Twenty five Bianca Isang buwan mahigit na ang nakakalipas at masasabing kong nagiging mabuti na ang pakiramdam ko, nagpasya akong lumayo muna, pansamantalang tumira muna ako kay tita irene isa sa mga kapatid ni mama, dito ay naging masaya ako at tahimik ang isip ko, maraming kwento si tita na puro katatawanan at talaga namang wala akong ginawa kundi ang tumawa, napaka kulit kase nito kahit ang asawa nito na si tito arnel, naaliw din ako sa pamangkin ko na si gian, napaka bibo nitong bata, kaya siguro madaling akong naka recover. Si nico naman ay kahit hindi ko na nakikita ay hindi naman ito nakakalimot na suportahan ako financially, sa totoo lang sobrang miss na miss ko na toh, mahal na mahal ko ito. Ilang araw nalang at manganganak na ako kaya nagpasya na akong bumalik sa bahay namin,

