KAPAPASOK palang ni Sunny sa flower shop niya sa taguig. Nang mapansin niyang madaming customer sa loob ng shop. Nakakapagtaka.
"Anong meron?" Malayo pa ang Valentine's day para magdagsaan ang mga bumibili ng bulaklak. Usually sa ganun araw sila mabenta o kapag araw ng mga patay at mahal na araw.
Tiningnan niya ang mga bulaklak na naka-arrange.
Hindi 'rin naman sila naka-promo. Abala ang mga tauhan niya sa pag-assist sa mga customer.
Napatingin siya sa papalapit na si Sally. Abot hanggang tenga ang ngiti nito. Para itong nakakita ng artista.
"Mukhang marami 'ata tayong customer?" tanong niya dito.
Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Hindi naman lahat yan maam bibili," tumatawang sabi nito sabay iling.
Kumunot ang noo niya.
"Kanina pa po pala kayo hinihintay ng bisita niyo maam. Puntahan niyo nalang po siya sa office niyo."
Sino kayang bisita 'yun? wala naman siyang inaasahang pupunta sa shop niya ngayong araw. Wala rin siyang naka-schedule na client.
Dumiretso na siya sa office para alamin kung sino ang sinasabi ni Sally na bisita niya.
"Gabriel?" Natigilan siya.
Naka side view ito at nakatingin sa mga nakasabit niyang certificates.Those are certificate and awards that she received, when she compete in a different flower arranging competition.
"A-anong–Bakit ka nandito?" Naguguluhan tanong niya dito.
Ito ba ang tinutukoy ni Sally na bisita niya? Kaya ba biglang dumagsa ang mga customer nila ay dahil nalaman ng mga ito na naroon sa shop niya ang isa sa miyembro ng Lunar Gonzaga.
"Hindi ko talaga alam kung anong dahilan at pumunta ka dito?" Nangtatakang sabi niya.
Lumapit ito sa kanya. Habang siya naman ay panay ang atras. Sa isang iglap nasukol siya nito. Now she was like a mouse trap in the cat's den. Hindi siya makaalis dahil parehong kamay nito ang nakatukod sa pader na nasa bandang ulo niya.
"A-anong gagawin mo?" tanong niya dito. Halos manigas siya ng ilapit nito ang mukha sa kanya. Nakapikit na siya at hinihintay kung hahalikan siya nito pero hindi nangyari ang ini-expect niya. Nang idilat niya ang mata.
Parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan. Nakakalokong ngumisi ito habang nakapaloob ang isang kamay sa bangs na inangat nito paitaas.
"Iniisip mo bang hahalikan kita."
"Hindi. Ang kapal mo!" aniya para pagtakpan ang pagkapahiyang naramdaman.
Lumayo siya ng konti dito.
"Nagpunta ka lang ba dito para asarin ako?" naka-askad na sabi niya.
"Well, I just love to see your reaction. I guess you are still the Sunny I know. Are you free on sunday? Let's have dinner," sabi nito.
Tama ba ang pagkakarinig niya? Inaaya siya nitong lumabas? Nabigla siya hindi niya alam ang isasagot.
"I-I–”
"Is that a yes. I pick you at six." He gave her a light kiss on the lips then banish at her sight.
Natulala nalang siya habang wala na ito sa harap niya.
Umiling siya. Siguradong pinag-ti-tripan lang siya ng lalaking 'yon.
* * * * *
SHOCKS si Sunny nang mapagbuksan ng pinto si Gabriel.
Kaka-idlip lang niya ng may kumatok at walang ano ano ay pinagbuksan niya ng pinto.
His eyes reflected disappointment, but the smile plastered on his beautiful handsome face never faltered.
Why are you so handsome as ever? Sunny thought herself while looking at Gabriel, wearing navy blue long sleeve and black pants. Ma-masa masa ang buhok nito na nakatali, dahil siguro sa hair wax na ginamit nito.
He look cocky while smiling at me.
"Did I already told you that we're having dinner by six." Naniningkit ang mata nito. Na mabilis na naharang nito ang katawang nang akmang isasara niya.
Nakapamewang na sinagot niya ito. "Did I also agree that were having dinner today?" balik tanong din niya dito.
Ito lang naman ang nagdesisyon. At wala sa plano niyang lumabas kasama ito.
Never gonna happen.
Kahit malaki ang kasalanan niya kung bakit naghiwalay sila.
