NAGUGULUHAN ang isip ko habang nakatingin sa mga mata niya. Tila ba walang awa ang mga 'yon at handang-handa sa isang matinding laro; Isang laro na hindi ko alam kung paano kokontrolin dahil wala akong maliit na ideya kung paano 'yon lalaruin. Para siyang bugtong na hindi ko maintindihan. Parang kahapon lang ay matino at seryoso siya habang kinakausap ako pero ibang-iba ang emosyong pinapakita niya sa akin ngayon. Hindi pamilyar ang ugaling pinapakita niya kaya hindi ko maiwasang magtaka. Mapaglaro at mapaghamon... bagay na hindi ko kayang tagalan. "Are you scared of me, Calys?" nanunuya niyang tanong sa akin habang magkalapit pa rin ang mga mukha namin. Nanginginig ang kalamnan ko sa pinapakita niyang ugali. Hindi ko matagalan ang titig niya sa akin kaya marahas ko siyang tinulak pa

