Louie POV Sana pumayag siya na lumabas kaming dalawa. "Manager, pa-tulong ako ngayon." tawag ko sa manager ko nang lapitan ko ito. "Bakit na naman?" tanong ng manager ko sa akin nang balingan niya ako ng tingin. "Anniversary namin ni Jinchi ngayon, ano kayang surprise date ang pwede kong gawin ayoko sa restaurant baka pagka-guluhan ako ng mga fans," sambit ko sa manager ko. "Ayaw mo sa restaurant dahil kapag nandun kayo hindi mo siya masosolo at pag-initan siya ng mga tao," kaagad sambit ng manager ko. Nag-thumbs up na lang ako sa manager ko bago napatango. "Naghahanap ako ng lugar kung saan pwedeng dinner date," aniko sa manager ko. "Tatawag ako sa kakilala kong manager sa kilalang restaurant at ikaw, mister bodyguard gagawin ka naming waiter pansamantala." tawag ng manager ko nap

