“ELLE, mukhang may gusto sa ‘yo si Mr. Zendejas! Pagkakataon mo nang umangat! Kaibiganin mo siya saka maging mabait ka! Pasimpleng akit na rin para mag-level up ka na! Gets mo ako? Huwag mo nang pakakawalan ‘yan kung hindi sasabunutan talaga kita!” sambit niya sa akin na para bang tuwang-tuwa ito at nakikita na ang mga maaaring mangyari sa hinaharap. “Auntie, hindi po. Bakit naman ako magugustuhan no’n? Saka wala akong maipagmamalaki—” “Maganda ka, Elle! ‘Yang mukhang ‘yan? Maraming mabibingwit ‘yan! Isa na ro’n si Eionn Zendejas! Kaya makinig ka sa akin, ha? Huwag kang mag-inarte riyan at hindi ka naman mayaman! Kailangan nating umasenso!” Tanging pagbuntonghininga na lamang ang nagawa ko. Madalas talaga ay iba kung mag-isip si Auntie. Nakakalungkot man pero depina ang pagiging gani

