko pa. Ngayon na malapit lang ang mukha namin sa isa't isa ay nakita ko kung gaano pa lalong naging masama ang mukha niya.
Kumunot pa lalo ang mga mata niya. Namula ang mga tenga at mukhang nag-uusok na lahat ng mga butas sa mukha niya.
"What the hell?! Who's that?!" tanong niya sa akin. Ngumisi naman ako sa kaniya. I slowly traced his lips.
"More tasty than you, kaya okay lang sa akin na mawalan tayo ng komunikasyon," pagsisinungaling ko pa sa kaniya.
Actually, siya ang pinakamasarap at ayaw ko nang tumikim ng iba. Just him.
Pero kung tatalian niya ako, eh, wala na akong magagawa.
"You're not funny," sabi niya. I just give her a smack kiss on his lips.
"I know... hmm..." sabi ko sa kaniya. Mahina pa akong napa-ungol.
"Don't do that, b*tch."
I grinned. "Doing, what, hmm," I bit my lower lip.
"Nikolai?"
Natigil ako at agad akong binitawan ni Nikolai nang may magsalita.
Napatingin ako sa harapan namin. Nakita ko roon ang nasa mid-40 na babae. May shopping cart din siyang kasama at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa amin.
Sino siya?
Tiningnan ko si Nikolai, nakaiwas lang siya ng tingin sa amin.
"Akala ko ba maghihintay ka lang sa kotse?" tanong nito. Malamang tanong niya 'yon kay Nikolai.
Hindi naman nakasagot sa kaniya si Nikolai. Napakunot lang ang noo ko.
"Hello po," bumati na lang ako sa babae. Ngumiti lang sa akin ang nasa mid-40 na babae.
"Hello, what's your name?" tanong niya sa akin. Mukhang mabait naman siya kaya ngumiti na lang din ako sa kaniya.
Sasagot sana ako pero naunahan ako ni Nikolai.
"She's Eirah, Mama and she's no one," sabi niya.
Napanganga ako at napa-angat ng tingin kay Nikolai. Ako? No one?!
Pero... Mama?! Nanay ni Nikolai 'to? Bakit mukhang mabait? Tapos si Nikolai, hindi? Unang tingin pa lang, alam mo nang may kademonyohan na tinatago.
Ngayon naintindihan ko na kung bakit nandito si Nikolai sa supermarket. Iniisip ko kanina na baka sinundan niya na naman ako, eh, pero parang hindi naman, sinamahan niya lang siguro ang kaniyang ina.
"Anong no one?" tanong ko sa kaniya at siniko ko siya. Malakas iyon. Humarap ulit ako sa Nanay ni Nikolai. "Hi, Tita! I am Eirah Bennisse, kalandian po ako ng anak niyo," pagsasabi ko pa ng totoo.
"Hey!" saway sa akin ni Nikolai.
Nanlaki naman ang mga mata ng nanay ni Nikolai sa akin.
"Really?" Sinamaan niya ng tingin si Nikolai. Napansin ko naman na namumula na ang mukha ng lalaking katabi ko. Pinigilan ko lang ang sarili ko na huwag matawa.
Hindi ba alam ng nanay niya na malandi siya?!
"It's not true," sagot naman ni Nikolai. Siniko ko siya.
"Napakasinungaling mo sa Nanay mo!" inis na sabi ko sa kaniya. Dalawa kaming masasama ang mga tingin kay Nikolai.
"Hindi totoo na kalandian ko siya, Ma," sabi nito sa ina. "Because... she's mine, and when I say MINE, she's my girlfriend." Bigla niya akong hinapit papalapit sa katawan niya habang sinasabi niya 'yon.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
What?! Nag-loading ako ro'n! Wala akong na-gets. Napatingin ako sa nanay niya at parang kumikislap na ang mga mata nito.
"Really?! Hi, Eirah, it's nice meeting you!" Lumapit siya sa akin. Hinila niya ako papalayo kay Nikolai. Magkaharap na kami ngayon ng Nanay niya. She's now caressing my cheeks. Inalis niya rin ang suot kong shades.
