Jinchi POV "Sino siya?" tanong niya nang tuluyan nang umalis si AZ sa harapan namin. "Siya ang ama ng dalawa kong anak," seryosong amin ko sa kanya at kumuha ng pinggan para dun ilagay ang nilutong almusal. "Bakit hindi mo sinabing nagkita na kayo?" tanong naman niya sa akin sinundan niya ako. "Nung kailan ko lang siya nakita ulit at alam kong marami kang ginagawa sa hamman kaya hindi kita iniistorbo sa trabaho mo," kaagad kong sambit sa kanya. "Dapat sinabi mo kahit mag-text ka man lang sa akin," aniya sa akin. "Sorry, ayoko lang na istorbohin ka at dagdag isipin pa maayos na naipakilala ko na siya sa dalawa kong anak." aniko humarap ako sa kanya at tinaas ko ang dalawang kamay sa balikat nito. Nilapag ko sa dining table ang mga nilutong ulam at kanin tinulungan din niya ako. "Kah

