Eirah’s Point of View
Hindi ako sumunod sa sinabi niya na matulog. Naniningkit lamang ang mga mata ko habang ang nakatingin sa labas. Malakas na hangin din kasi na pumapasok. Iniiwasan ko lang din na mapuwing ako.
Si Nikolai ata ang nakatulog. Nakasandal pa ang ulo niya sa sandalan ng upuan habang ako naman ay nakasandal lang ang ulo sa may balikat niya. Nakatalikod ang ulo ko sa kaniya dahil nga sa labas ako nakatingin. Ilang oras na rin kami na nasa biyahe.
Iniisip ko ngayon kung ano ang maaaring mangyari sa paghaharap ko sa Daddy ko. Bigla ko namang naalala na tawagan si Elias kaya naman kinuha ko ang cellphone ko para i-check kung may signal na rito.
Napatango-tango naman ako sa sarili ko nang makita ko na may signal na nga. Tinawagan ko na si Elias.
Pagkalipas lang ng limang ring ay sumagot ang kapatid ko. “Paano mo ‘ko natawagan?” nagtataka pang tanong niya sa akin. Alam niya kasi na walang signal sa hacienda.
“Pabalik na kami ng Tastotel City,” sabi ko. Narinig ko siyang napamura.
“Seryoso ka, Ate? Bakit?!”
“Kakausapin ko na si Daddy, bahala na. Ayaw ko na ng nagtatago, hindi ako nito makakagalaw ng maayos,” sabi ko na lang sa kaniya. Iyon naman talaga ang totoo. Mahina lang ang boses ko para hindi ko magising si Nikolai.
“Pupuntahan pa lang sana kita ngayon. I have news for you,” sabi niya. Sana naman maganda ang balita niya sa akin, pero pakiramdam ko ay hindi.
“What is it?”
“Tama ang hinala ko,” sabi niya. Natigilan lang ako sa sinabi niya. Tama? Ang hinala?
Napaisip naman ako kung ano ang hinala niya…
Napanganga ako nang maalala ko ang sinabi niya sa akin sa biyahe papunta ng Hacienda Alejandra.
No…
How could he?!
“Na?” tanong ko pa. Kunwari’y wala akong ideya sa hinala na tinutukoy niya.
“Dad wants you to go to States not just because you have changed a lot, but you have a wedding to attend for,” sabi niya. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na mapahiyaw sa sobrang inis. Tama nga ang ideya na pumasok sa isip ko!
“Bakit? Bakit niya ginawa ‘to?” Pinapanatili ko nag sarili ko na maging kalmado. Wedding?! Sinasabi ko na nga ba at may iba pang dahilan. Bakit nila ako ibabalak na ipakasal sa kung sino nang walang permiso ko? Kahit nga pagtanong lang sa akin kung gusto ko ay hindi man lamang ginawa.
“Nabaon tayo sa utang, they had an agreement that you will marry that man to paid all of our father debts,” he said. Napasinghap naman ako. Anong ibig sabihin niyon? Pambayad utang ako?
Bakit kami nabaon sa utang? Anong nangyari? Marami na namang tanong ang nagsisi-agos sa utak ko. Hindi ko maintindihan.
“Nagsusugal ba si Dad? Magkano ang utang?”
“Narinig ko na… it’s a hundred billion,” sabi niya. Napa-facepalm ako.
“H-How?”
“Ask them, gusto mo naman nang lumantad ‘di ba? See you here, Ate,” matamlay lang niyang sabi bago naputol ang tawag.
Billion ang utang namin pero magbibigay pa sila nang pabuya sa kung sinon man ang makakahanap sa akin ng fifty-thousand dollar. Okay lang ba talaga sila?
Tang*na. Bakit ba sila nagdedesisyon sa buhay ko?!
Sa inis ko ay dinial ko ang number ni Daddy. Siya na ang tinawagan ko.
“Who’s this?” tanong nito. Oo nga pala, hindi nila alam ang number ko. Gusto ko siyang sigawan ngayon. Gusto kong manumbat pero ibinaba ko na lang ang tawag. Napatitig lang ako kay Nikolai na payapang natutulog. Gano’n pa rin ang posisyon niya, ang kaniyang bibig ay bahagya pang nakabukas.
Napabuga na lang ako ng malakas na hangin.
“Bahala na,” bulong ko. Kinuha ko na lang ang braso niya at pina-akbay iyon sa akin. Nagsumiksik ako sa kaniya pagkatapos.
Ano na ba ang dapat kong gawin? Sabihin ko na ba kaagad ‘to kay Nikolai? Anong magiging reaksyon niya? Katulad ko ay malamang hindi niya rin magugustuhan.
