Allison Cassandra Dawson Kasalukuyan kami ngayong nag lalakad palabas ng Private plane ni Aurelios, tulad kanina ay karga karga niya si Haruki habang si Drie at Drew ay nasa likod namin at ang iba pang men in black na nag dadala ng aming mga gamit. Napatigil naman kami lahat dahil may tumigil sa harapan namin na isa na namang limousine. Bumaba doon ang isa na namang men in black na may katandaan an ang itsura, yumuko ito sa aming harapan. “Maligayang pag babalik, Master Blaze!” pag bati nito bago binuksan ang pinto ng limousine. “Mauna ka,” sabi ni Aurelios sa akin kaya naman nagmadali akong pumasok. Ramdam ko na agad ding sumunod sa pag pasok ko si Aurelios, ganun din naman sila Drie at Drew. Naupo na ako at tumabi naman sa akin si Aurelios. “Tulog si Haruki?” tanong ko sa kan