Hinayaan siya nito at hindi man lang nagpaliwanag. Basta umalis nalang ito at nawalang parang bula. So, she assumed na siya lang ang apektado.
"Are you testing my patience, Sunny? I'm sure you won't like it," he smirked.
"Oh, are you scarring me now, Gabriel?" she said sarcastically. "What are you going to do now?" paghahamon niya dito. I bet he wouldn't do something bad to her, she knows Gabriel.
"What do you think?" Naghahamon ang tingin nito. Nakipagtitigan din siya dito.
Nabigla siya ng basta nalang siyang binuhat nito at sinampay sa balikat nito.
"What the hell! Gabriel. P-put me down!" tili niya. Pinaghahampas niya ito. Panay naman ang iwas nito.
"Saan mo ako dadalhin?" Pagpupumiglas niya mula sa pagkakabuhat nito. Pero para lang siyang sako ng bigas na dinala nito hanggang makarating sila sa pintuan ng banyo.
Nang mabuksan nito ang pintuan nang banyo at dahan dahan siyang nilapag sa mismong bathtub.
Nagulat siya ng isa-isang nitong tinanggal ang butones ng sleeves nito.
"Bwiset ka Gabriel!" Nahubad na nito nang tuluyan ang damit na maingat na sinampay nito sa sampayan. Napasigaw siya ng ma-expose ang magandang katawan nito sa harapan niya. Her eyes traveled, his whip-like upper body bare to reveal the roped muscles of his shoulders and chest, she can't take his eyes off with that six pack abs.
"You seemed enjoy what you see, hmnn..." he chuckled.
"Waah! Bastos anong gagawin mo sa 'kin?" sigaw niya na biglang tinakpan ng mga kamay ang sarili.
Hindi siya sinagot nito sa halip. Kinuha nito ang shower hose at tinutok sa kanya.
Halos manginig siya sa sobrang lamig ng tumama sa kanya ang malamig na tubig.
"Oo na, panalo ka na. lumabas ka na. Bwisit ka! kaya kong maligo nang mag-isa," asar-talong sabi niya dito na hindi pa 'rin ito kumibo. "Sinabi ng alis sabi, eh!" Galit na binato niya ito ng mga bote ng shower gel sa tabi niya.
Nanginginig ang kalamnan niya sa galit. Nagmistula siyang basang sisiw sa harap nito.
Nakahinga lang siya ng maluwag ng umalis din ito sa wakas.
Nagmamadaling naligo siya at nagbihis. Pinili lang niya yung simpleng niyang damit. It was spaghetti strap black ruffle floral mini dress. She wear her favorite white tussel earings. Hinayaan lang niyang nakalugay ang medyo kulot niyang buhok.
Naglagay lang siya ng kaunting make-up at nagwisik ng pabango. At panghuli hindi niya nakalimutan ang paborito niyang gold gladiator sandals.
At hinarap na niya ang kanyang intruder na kasalukuyang nakaupo sa sofa at nanonood ng Tv.
"Are you satisfied now?" masungit na sabi niya dito.
Natigilan ito.
Siya naman ang nailang sa paraan nito ng pagkakatitig sa kanya. Parang tumatagos ang tingin nito sa suot niyang damit.
"s**t!" narinig niyang mahinang mura nito.
Napapitlag siya.
May problema ba sa suot niya?
Naiilang na nag-iwas siya ng tingin.
"B-bakit ganyan ka makatingin? Hindi ba bagay sa 'kin?"
Ngumiti lang ito at umiling. "No. It's fine, You actually looks beautiful in that dress," sabi nito. Para siyang matutunaw sa pagkakatitig nito. "Shall We?"
Kumapit siya sa braso nito, hanggang paglabas nila ng condominium building. Kung saan nakaparada ang sasakyan nito sa gilid.
Pinagpawisan ng malapot si Sunny nang makasakay sa kotse ni Gabriel. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito. Dalawa lang sila sa loob ng kotse. Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Tila walang gustong magsalita nang isa sa kanila.
Nagpatugtog ito kahit papaano mawala ang tensiyon sa pagitan nila.
Hanggang sa huminto ang sasakyan nito sa isang mamahaling Restaurant.
Nauna itong lumabas. Pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pinto ng kotse at inalalayang lumabas.
Habang nakakapit sa braso nito.
Wala silang kaalam alam na may palihim na may kumukuha ng larawan sa kanila hanggang sa tuluyan silang makapasok ng restaurant.