"I-It's nice m-meeting you too." Nanlalaki ang mga matang sabi ko sa kaniya. Natigilan naman siya nang makita niya ang itsura ng mga mata ko.
"Ilang oras kang umiyak?" tanong niya.
"Isa po," magalang kong sagot. Hinila niya lang ako.
"Ang ganda mo, hija, hindi ka dapat pinapaiyak."
I know, right! Ang ganda ko talaga, 'di ba?! Mama niya na ang nagsabi!
"Hehe, thank you po," sagot ko na lang.
Bumaling siya sa kay Nikolai. "What did you do?!" tanong ni kay Nikolai. Napa-facepalam lang ako.
"I didn't do anything, Ma, nakita ko na siyang ganiyan nang magkita kami rito."
His mother turned to me again. Hinawakan niya ako sa magkabilang-braso ko. "Ang ganda mo talaga, hija, bagay kayo ng anak ko. Halika, sama ka na sa akin! Magsa-shopping tayong dalawa!" sabi nito. Nagulat naman ako sa sinabi niya sa akin. "Nikolai! Ikaw na ang magdala't magbayad ng mga pinamili namin sa counter! Bilis! Mauuna na kami sa kotse mo!" utos nito sa anak niya na may halong excitement.
Hindi na rin ako nakapagsalita dahil hinila niya na ako papalabas ng supermarket. Hindi ako nakapalag. Pumasok kami sa mismong kotse ni Nikolai. Hatak-hatak niya ako. Nanlaki ang mga mata ko.
"Tita, hehe, wait po, may dala po kasi akong kotse..." sabi ko pa at tinuro ko pa iyong Lyxe, iyong kotse ko na kita lamang mula rito. Pareho kaming nasa backseat na ngayon.
Hinawakan niya ako sa kamay ko. "Okay lang 'yan, hija, babalikan din natin iyan. Hindi mawawala 'yan, akong bahala," siguradong-sigurado niya na sabi sa akin. Napatikom na lang ako ng bibig ko.
Sabi niya magsa-shopping kami kaya malamang sa malamang ay sa mall ang punta namin?
Gosh! Hindi ko ine-expect na mame-meet ko ang nanay niya! Hindi ko naman talaga ine-expect na mame-meet ko siya!
Paglalandi lang talaga kay Nikolai ang alam ko at hanggang doon na lang iyon. Ang hindi ko rin alam ay kung bakit niya ako pinakilala sa Nanay niya na girlfriend niya ako?!
Napakasinungaling!
Mamaya, kakausapin ko siya tungkol do'n.
"Hehe, sige po."
"Paano mo nga pala nakilala si Nikolai?" tanong niya sa akin. Nangapa naman ako ng isasagot ko.
"Ah, sa ano po..." Ano bang dapat kong sabihin?! Saan at paano nga ba kami unang nagkakilala?!
'I am Eirah, and you are?'
Naalala ko ang sinabi kong 'yon sa kaniya nang makita ko siya sa parking lot. Parang bumalik sa utak ko iyong itsura niya nang malapitan, gulat na gulat pero guwapo pa rin.
Bakit pa ako mangangapa ng isasagot kung paano kami nagkakilala, eh, magsabi na lang ng totoo!
"Sa parking lot po ng Tastotel Univ, doon po kami unang nagkita at nagkakilala, hehe," sagot ko sa kaniya.
Malawak pa rin ang ngiti niya sa akin. Parang bang tuwang-tuwa talaga siya na girlfriend ako ng anak niya.
Hindi naman totoo 'yon.
"Kailan pa ang relasyon niyo?" tanong niya sa akin. Napaisip naman ako. Ilang araw na ba ang nakalipas nang una kaming magkita sa parking lot ng Tastotel Univ? Mga isang linggo na rin ata.
"Bago pa lang po kami, hehe, isang linggo na rin po ata..." sabi ko pa. Ngumiti lang siya sa akin.
