Allison Cassandra Dawson Unti unti kong binuksan ang aking mga mata ng maramdaman ko na may nag saboy sa akin ng malamig na likido. Hindi pa man ako nakakatunghay ay dumampi na sa akin muka ang kamay ni MJ. Sinampal ako nito ng malakas, paulit ulit at pabalik balik. Napapikit na lang ako dahil sa lakas ng impact ng kanyang sampal. “Ewww,” kasabay ng pag sasalita ni MJ ay naramdaman ko na tumigil na ang ginagawa niyang pag sampal sa akin. Pinilit kong tingnan siya ng masama kahit na namamanhid ang aking muka. “Hi, there!” nakangising sabi ni MJ sa akin, sinamaan ko lang siya ng tingin at mukang napansin naman niya ito. “Sama mo makatingin, ah?” nakangising dagdag pa niya ng mapansin ang tingin ko sa kanya. Nakita ko kung paano niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa, gamit ang kanyang

