Allison Cassandra Dawson “Pumayag na siya, paano ba yan?” sagot naman ni Drew kay Aurelios at saka ito nginisian. “No problem,” tipid na sagot ni Aurelios at tumingin sa akin. “Tanghali na tayo, sila na ang bahala diyan,” sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya at binitawan ang mga plato na dapat ay ilalagay ko muna sa kitchen sink. Agad kong kinuha ang aking bag at isinuot ito. “Tara,” sabi ko kay Aureliosat lumapit ako kay Haruki. “Pasok muna si Mimi, ha, papakabait ka dito,” sabi ko kay Haruki at hinalikan ito sa noo. Tumango siya sa akin at ngumiti, tumalikod na ako sa kanya at nauna ng mag lakad palabas ng pinto. Bumungad sa aking harap ang isang sasakyan, unti unting bumaba ang binatana nito at nakita kong si Aurelios ang nag dridrive nito. Sumenyas siya sa akin na

