Allison Cassandra Dawson “Ito ba ang opisina mo?” namamanghang tanong ko sa kanya. Inilibot ko ang aking mga mata at hindi ko mapigilang mapanganga. Napaka lawak ng opisina ni Aurelios, mayroong isang office table sa center ng silid at mayroon din set ng sofa sa bandang kanan, nag lakad naman ako palapit sa isang bubog na kitang kita na ang labas. “Woah!” nasabi ko na lang ng tumingin ako sa baba nito. Nag mistulang mga langgam ang mga sasakyan sa baba dahil sa taas ng pinag lalagyan ng opisina ni Aurelios. “Pakihawak nga nito,” mabilis akong napatingin sa kanya bago ako nag lakad papalapit dahil may inaabot siya sakin na itim na envelop. “Gusto mo akin muna si Haruki, ako muna mag hahawak?” sabi ko kay Aurelios dahil mukang nahihirapan siyang mag hanap ng documents na hinahana

