Elle’s Point of View RAMDAM ko ang hapdi sa gitna ng mga hita ko nang magising ako. Nanghihina ang katawan ko dahil sa pagod at parang lutang din ang kaisipan ko. Napatulala na lamang ako habang nakatingin sa side table na nasa gilid ko habang mahigpit na hawak ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Tila ba ngayon lang sumiksik sa utak ko ang katotohanang pinagkaloob ko ang sarili ko sa kanya nang gano'n gano'n lang. Ni hindi ko nagawang manlaban at halatang ginusto pa ang nangyari... Kinagat ko ang ibabang labi ko hanggang sa malasahan ko ang dugo mula roon. Nag-iinit ang mga mata ko habang iniisip na naging mahina na naman ako pagdating sa kanya... sa hindi malamang kadahilanan. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa nagawa. Alam kong mali iyon at labag sa prinsipyo't aral na nakag