Umiling-iling ako. Hindi ako susunod kay Dad. Ipaglalaban ko pa rin kung ano iyong gusto ko. Hindi na rin siya puwedeng magdesisyon sa buhay ko. Hindi siya puwedeng magdesisyon kung sino ang lalaking papakasalanan at mamahalin ko.
I want Nikolai…
Wala ng iba.
“Natulog ka ba?” biglang nagsalita si Nikolai. Siguro ay nagising ko siya. Napapikit na lang ako ng mariin. Nagkaroon ng lakas ang braso niya at lalo lang ako nitong pinalapit sa kaniya.
“Kanina pa ako tulog,” sagot ko naman.
“Yeah, matulog ka lang, malayo pa tayo,” sabi niya. Napabuntong-hininga na lang talaga ako. Naramdaman ko pa na hinalikan niya ako sa ulo ko.
Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nalaman ko kay Elias? Hindi ko alam.
Ginugulo ako ng utak ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya o hindi. Pero dahil hindi ko kaya na hindi siya bigyan ng ideya ay nagtanong na lang ako sa kaniya.
“Nikolai baby, may tanong ako,” panimula ko. “Paano kapag pinakasal ako sa iba?”
Matagal bago siya nakasagot. “May tanong din ako, gusto mo bang pakasalan ang iba na sinasabi mo?” tanong niya. Agad naman akong napailing.
“Siyempre, ayaw ko.”
“Sa akin ka, Eirah. Remember that,” sabi niya. Muli niya akong hinalikan sa ulo ko. Natahimik na lang muna ako saglit. Mukhang pabalik na siya sa pagtulog niya kayaa hindi ko n alang siya ginambala. Natulog na lang din ako.
Kay Nikolai ako…
Nagising na lang ako dahil sa mga ingay. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko na puno ng pasahero ang aisle. Punuan na ang bus.
Natigilan pa ako nang mapansin ko ang matandang babae na nakatayo sa aisle, tapat lang ng upuan namin. Nakatitig siya sa akin, nakangiti. I turned to Nikolai, tulog pa rin siya pero ginising ko na isya. Tinapik-tapik ko pa ang pisngi niya.
“Wake up,” sabi ko pa. Mabilis naman siyang nagising.
“Why?”
“Pa-upuin natin si Lola,” sabi ko pa. Nakita niya rin si Lola na nakatayo sa aisle kaya hindi naman na siya umangal. Tumayo siya at mukhang siya ang papalapit sa puwesto ng matandang babae pero hinawakan ko siya sa braso niya. Natigil siya at tinaasan pa ako ng kilay.
“What?”
“Hindi ko sinabing tumayo ka, kandungin mo na lang ako,” sabi ko at tumayo na rin. Ngumiti naman siya sa akin. Siya na ang umupo sa may bintana at agad akong pina-upo sa may hita niya. Pinaupo naman namin si Lola sa bakante na na upuan.
Tahimik lang si Lola habang si Nikolai naman ay nakayakap lang sa tiyan ko. Iyong ulo niya rin ay nakasandal sa likod ko.
Mukhang inaantok pa siya kaya hinayaan ko na lang din siya.
“Iha…”
Napatingin ako kay Lola nang magsalita siya. Akala ko iba ang tinatawag niya pero sa akin kasi siya nakatingin.
“Po?” tanong ko.
“Puwede ko bang makita ang kanang palad mo?” nakangiting tanong niya sa akin. Mabilis naman akong tumango at ipinakita ko sa kaniya ang palad ko. Hinawakan niya ang kamay ko habang may kung anong sinusuri sa palad ko.
Napakunot ang noo niya pero napangiti na lang din pagkatapos. “Magbabago ang buhay mo…” sabi niya.
“Po?”
“Aalis ka at magkakaroon ng bagong buhay, malayo sa mga mahal mo sa buhay. Ilang taon mula ngayon ay makikilala mo ang lalaking magmamahal sa iyo at mamahalin mo habang buhay…”
Huh? As in, huh?
Ilang taon ko pa makikilala ang lalaking magmamahal sa akin? Ibig sabihin ay hindi iyon si Nikolai? Siyempre sa huli niyang sinabi ay hindi ako naniwala. Pero iyong una…
Aalis…
Aalis…
“Saan naman daw ho ako pupunta, Lola? Bakit ako aalis?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin.
“Sa lugar kung saan mararamdaman mo ang tunay na kalayaan.”
