Sa Swellden Mansion Nag-a-almusal kaming lahat nang magsalita ako sa dining table sa bahay muna kami ng kakambal ko mananatili nang umalis ang fiance ko nakaraang araw. "Elle, iwan ko muna ang kambal dito mag-eexercise ako ngayon eh hindi pwedeng sumama ang dalawang bata." panimula ko sa kanila nang balingan ko ng tingin ang hipag ko. "Bakit, ate saan ka pupunta?" tanong ng bunso kong kapatid ng tumigil siya sa pagsubo ng pagkain. "Saan ka ba pupunta?" tanong ng hipag ko sa akin. "Sa arena, pupunta ka ba dun, Kech? Kasama ang gangmates mo?" tanong ko sa bunsong kapatid ko ng balingan ko ito ng tingin. "Sasama ako, ate pero manonood lang mag-training pa kasi kami bukas." sambit ng bunso kong kapatid tinuloy na niya ang pagkain ng almusal. "Anong gagawin mo dun? Maliban sa pag-exercis

