Louie POV Nagpunta kami sa lokasyon nang taping namin at kaagad na pinagpalit kami ng director. "Ang aga natin, direk ah?" biro ko at bumeso na lang ako sa kanya. "Kailangan nating matapos ito para makagawa tayo ng season nito," wika ng director sa akin nang makalayo ako at binati ang mga kasamahan kong artista. "Ah," aniko na lang sa kanya nakipag-batian ako sa iba pang staff. "Legit na kayo ni Ayana?" tanong ng director nang tumabi ako pagkatapos ng eksena ko. Napabaling ang tingin ko sa director at hindi ako sumagot. "Matagal naman kami ni Ayana hindi lang lantad sa media," aniko na lang sa director. "Oo nga pala, iwas ang pamilya nila media hindi dahil kilala sila sa industriya ng negosyo you know naman." bulong ng director sa akin naintindihan ko naman ang tinutukoy niya. "G