Napanganga ako. Imposible naman na makaramdam ako ng kalayaan sa States. Paano ako makakaramdam ng kalayaan kung pilit ang pagpunta ko ro'n?
Pero hindi niya sinagot ang huling tanong ko kung bakit ako aalis. Binitawan niya naman na ang palad ko.
“Bago ‘yon, may mangyayari muna na hindi maganda kaya tatagan mo ang loob mo, iha.” Nakangiti pa rin siya sa akin. Hindi naman ako nakasagot. “Hindi mo ba itatanong kung saan mo makikilala ang lalaking mamahalin ka at mamahalin mo habang buhay?” tanong niya.
“S-Saan?” tanong ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilabot dahil sa mga ngiti niya ngayon.
“Sa bus na ‘to, kaya kung ako sa’yo, maglagay ka ng palatandaan,” sabi niya pa.
Nganga. Nganga ulit.
Seryoso?!
Biglang tumigil ang bus. Tumayo naman na ang matandang babae. “Dito na lang ako, maraming salamat sa pagpapa-upo,” sabi niya bago siya tuluyang umalis. Hindi ko alam kung narinig ni Nikolai iyong sinabi ng matanda pero sa tingin ko ay hindi. Ginising ko lang siya muli dahil pinabalik ko na siya sa upuan niya.
Napansin ko rin na malapit na kami sa Tastotel Ciity.
Hindi pa rin mawala sa utak ko ‘yong sinabi ng matanda na dito ko raw makikilala ang lalaking mamahalin ko habang buhay, ibig sabihin ay hindi si Nikolai iyon?
Napakibit-balikat na lang ako. Hindi dapat ako maniwala ng husto dahil baka hindi naman iyon totoo.
Maglagay ka ng palatandaan…
Ano namang palatandaan ang ilalagay ko? Ayaw ko namang maniwala pero wala namang mawawala kapag ginawa ko ito. Tinanggal ko ang isa sa suot kong hikaw. Itinusok ko ‘yon sa upuan sa likod ng nasa harapan naming upuan.
“What are you doing?” tanong sa akin ni Nikolai nang mapansin niya ako.
“Ito ang unang bus na sinakyan ko. Gusto kong iwan ang isang hikaw ko,” sabi ko na lang sa kaniya. Sinigurado ko na hindi ito matatanggal doon. Nakabaon lang. Hindi naman siguro ito dito tatanggalin ng kung sino. Iyong pakaw naman ay ibinulsa ko na lang.
Katulad ng inaasahan ay madilim na nang makarating kami sa Tastotel. Magkahawak ang mga kamay namin nang marating namin ang bus station. At sumakay kami ng taxi.
“Diretso tayo sa inyo?” tanong niya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang maalala ko na gusto akong ipakasal ni Daddy sa iba.
Kaya hindi ko napigilan ang maluha habang nasa taxi kami. I hugged him tight. “Why are you crying again? Please, stop,” sabi niya pa. Hindi ko lang talaga mapigilan. Hindi ko alam kung ano ang naga-abang sa amin sa bahay.
“K-Kaya m-mo ba a-akong i-ipaglaban?” humahagulgol na tanong ko sa kaniya. Nagsalubong lang ang kilay niya.
“Hindi ako magdadalawang isip na ipaglaban ka, Eirah,” sabi niya sa akin. Napatango ako.
Heto na naman! Para na naman akong iyakin na bata, hindi ko lang kasi mapigilan.
“Tigilan mo na ang pag-iyak, Eirah, please lang.” Pinunasan niya na ang mga luha ko gamit ang kaniyang damit.
“I want to cry! I want to cry on your shoulder, Nikolai!” sabi ko pa at niyakap siya. Hinayaan niya lang ako na umiyak ng umiyak sa kaniyang balikat. Pakiramdam ko na naman tuloy ay bumalik kaming dalawa sa apartment no’ng napaiyak din talaga ako.
Si Mommy…
Nagdasal lang ako na sana ay gabayan ako ni Mommy.
Sana tulungan niya akong makipag-usap kay Daddy ng matino. Iyong tipong papakinggan namin ang side ng isa-isa.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naging ganito si Daddy.
Sana talaga ay nananaginip lang ako. Sana mali ang sinabi sa akin ni Elias na ipapakasal ako ni Dad.
“N-Nikolai… I’ve talked to my brother e-earlier, s-sabi niya, nag-arrange daw si Daddy ng kasal,” sabi ko pa. “G-Ginawa akong p-pambayad utang!” Basag lang ang boses ko. Humigpit naman ang yakap niya sa akin habang hinahaplos-haplos ang likod ko.
“Putang*na,” malutong niya lang na mura.