Blaze Aurelios Blood Habang abala ako sa pag tingin sa muka ni Allison ay nakita ko ang kanyang cell phone, kinuha ko ito bago naupo sa kanyang harapan. Binuksan ko namna ito at napangiti ng makitang wala naman itong kahit na anong PIN or lock, isang slide ko lang sa screen ng kanyang cell phone ay agad na itong bumukas. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan at nag punta ako sa kanyang gallery, binuksan ko isa isa ang folders nito at wala akong ibang nakikita kundi mga screen shots ng products na mukang gusto niyang bilhin, may isang screen shot pa na sa tingin ko ay sa online shop na tinatawag na shein lang mabibili. It’s familiar to me kaya naman agad kong kinuha ang aking cell phone at binuksan ito, wala sa sariling ipinasa ko ang mga screen shots niya at ang iilang pictur

