Nakatanaw ako mula sa itaas kasama ang magulang at dalawang biyenan ko. "Mommy, bakit kinuha niya kaagad ako?" tanong ko na lang. "Sino ang kausap mo sa amin, anak?" tanong ng biyenan kong babae. "Oo nga, anak hindi kami nagsasalita dahil hindi namin alam kung sino ang kinakausap mo sa amin." sabat ni mommy natampal ko tuloy ang noo ko. "Mama na lang itawag ko sa'yo, mommy Jia, okay lang po ba?" tanong ko nang napapakamot sa batok. "Hahaha! Oo, anak kahit anong tawag pa basta kapag magkasama kami ng mommy mo..Mama ang tawag mo sa akin para hindi kami ganito." sabat ng biyenan kong babae. "Hay, iba talaga ang asawa mo kaya napa-ibig niya ako, ano? Pero, masaya na ako ngayon sayang lang ang bilis sila sana ang tumuloy sa pagmamahalan—ng mga anak natin.." wika ni daddy sa biyenan kong l

