WALA pang isang oras ay nakarating na kami sa pamilyar na parking lot sa harap nang building kung saan nakatira si Auntie Levi. Hinubad ko ang nakasuot na seat belt sa akin at bumaling kay Eionn. Hinubad din niya ang kanyang seat belt pagkatapos ay in-unlock ang mga pinto ng kotse. "I'll walk you to Levi's unit," marahan niyang wika nang balingan ako ng tingin. Maagap naman akong umiling. "Huwag na. Kaya ko na 'to. Diyan lang naman sa taas ang unit ni Auntie. Dumiretso ka na sa trabaho." "But what if something happens when you enter inside the building?" dagdag pa niya at halos kumunot ang noo. "Maganda naman ang seguridad ng building na 'to kaya wala kang dapat ipag-alala," saad ko at saka binuksan ang pinto sa aking gilid. "But what if—" "Kaya ko na, Eionn. . ." Nilingon ko

