Rex Nakaradmam ako ng saya ngunti agad din yung nawala, agad na nawala matapos kong maalala kung ano nga bang katungkolan at layunin ng mga katulad nilang rebelde. Napayuko na lang ako, siguradong susunod na nilang sasakupin at sisirain ang paaralan. Hindi ko maiwasang matakot, hindi para sa sarili ko dahil alam kung poprotektahan ako ng aking kapatid ngunit para sa aking mga kaibigan. Para kay Cassandra na kahit lagi akong binabara ay napalapit na sa akin, para kay Raven na kahit napaka sungit sa akin ay naging malapit na rin sa akin, sa dalawang mag kapatid na si Drew at Drie, at lalo na kay Blaze. Sigurado akong hindi hahayaan ni Blaze si Cassandra na mapahamak, at yun ang bagay na ikinatatakto ko. Ang oras na mag kaharap ang aking kapamilya at ang aking kaibigan, ayaw kong malagay s