"Alam mo ba kung bakit ako natutuwa ng sobra ngayon, hija?" tanong niya sa akin habang marahan niyang hinahagod ang buhok ko. "Kasi, ikaw ang unang babae na pinakilala ni Nikolai na girlfriend niya," sabi niya pa.
So, again, ibig sabihin ba no'n ay special talaga ako sa kaniya?
He!
"Ay nakakatuwa naman po pala..." sagot ko na lang sa kaniya. Pinakatitigan niya lang ako ng maigi.
"Ang ganda mo talaga, ang kinis ng balat mo, actually, puwede ka nang sumali sa Miss U, eh," sabi niya pa. Umiling naman ako sa kaniya.
"Hindi po ako qualified doon," sabi ko na lang.
"Bakit naman?! Sa ganda mong 'yan? Mukha ka ring matalino kaya anong problema?" tanong niya sa akin.
Kanina pa kami nag-uusap at kanina pa rin siya aware sa suot ko pero hindi niya man lang ito sinisita. Lihim akong napangiti. Akala ko talaga nang malaman ko na nanay siya ni Nikolai ay pandidirihan niya ako dahil mukha akong p*kpok katulad ng sabi ng iba.
She's not judgemental like her son, who keeps on calling me b*tch!
"Iyong height ko po, hehe," pagsasabi ko ng totoo. Hindi naman talaga ako puwedeng sumali sa mga pageant dahil hindi naman ako gano'n katangkad.
"Hindi naman basehan iyon! Basta maganda ka! Puwede ka talagang pan-laban!" Napailing na lang talaga ako.
Ang sumasali sa mga beauty pageant ay iyong matatangkad. At saka amy height requirements talaga at hindi man lang ako puwede ro'n. Hindi naman ako matangkad kaya hindi ako puwede ro'n.
"Ganda plus height plus talino po ang kailangan diyan. Ganda lang po ang meron ako," sabi ko na lang sa kaniya.
Magsasalita pa sana siya pero natanawan na namin si Nikolai na napakaraming dalang bags, papalapit na ito sa amin. "Guwapo ng anak ko 'di ba?" sabi niya pa. Agad namang sumang-ayon ang utak ko. Ang guwapo nga niya, habang naglalakad siya papalapit sa akin ay ini-imagine ko na wala siyang damit habang naglalakad. Parang gusto ko na naman tuloy ang maglaway.
Tumango naman ako sa nanay ni Nikolai bilang pagsang-ayon.
"Opo, Tita."
"Ay hindi pa pala ako sa iyo nagpapakilala. My name is Karen, you can call me Tita Karen or Mama Karen na lang ang itawag mo sa akin," sabi niya pa.
Nahihiya naman akong tumango. "Tita Karen na lang p-po, hehe," sabi ko pa. Hindi ko feel na tawagin siyang Mama! Unang-una, wala naman talaga kaming relasyon ni Nikolai! Hindi nga kami magkaibigan, eh, he just f*cked me twice.
Dumating na si Nikolai. Inilagay niya ang ipinamili sa compartment. Pati rin ata iyong akin. Bahala na! Magkahiwalay naman iyon, panigurado.
Sumakay na siya sa kotse. "Ang guwapo ng anak ko, nakasungkit ng maganda," biro pa ni Tita Karen. Napatakip ako ng mukha habang natatawa. See? Maganda talaga ako!
Bagay kami.
Haha. Pero kung uutos-utusan niya ako at pipigilan niya ako sa mga gusto kong gawin, eh, huwag na lang!
Hindi naman namin sinagot si Tita. "Sa department store tayo, Nikolai," sabi nito. Pinaandar naman ni Nikolai ang sasakyan. "Hatid mo lang kami tapos sunduin, huwag ka na sumama sa loob. Bonding namin ito ng girlfriend mo," dugtong nito.
Natawa ako. Talagang?! Panindigan ang pagiging girlfriend sa harap ng Nanay niya.
"Sige po," magalang naman na sagot nito. Tumingin ako sa rear view mirror. Nagtama ang aming mga mata.
Nginisihan ko lang siya ng nakakaloko.