Third Person Mabuti na lang at hindi na nag habol pa ang mga kalaban, lalo na ngayong nag mamadali si Blaze na makapunta kay Cassandra dahil iniwan ito ng binatang nag anyong dalaga na mag isa sa silid nito. Natatakot si Blaze na baka gamitin yun ng kalaban na paraan para masugod si Cassandra n angayon ay walang kakayahan para ipag tanggol ang sarili. Hindi alam ni Cassandra kung anong nangyayare, basta na lang siyang nagising kanina dahil sa narinig niyang malakas na pag sabog. Una niyang hinanap si Blaze pero hindi niya ito makita sa paligid ng kanyang kwarto, unti unti na siyang nakaramdam ng kaba at tumayo na sa kanyang kama. Akmang lalabas na sana siya ng pinto ngunit pumasok doon ang taong kanina pa niya hinahanap. “Umalis na tayo,” seryosong sabi ni Blaze kay Cassandra. Hindi

