ILANG araw na ang nakalipas matapos ang nangyaring pag-aaway nina Eionn at Lance. Hindi na namin pa napag-usapan ang tungkol sa pangyayaring 'yon. Sa tuwing sinusubukan naman akong kausapin ni Eionn tungkol sa nangyaring paghahamak sa akin ni Lance ay agad kong iniiba ang usapan dahil ayaw ko nang alalahanin pa ang lahat ng mga masasakit na salitang binitiwan ni Lance. Masaya na ako na kahit papaano ay may isang taong hindi ako pinagdududahan. . . iyon ay walang iba kung 'di si Eionn. "Elle, ako na ang gagawa niyan," masuyong wika ni Eionn. Nagulat pa ako nang kunin niya mula sa mga kamay ko ang vacuum. Pagkatapos mag-almusal ay sinimulan ko ang paglilinis sa sala. Inuna ko ang pag-vacuum ng carpet. Akala ko ay busy si Eionn sa pagpapahinga pero heto siya at nang-aagaw ng gawaing bahay

